꧁16➪GUESS WHO'S WHO꧂

8 5 0
                                    

dedicated to;CelineSisalliv🥰❤️

GLYRREL

Isang araw na ako naririto sa Westward at hindi ko alam kung bakit hindi pa nila ako pinababalik sa mansiyon. Maayos naman na ang lagay ko at hindi ganoon kalala ang natamo kong sugat. Lumipas din ang buong araw ay hindi man lang nagpakita ang señorito at kahit si Charles ay hindi man lang nagpunta pa rito.

Napag-alaman ko na ang pansamatalang kwartong tinutulugan ko ay ang dating kwarto ng kapatid ni señorito na si Sir Seymour. May naririnig akong mga usapan tungkol kay Sir Seymour, napakabait at masayahin daw nito. Mahilig siya sa mga kabayo kaya pinasadya ang lugar na ito.

Abala ako sa pagtitingin ng mga kabayo na naririto at naagaw ng pansin ko ang isang kulay puti na kabayo na nakahiwalay sa iba.

Naglakad ako palapit dito.

Natawa ako nang hindi pa man ako tuluyang nakakalapit dito ay masama na ang tingin nito sa akin.

"Ate woi!"

"Palaka ka!"

Gulat na singhal ko ng may isang lalaking bata na sumulpot sa harap ko.

"Wag ka jan ate lalapit"

Mataba ang katawan nito pero medyo may katangkaran.

Ngumiti ako ritom

"Bakit?"

"Gusto mo bang masipa niyan ni kulog?"

Nag cross arm ito at tumingin na nang-uuyok.

Si kulog pala ito, narinig ko na nasa pangangalaga ito ni Charles.

"Kanino ba yan na kabayo?"

Tanong ko rito pero imismiran lang ako.

"Kay Charles ba?"

"Charles? Sino po yun?"

Nagtatakang tanong nito.

"Hindi mo kilala si Charles?"

Kahit ako nagtataka. Matagal na rito si Charles malamang kilala nila ito.

Napaisip ako.

"Ah si Sebastian pala"

Kumunot ang noo nito.

"Ah si Kuya Sebastian"

Nagbago agad ang reaksiyon nito parang natutuwa siya na marinig niya ang pangalan na iyon.

"Kay kuya Sebastian nga yang kabayo, walang nakalalapit jan bukod sakaniya. Naninipa yan si kulog"

Umaalog pa ang pisngi nito habang nagsasalita.

"Ah okaaayyyy, nga pala may tanong ako ha pero sekret lang natin to'"

Todo pa ang ngiti ko rito. Yung mala anghel kong ngiti.

"Sige ate kahit ano"

"May girlfriend ba si Charles ay este si Sebastian?"

Napaisip naman ito.

"Ewan malay ko dun, parang wala naman eh"

Kahit hindi sigurado ang sagot nito ay natutuwa ako na malaman iyon.

Tumango-tango naman ako.

"Close ba kayo?"

Pinakitahan ko pa ito ng nakakaloko na pamatay kong ngitin

"Oo naman, ako ang bunso dito. Mahal ako ng lahat ng nandito."

Natuwa muli ako.

"Eh kase ganito, may isang babae na gustong-gusto si Sebastian at nagsabi naman din ng nararamdaman si Sebastian sa babae, bale parehas pala sila ng nararamdaman pero umaasa ang babae na maging boyfriend nito si Sebastian. Yung babae ay humingi ng pabor sa akin na tulungan ko daw siya na maging sila ni Sebastian. Tapos, ngayon ay hihingi din ako ng tulong sayo para magkaroon sila ng happy ending ng babae. Pwede ba yun?"

"Atrapame, Señorito"Where stories live. Discover now