ikaymorco❤︎❤︎❤︎GLYRREL
Mukhang hindi ako makakapag trabaho ngayong araw hindi ko talaga kaya. Hindi pa ako umiinom ng gamot. Mas gusto ko na lang humiga. Bahala na kung mapapagalitan muli ako ni Lola Celis may dahilan naman ako eh. Mukhang wala naman naghahanap sakin.
Mag dadalawang oras na din akong nakahiga dito. Ako lang ang natirang tao dito sa maids quarter siguradong abala na ang ibang kasambahay sa mansiyon.
Kinuha ko ang cellphone ko at saktong tumatawag si tatay. Huminga muna ako ng malalim bago saguting ang tawag."Tay! Bat' po napatawag kayo?"
Masiglang bungad ko dito. Ayaw kong mahalata niya na hindi mabuti ang pakiramdam ko ngayon.
"Nak! Kamusta ka jan?"
Umubo-ubo pa si tatay. Agad naman akong nag-alala sakanya.
"Tay ayos lang ako dito, ayos lang po ba kayo? Uminom po ba kayo ng gamot?"
"Ano ba anak ayos lang ako konting ubo lang to'"
"Tay naman uminom ka na ng gamot para gumaling ka agad"
Ganyan ako mag-alala sa iba pero ni-sarili ko nga hindi ko maasikaso kahit pag inom ng gamot nahihirapan pa ako.
"Nak, kung nay problema ka jan at kung minamalupit ka ng amo mo jan mabuti pang umuwi ka na lang dito"
Palihim akong napaluha. Miss na miss ko na si tatay kami na lang kaseng dalawa ang magkasama. Hindi ako sanay na hindi siya makita araw-araw.
"Tay ayos lang ako, sigi na po tatawag na lang ako ulit mamaya"
Hindi ko na hinintay na magsalita siyang muli at tuluyan na akong napahikbi ganto pala ang pakiramdam na malayo sa pamilya. Hirap at tiyaga talaga para may mabuhay.
Agad na pinunasan ko ang luha ko ng bumukas ang pintuan ng aking kwarto. Hindi ko inaasahan ang pumasok.
"Ano ginagawa mo dito?"
Mataray kong sabi. Kahit na pinapasigla ko ang boses ko halatang halata na maputla ang mukha ko. Medyo namamaos na din ang boses.
"Hindi kita mahanap sa mansiyon"
Kumamot pa ito sa batok nito.
"Yiee, miss mo ko?"
Pang-aasar ko pa dito.
"Assuming ka talaga"
Binato ko ito ng unan na agad naman nitong nasalag ng kanyang braso.
"Easy Gly, may sakit ka na't lahat-lahat napaka arte mo pa den"
Inirapan ko na lang ito.
"Uminom ka ba ng gamot?"
Tanong nito sa akin.
Lumapit ito sa akin sobrang lapit. Idinampi nito ang palad sa noo ko. Nanigas ako ng ginawa niya iyon. Ramdam ko din na bumilis ang tibok ng puso ko. Hindi ko inaasahan na gagawin niya iyon.
"Mabuti hindi mataas ang lagnat mo, uminom ka ng gamot para ayos ka na bukas"
Titig na titig ako sakanya. Bakit ganto siya sa akin mag-alala?
"T-Teka, nag-aalala ka ba?"
"Oo, kaya uminom ka na ng gamot"
Hindi ko naman inaasahan ang sagot niya. Gusto ko sana siyang asarin pero mukhang seryoso siya ngayon.
"Kaya ko sarili ko umalis ka na"
"Haist, tigas talaga ng ulo mo."
Lumabas na lamang ito. May konting parte sa akin na nag hinayang ako na umalis siya. Luh? Bat' ako naghihinayang?
YOU ARE READING
"Atrapame, Señorito"
RomanceGlyrrel Dawson is a maid servant of a Spanish Multi-Billionaire Bachelor Man known as Señorito Lincoln. Glyrrel wasn't aware that her Señorito falls for her because she was blinded by her love for another man. シ︎ HAPPY READING!㋛︎