"Rosas"
@mahina-
"Girls, may bagong labas ng bag ngayon. Let's go?" anyaya ni Peach sa amin pagkapasok palang niya ng classroom.
"Why not, 'di ba?" sang-ayon sakaniya ni Hermione.
"Emerald, since sabi mo namang kapapadala lang ng Daddy mo, hindi mo ba kami i t-treat?" saad naman ni Yana.
"Ah, kasi…"
"If you don't want to, then okay. Kami-kami na lang ang pupunta. You're not a big deal, anyway."
-
"Eme, nasulat mo ba 'yong pinapasulat ni Sir yesterday?" Hermiome asked.
"Ah oo, kokopyahin niyo? Ito oh." sagot ko saka ibinigay ang notes ko, pero hindi nila tinanggap 'yon.
"Wait, what? Kami magsusulat? Eme, we know you can do it naman, 'di ba?" sabat ni Peach saka iniabot sa akin ang mga papel nila.
-
"Okay, class. I'll be right back. Ituloy niyo lang 'yang exam. I'll check it later." our proffesor said.
Pagkalabas na pagkalabas palang niya ay agad-agad ng lumapit sa akin ang mga kaibigan ko.
"You know what to do, Eme." saad nila saka ibinigay sa akin ang mga test papers nila.
Wala naman akong choice kun'di gawin 'yon.
Sigurado akong pupunta na naman sa rest room ang mga 'yon, para mag-ayos.
Nang matapos kong sagutan ang mga 'to ay pinasa ko na ito sa harap.-
"Naiinis talaga ako sakaniya. Masyado siyang pabida! Lagi na lang siya pinipili. Porque maganda eh." Hermi said.
"Tiisin mo muna 'yang inis mo, gagraduate na rin naman tayo. After no'n hindi na ulit siya belong." saad naman ni Yana.
"Yeah, agree! For our grades and you know, pera. Hahahaha!" sang-ayon ko kay Yana.
"Ang demonyo mo talaga Peach! Hahahahaha."
Well, yes! Pera at mataas na grades lang naman ang gusto namin kay Emerald. Pera lang naman ang puhunan niya para magkaroon ng kaibigan.
-
Uwian na at kakaunti na lamang ang tao. Nandito pa ako sa room since wala pa naman akong sundo. I'm putting a make-up when someone entered. Hindi ko 'yon pinansin. Pft!
She gave me a rose.
"Rosas, maganda ngunit sasaktan ka."
"E-" hindi ko naituloy ang sasabihin ko nang saksakin niya ako.
"Isa rosas sa unang biktima." saad niya bago ako mawalan ng malay.
-
"Hala! Kawawa naman siya!"
"Sino kayang pumatay sakaniya? Hindi na naawa."
Rinig kong bulungan ng mga taong nakiki usyoso. Bangkay ni Peach ang naabutan namin kaninang umaga pagdating namin. Iyak ng iyak ngayon ang pamilya niya, maging sina Yana.
"Tignan niyo, may nag-iwan ng rosas sa tabi niya. Hindi kaya konektado ito sa pumatay sakaniya?" rinig kong sambit ng isa pa naming kaklase.
Pinag-iingat kaming mga kaibigan ni Peach dahil baka raw nagmamatyag lang sa amin 'yong killer.
-
I was walking in gymnasium when my phone vibrated.
"Hello." saad niya ng sagutin ko ang tawag.
"Hermi…"
"Yana, let's go home. Natatakot ako para sa atin. Baka nakamatyag lang talaga sa atin 'yon." Hermi said before she ended up the call.
Hindi pa ako nakakaalis nang maramdaman ko ang kirot sa aking likuran dala ng isang saksak.
Pagbagsak ko ay inihulog niya ang dalawang rosas.
"Dalawang rosas para sa ikalawang biktima. Teka, biktima ka nga ba?"
"B-bakit mo ginagawa 'to?"
"Ask yourself. Here's the roses. Rosas, gaya ng sabi niyo ay maganda pero hindi gano'n kadali hawakan dahil sasaktan ka." saad niya bago ako mawalan ng hininga.
-
Ngayon naman ay si Yana ang natagpuang walang buhay kasama ang dalawang rosas na halos tabunan na ng dugo niya.
-
Shit! Una si Peach, ngayon naman si Yana. Natatakot ako na baka isa sa amin ni Emerald ang susunod. Fck! Ba't ba nangyayari 'to?
Mas lalo kaming pinag-ingat dahil sa nangyari kay Yana.
Nagpunta muna ako sa rest room para kumalma.
Pagpasok ko ay may nakita akong tatlong rosas sa sink. Kinakabahan ako dahil maaring 'yon ang palatandaan ng killer.
Aalis na sana ako ngunit locked na ang pinto. Paano ako makakaalis dito?
"Rosas... Hermione, ano ba ang rosas?"
"Anong ibig sabihin nito?"
"Sagot!"
Kinabahan ako sa sigaw niya. Parang ibang tao ang nasa harap ko ngayon.
"R-rosas, i-isang n-napakagandang b-bulaklak… n-ngunit h-hindi m-mo i-ito b-basta-basta m-mahahawakan d-dahil s-sa t-tinik n-nito n-na p-pwede k-kang s-saktan." nauutal na saad ko.
"Kuha mo! Matalino ka naman eh, hindi mo lang ginagamit utak mo. Hindi niyo lang ginagamit utak niyo!"
Napalunok ako nang unti-unti siyang lumapit sa akin.
"Hindi lahat ng maganda, mabait. Hindi lahat ng kahanga-hanga, hindi ka kayang saktan."
"Ah!" daing ko na sugatan niya ang aking pisngi gamit ang isang patalim na may tatak ding rosas.
"Kulang pa 'yan sa binigay niyong sakit sa akin."
"Eme…"
"Lahat ng gusto niyo, ginawa at ibinigay ko pero ganito ang isinukli niyo."
Hindi na ako nakapagsalita nang may lumabas na pulang likido sa aking bibig. Pinagsasaksak niya ako sa aking dibdib.
"Tatlong rosas sa ikatlong biktima. Hindi lahat ng nakaka-akit ay hindi ka kayang saktan. Matutong kayong pumili ng pipitasin para gaguhin, hindi niyo alam baka 'yong taong pinagtatawanan niyo ay siya ring papaslang sa inyo."
Saad niya sa inihulog sa akin ang tatlong rosas.
-
Hermione. Huling biktima. Nakikita ko ang aking sarili sa rosas. Isang napakagandang bulaklak ngunit may tinik para protektahan ang kaniyang sarili.
I really hate my second name 'Rose' hindi ko alam na magagamit ko pala siya para makapaghigatin sakanila.
When they are talking about me, I was there. Nakikinig ako sa usapan nila.
-
Sabay-sabay silang inilibing sa iisang lugar.
"Paalam… Magkita-kita na lamang tayo sa kabilang buhay balang araw." sambit ko bago inihulog ang tatlong rosas.