꧁13➪ANG SARAP MO꧂

13 5 0
                                    

dedicated to; msleinkim🥰❤️

[SPG⚠︎ AT LEAST YOU'RE IN THE AGE OF 16+ YOU CAN PROCEED READING]

Ngayong araw ang alis ko sa ospital. Kakaalis lang din ni Tiya Benin hindi na nito ako nasermon dahil nagmamadali itong umalis. Nakiusap din ako na sana wag na ipaalam ang nangyare sa akin kay Tatay. Mabuti na lang at napakiusapan ko si Tiya Benin.

"Ayos na ba ang mga dadalhin mo?"

Napalingon ako kay Charles na abala sa paglalagay ng mga gamit ko na dinala dito sa ospital. Madaling araw na rin itong nakabalik sa mansiyon ay mga bandang alas sais ay bumalik rito para sunduin ako. Siguradong wala pang maayos na pahinga ito.

"Oo ayos na"

Nakasuot ako ng puting t-shirt at pantalon samantala si Charles naman ay naka khaki short at blue na t-shirt.

"Mabuti, tara na alis na tayo"

Lumapit ito sa akin at kinuha ang bitbit kong bag.

"Makakalakad ka ba?"

Nag-aalalang tanong nito sa akin. Pasimpleng tinapik ko siya sa balikat niya.

"Nabugbog lang ako, pero hindi ako baldado"

Pagbibiro ko dito. Ngumiti ito at tumango.

"Mabuti naman kung ganon'"

Ginulo pa nito ang buhok ko. Nasasanay na ata siya na laging ginugusot ang buhok ko. Pero kinikilig ako sa mga galaw niya. Siya yung lalaki na napaka gentlemen,palangiti, at laging nagpapatawa tapos gwapo pa.

"Ngumingiti ka na naman"

Mabilis kong pinalis ang ngiti sa mga labi ko hindi ko namalayan na napangiti na pala ako.

"Wala lang yun"

Pagtanggi ko rito. Bahagyang yumuko ako baka kase nakita niya ang mukha ko na namumula.

"Ang cute mo talagaa"

Nanggigil na pinisil nito ang pisngi.

"i-ishtap"

Usal ko rito. Tumigil naman ito at muling ginulo ang buhok ko at inakbayan niya ako. Bumilis na naman ang tibok ng puso ko. Napatitig ako sa braso niya na naka-akbay sa akin.

"Ang sakit ng ginawa mo Charles"

Sinamaan ko ito ng tingin ngunit tinawanan lang ako nito.

"Tara na nga"

Aya nito sa akin, tinaggal niya na ang pagkaka-akbay sa akin at naunang lumabas ng pinto. Sumunod naman ako rito.

Nang makalabas na kami ng ospital ay dumiretso kami sa garahe. Inilagay niya sa compartment ng sasakyan ang mga gamit ko at pinagbuksan ako ng pinto ng kotse.

"Salamat"

Usal ko rito. Kinindatan niya pa ako at ngumiti, kita ang magkabilang puyo niya sa pisngi. Maingat na sumakay ako sa shotgun seat wala sa sariling napangiti muli ako.

Hindi naman nagtagal ang aming byahe pabalik sa mansiyon.

Pagkapasok ko sa mansiyon ay agad na sumalubong sa akin si Linda na kumakaway pa at nasa tabi niya si Lola Celis. Nang makalapit ako sakanila ay kinamusta agad ako ni Lola Celis.

"Magaling na ba ang mga sugat at pasa mo?"

Tanong ni Lola Celis sa akin.

"Maayos na po ang lagay ko humihilam palang po ang sugat at pasa ko"

"Atrapame, Señorito"Where stories live. Discover now