XIII: 13 Days with you

0 1 0
                                    

"13 Days With You"
@mahina

-

"Jovanie, chinachallenge kita." madaldal na saad nitong si Ailyza.

Kanina pa talaga ako naiirita. Napakadaldal ba naman.

"Ano?" bored na bored na saad ko.

"Tatawagin natin itong '13 days with you challenge', game ka ba? Siyempre, oo. Wala ka namang magagawa eh. Hahahahaha!"

Pft! Sana after ng challenge na 'to tanta-

"Tatantanan kita after nito. Gusto lang talaga kitang maging bestfriend." saad pa niya.

"Okay, deal." pagsang-ayon ko.

-

It's November 30. We decided -ah, no. She decided that we'll start tomorrow, December 1.

Ipinakilala siya sa akin ng ex-boyfriend ko. Magpinsan sila.

After ng break-up, lagi na lang niya akong sinusundan. Maging dito sa bahay, laging nakasunod.

Pinatira siya nila Ate rito since mabait naman siya. Related din pamilya namin kaya wala silang nakikitang dahilan para hindi siya panatilihin dito.

"Jovanie, thank you. See you later. I love you!" message niya sa akin kahit pa magkatabi lang naman kwarto namin.

May part sa aking na g-guilty dahil sa kasungitan ko rito kahit wala naman siyang ginagawang masama sa akin.

-

Nagising na lang ako sinag ng araw na tumama sa akin.

Pagbukas na pagbukas ko pa lamang ng mata ko ay mukha na agad ni Ailyza ang bumungad.

"Good morning! May pagkain na doon, kain kana." bati niya.

Our first day started with cleaning. Ewan ko ba kung ano'ng klase'ng isip, meron 'to. Alam niyang tamad ako pero ito, napilit akong gumawa ng mga gawaing bahay.

"Enjoy ba?" nakangiting tanong niya.

Nanatili namang blanko ang reaksyon ko. Sino'ng mag e-enjoy sa paglilinis?

Natawa ito; "Tinuturuan kita para kapag umalis na ako rito, matutulungan mo na sila Ate.

-

Day 2:

She help me to clean my messy room. Inilipat niya rin mga gamit niya rito. Dito raw siya mag e-stay. Haist!

-

Day 3:

Mga damit ko naman ang inayos namin. Kahit papaano ay gumaan ang trabaho ko.

Hindi ko maiwasang tignan siya. Parang hindi siya napapagod.

Paano niya nagagawa 'yon?

Day 4:

Nag-away kami. Pinipilit niyang kunin phone ko. Psh! For what? Hindi naman por que pumayag akong makasama siya p'wede na niyang kunin gamit ko.

"Sorry, Vanie! Hindi na mauulit, promise." tinalikuran ko siya saka natulog na.

Day 5:

We'll just take a rest. Nagsusulat siya ngayon. I don't know what she's writing, hindi rin naman big deal sa akin 'yon.

Nag c-cellphone lang ako. Boring!

Day 6:

Inaya niya akong magbadminton.

"Ang galing mo! Haist! Sana all. Hahahahaha! Turuan mo naman ako."

Day 7:

Umulan. At dahil matigas ang ulo namin, naligo kami. Hahahaha!

Ngayon ko na lang ulit naranasan ito. Ang sarap sa pakiramdam.

Hmm? Hindi ko mapigilang ngumiti. Thanks, Aily! Naranasan ko ulit maging maligaya.

Day 8:

Nagchat si Aaron, ex-boyfriend ko. Hindi ko mapigilang umiyak, bakit ba ganito?

"Shh! Tama na." pagcomfort niya sa akin saka niyakap ako.

"Alam kong kaya ka nagsusungit sa akin ay dahil naiirita ka kasi nga related kami ng ex mo. Huwag kang mahiyang magsabi sa akin. I'm your bestfriend."

Hindi ko alam ngunit bigla na lang akong napayakap pabalik sakaniya.

Day 9:

Tinuruan niya akong magluto.

"Hmm? Ang bango. 'Yan marunong ka ng magluto. Yey! Sinigang ala Jovanie."

Napangiti naman ako roon.

Day 10:

Late siyang nagising. Hindi naman malakas aircon pero lamig na lamig siya. Kinapa ko ang noo nito, hindi naman siya mainit.

Nang magising siya ay sinamahan niya lang ako magsketch at gumawa ng mga calligraphies. Tinuruan niya rin ako magpaint.

"Ano ba 'yan!" reklamo ko ng pahidan niya ako ng pintura sa mukha. Buti na lang naaalis pa ng tubig 'yon.

"Nye, nye! Hahahaha!" nauwi kami sa pahiran. Hahahaha!

Day 11:

Naabutan ko siyang nagliligpit ng mga gamit niya.

"Hmm? Nag-aayos kana?" tanong ko rito.

"Oo naman, yes! Day 11 na natin ngayon. Malapit na ako umalis." nakangiting sagot niya.

Ewan ko ngunit bigla na lang kumirot puso ko sa sinabi niya.

Day 12:

Nakatulog siya after naming magbahay-bahay'an. Mukha kaming bata pero masaya eh.

Last day na namin bukas. Kaya ko ba? Kaya ko!

Day 13:

Ayo'ko ipakitang nalulungkot ako sa huling araw namin. Pft! Hindi naman talaga eh! Buti nga 'yon, wala ng gugulo sa akin.

Nagbike lang kami at gumala sa kung saan-saan. Nagpunta rin kami sa ilog malapit dito.

December 14:

Pagkagising ko ay wala na akong katabi. Wala na ring mga gamit ni Aily.

Lalabas na sana ako ng may mahulog na sulat.

"Jovanie, si Ailyza…" nanginginig na balita sa akin ni Ate.

Naiyak na lamang ako sa aking mga nalaman.

-

Jovanie, thank you for 13 days. Bago pa ako ipakilala ni Aaron sa 'yo, kilala na kita. I always stalk you.

Sobrang saya ko nang malaman kong girlfriend ka niya. Nagalit din ako nang iwan ka.

Sobrang familiar mo nang una kitang nakita. Sabi ko gusto kitang maging bestfriend kaya lahat ginawa ko para maging close tayo.

Sa 13 days na 'yon, marami akong naalalang mga ala-ala. Nakakatawa lang na kung kailan nakita na kita, saka pa ako nanghina.

May times na sobrang napapagod na ako sa mga ginagawa natin. Pero love kita eh! Kahit na bawal sa akin magpagod, go pa rin.

Sorry kung ang kulit ko, alam kong naiirita ka sa akin at naiinis.

Ang sayang makita kang nakangiti, tumatawa at maligaya. Mahal na mahal kita, Ate…

Masaya akong nakita at nakasama kita ulit sa mga huling araw ko.

-Janine

Janine, kapatid ko…

Compilation of One-Shot StoriesWhere stories live. Discover now