"Tonight"
@mahina-
"Nanay, pahingi po bente." paghingi ko kay lola na busy sa pagtatahi ngayon.
"Oh, ito. Bili ka ng biskwit doon." sagot niya saka ako binigyan ng pera.
-
"Nay, turuan mo naman po akong kumanta." pumayag naman siya. Kinantahan niya ako at tinuruan.
-
"Huwag mo namang paluin! Natural lang na ganiyan, bata pa eh." pagtatanggol sa akin ni nanay, pinalo kasi ako ni mama.
"Tahan na. Nasaktan ka ba? Anong masakit sa 'yo?" pag-alo niya sa akin, umiling naman ako bilang pagtugon.
-
"Kapag inaapi ka, huwag kang magpapatalo. Kung alam mong nasa tama ka, lumaban ka ha?" payo sa akin ni nanay. Nagkwento kasi ako ngayon kay nanay about sa nang-away sa akin kanina.
-
"Congrats, apo! Ang galing naman. Sayang at hindi ako nakapunta." bati sa akin ni nanay.
Hindi siya nakapunta kanina dahil hindi na niya kaya. Mabilis na siyang mapagod at hingalin, dahil na rin sa tanda.
"Gayahin mo ate mo, ha? May natapos na. Magpursige kang maabot mga pangarap mo. Alam ko na hindi ko na maaabutan at masasaksihan 'yon pero tandaan mo na proud na proud ako sa 'yo."
-
"Nay, uwi muna ako ha? May pasok pa po ako bukas eh. Pagaling ka po." tumango naman ito sa akin.
Ilang buwan na ring nandito sa hospital si nanay. Ngayon lang ako nakabisita, ngayon lang din kasi ako nagkafree.
Aalis na naman ako. Ayaw ko man ngunit may naghihintay pang projects at home work.
-"Kuya, pasabi sunduin na ako" hindi pa man tapos ang aktibidad namin sa kapilya ay nagpasundo na ako.
Kanina pa hindi maganda ang pakiramdam ko. Pinilit ko lang talagang pumunta pero sobrang bigat na talaga.
"Sige, papunta na diyan si tito. Nandito kaming lahat sa hospital ngayon. Nakatulog na si nanay. Hindi na siya gumigising. Hinihintay na lang namin na maputol hininga niya."
Hindi ako naniwala. Nangako ka eh. Nangako ka sa akin, nay.
-
Pagdating ko sa hospital ay nakapikit na nga siya. Ang himbing ng tulog mo, 'la. Naging kampante ako na gigising ka pa.
Pagod na pagod ako nang araw na 'yon. Sabi ko, uuwi muna ako para matulog. Balak ko sanang bumalik sa gabi para bantayan ka.
Pero pagkagising ko sa hapon, nalaman kong wala kana pala.
You taught me how to live, but you didn't taught me
to live without you.~Tonight, I've fallen and I can't get up.
//Tonight: FM Static.
Lugmok na lugmok na ako sa kalungkutan. Hindi ko alam kung paano bumangon nang wala ka, nay. Sino nang sasabihan ko kapag may problema? Kanino na lang ako magsusumbong?
~I need your loving hands to come and pick me up.
Kailangang-kailangan kita, nay. Ba't ambilis mo nawala? Ba't ambilis mo namang mang-iwan?
~And every night, I missed you.
Lagi po kitang iniisip. I miss you so much, nanay.
~I can just get up.
Thank you for everything nanay. If there would be a chance, I will spend my time with you. Patawarin mo sana ako sa mga naging kasalanan ko. Sobrang thankful ko na ikaw ang lola ko. I love you so much, nanay!
~And know the stars are holdin' you, holdin 'you, holdin' you tonight…
Natapos na ang musikong 'yon, ngunit patuloy pa rin ang pag-iyak ko habang inaalala ang mga ala-ala natin, nay.
It's been 9 months since you left us.
Help me to get up, nanay…