꧁19➪NO ME ENCUENTRO BIEN꧂

7 3 0
                                    

  
Glyrrel

   Hindi maalis sa aking isipan ang pangyayaring iyon. Hanggang ngayon ay ramdam ko pa rin ang maiinit na palad niya sa aking dibdib. Unang beses ko lang naranasan ang iyon at hindi ko pinagsisihan na si Charles ang gumawa niyon.

    Matapos nga ang nangyaring iyon ay hindi ko na din mahagilap kung nasaaan si Charles.
   Kasalukuyang nasa hardin ako ng mansiyon at dinidilig ang mga halaman. Ako lamang mag-isa rito dahil si Linda ay abala sa paglalaba. Mula sa kinatatayuan ko ay humarap ako sa terasa kung saan kami nagkita ni Charles. Walang sino man ang naroroon. Akmang ibaba ko na ang paningin ko ay hindi ko napigilan ang aking sarili na tumanaw sa ikalawang palapag kung saan bawal kami pumunta. Mula dito ang nakikita ko lamang ay ang balkonahe nito. Nakita ko na gumalaw ang sliding door nito bago pa man ako makaiwas ng tingin ay nakita ko ang kahubdan ng señorito. Nanlalaki ang mata ko sa nakita ko, nabitawan ko ang hawak kong rigadera, tiningnan ko siya sa mukha at titig na titig din ito sa akin habang nakangisi. Tumatama ang sinag ng araw sa balat nito kaya ito'y namumula. Kamuntik pa ako mapamura ng tumalikod ito at kitang-kita ko ang mapintog na pang-upo nito, bago ito pumasok sa loob ay tumingin ito sa akin ng walang emosyon na halos magsitayuan ang aking balahibo sa paraan ng kaniyang paninitig.
  Nangmakaalis na ito ay pinag sasampal ko ang sarili kong mukha.

"Obob ko! Bakit hindi ako umiwas ng tingin?"

Paulit-ulit na sabi ko sa sarili.

"Tanga!bobo!argh!"

Pinagsisipa ko pa ang rigadera na nahulog ko kanina. Inis na inis ako sa sarili ko, paano na lang kung magkasalubong kami?

"bwesiiit!"

Hindi ko tuloy malimutan ang kahubdan niya, yung pang-ubo niya na bilog na bilog, ang walong abs nito, at ang nakakakilabot na paraan ng pag-ngisi at pagtitig nito sa akin. Mabuti na lamang at hindi ko nakita ang kaniyang pang-lalaki. Kahit hindi iyon ang unang beses na makita ko ang pang-upo nito ay  sobrang nakakahiya sa babae ang makita ang lalaki na nakahubad! Tanga ko lang!

  Yung paraan ng titig niya sa akin.

"argh!"

  Nakakainis bakit ganon siya makatingin? Kahit ang paraan ng pagngisi niya ay nakakakilabot, nagsitaasan pa ang mga balahibo ko.

"Anong ginawa mo rito?!"

Halos mapatalong ako ng biglang sinigawan ako ni Lola Celis habang hawak niya ang rigadera. May sira na ito dahil sa pagsisipa ko rito kanina.

"N-nabagsak ko po"

"Ewan ko sayong babae ka, hala't pumasok ka roon tumulong ka sa paghahanda para sa pag-dating ni señor Omli"

Nanlalaki ang mata kong napatitig kay Lola Celis. Ito ang unang beses na makikita ko sa personal ang ama ng señorito na Mayor ng Maynila.

"Dali!"

  Nagising ang diwa ko ng itulak-tulak ako ni Lola Celis papaalis. Ramdam ko ang kaba sa aking dibdib at kasabay non' ang pagkasabik na makita ang señor.

  Nang makapasok ako sa loob ng mansiyon ay lahat ng kasamahan ko ay abala sa paglilinis ng lahat ng sulok ng mansiyon, nagpapalit ng mga sapin, at ang iba ay nasa kusina para maghanda ng mga pagkain.

"Pst! Gly!"

  Nilingon ko kung sino ang tumawag sa akin. Nakita ko si Linda na may hawak na vacuum cleaner.

"Op?"

Lumapit ako rito, inayos ko ang damit ko at pinagpagan muna iyon.

"buhok mo"

"Atrapame, Señorito"Where stories live. Discover now