Kinaumagahan ay mas lalong naging abala kami sa pagaayos ng mansiyon dahil may darating na mga bigating tao dito. Kanina pa ako palinga-linga, nagbabakasakaling mahagip ko si Charles ngayong araw. Mukhang wala siya ngayon at ang señorito. Hinihiling ko din na sana hindi ngayon magtagpo ang landas namin ni Litizia, gusto kong umiwas sa gulo kahit hindi ko alam kung bakit ba siya galit na galit sa akin. Pumasok naman sa isipan ko na baka galit siya marahil sa nakita niya akong noong araw na magkasama sila ng señorito, idagdag pa natin na bumabagabag sa akin ang tinuran ni Lola Celis, bakit naman hindi nag-uutos ang señor bukud kay Lola Celis? Masiyado naman atang mababaw na dahilan iyon para pagsabihan ako ni Lola Celis na lumugar sa dapat kong kalagyan. Simula ng pumasok ako rito sa mansiyon ay marami ang nangyayare na hindi maganda. Sobrang nag-aalala rin ako kay Tatay ilang araw ko na siyang hindi makausap. Tapos, may estranghero pa na panay ang tawag sa akin hindi naman nagsasalita.Napa-buntong hininga na lamang ako.
"'Lalim ng iniisip ah, may problema ba?"
Saglit na lumingon ako sa bandang likuran ko at muling itinuon ang pansin sa pag tutupi ng mga kurtina , nandoon si Linda abala sa pagpupunas ng mga mamahaling muwebles.
"Wala."
Maikling tugon ko rito.
"Wala raw, break na kayo 'no?"
Agad na nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Linda. Hanggang ngayon ba naman nag-aakala siya na kami talaga ni Charles? 'Loko talaga, gustuhin ko man na sana kami na lang talaga pero wala eh, hindi naman kami. Pero ang hirap basahin kase iba ang trato sa akin ni Charles umaasa ako na mahal niya ako.
"Ayos lang yan, nangyayare talaga yan."
Itinigil ni Linda ang kaniyang ginagawa at lumapit sa akin. Gulat pa ako ng biglaan niya akong niyakap at hinahaplos-haplos ang likuran ko.
"Linda anong pinag-"
"Ayos lang Gly, you can lean on my shoulders then cry."
Kamuntik pa akong matawa ng nag-ingles pa ito. Sa paraan ng pagkakasabi niya ay parang sanag ito sa wikang ingles.
"Hindi naman kase ka-"
Naalog pa utak ko ng biglang humiwalay ito sa yakap at inalog-alog ang balikat ko. Nanlalaki pa ang mata nito na nakatingin sa akin.
"Ano?! Ibig sabihin mo kayo parin?"
Napatakip pa ito ng bibig niya.
"Linda anong kami? Wala-"
"Yes! poreber na ba diz?."
Natawa ako sa kagagahan niya, jejemon pa itong si Linda. Wala namang poreber.
"Linda makinig ka kase wala naman-"
Gigil na napapikit na lamang ako ng naputol na naman ang sasabihin ko ng biglang nagsalita si Lola Celis.
"Line!"
Sigaw nito.
Binitawan ko muna ang ginagawa ko at mabilis na luminya kasama ang iba pang kasambahay. Nasa panghuli akong linya,sumunod kay Linda.
"Alam kong naging usap-usapan na sa mansiyon ang sasabihin ko.But let's make it a formal announcement, si Miss Litizia na mismo ang magsasabi sa inyo."
Napakunot ang noo ko sa sinabi ni Lola Celis. Wala naman akong narinig na kahit ano na tsismis ngayon. Pasimpleng lumingon ako kay Linda at tulad nito ay nakatingin rin sa akin na naka kunot ang noo. Parehas kaming walang alam sa sinabi ni Lola Celis.
YOU ARE READING
"Atrapame, Señorito"
RomanceGlyrrel Dawson is a maid servant of a Spanish Multi-Billionaire Bachelor Man known as Señorito Lincoln. Glyrrel wasn't aware that her Señorito falls for her because she was blinded by her love for another man. シ︎ HAPPY READING!㋛︎