Sorry guys for the errors. Wala na lang talagang time mag-edit. God bless & Happy reading!
Chapter 2
MABILIS na lumipas ang mga araw. Graduation day na nila at lahat ng mga magulang na nasa loob ng gymnasium kung saan idinaraos ang graduation program ay puro nakangiti.
Masaya rin naman silang mga estudyante dahil magtatapos na sila pero may halong lungkot dahil maghihiwalay-hiwalay na silang magkakaklase.
Sila ng bestfriend niyang si Janine.
"Bes! Mamimiss kita, lalo na ang ulam mong fried chicken kapag lunch!" nakangusong sabi nito sa kaniya.
Nginitian niya ito. "Ikaw din naman, eh. May Wessenger naman kaya makapag-vi-video call tayo tapos kapag wala akong pasok, puwede tayong magkita," aniya habang pinupunasan ng panyo ang mukha niyang nanlalagkit na dahil sa make up.
Naikuwento na niya rito ang tungkol sa pagpasa niya sa scholarship. 'Yon na lamang kasi ang kailangan niya upang makapasok siya sa University of the West dahil nakapag-entrance exam na siya roon. And she's proud to say that she passed the said examination. Together with her boyfriend.
"Naku! Sana nga magkausap pa tayo." Nalukot ang mukha nito. "Mag-ko-korean schooling na kasi ako, kailangan kong mag-aral ng mabuti para hindi masayang 'yung ibabayad ko para makapag-aral lamang noon." anito habang ginagawang pamaypay ang hawak ang diploma nito.
"Madami pa namang oras na puwede tayo magkasama, eh. Dadaan ako minsan sa bahay ninyo para mabisita ka."
"Ang sweet naman ng bes ko!" Nakanguso ito habang kumikisap-kisap mga mata.
"Baliw! Kaya ka lang yata atat na pumunta sa South Korea dahil gusto mong makita si Lee Min Ho, eh!"
Mahina itong tumawa. "Slight, pero if ever na may makita ko siya, papabuntis na agad ako para naman magandang lahi," Natatawa nitong sabi sabay himas sa tiyan.
Napatawa na rin lamang siya. Nawala lamang ang kaniyang ngiti nang makita niyang magkasama ang nanay niya at si James papalapit sa kaniya.
"May surprise raw 'tong boyfriend mo sa 'yo, anak. Ku! Ano kaya iyon? Tara nang umuwi at naghihintay na ang tatay at kapatid mo sa bahay." Nangunguna-nguna ito sa paglalakad palabas sa gate ng eskuwelahan.
Nagkatinginan lamang sila ni Janine bago siya tumingin sa boyfriend niya. "Ano naman 'yung surprise mo?"
Nagkibit-balikat ito. "Surprise nga, eh. Ang bait ni tita ngayon 'no? Sabi niya natutuwa raw siya kasi naka-graduate tayo ng highschool."
Mapakla niya itong nginitian. Mabait ang nanay niya, oo, pero may mga pagkakataon na hindi niya nagugustuhan ang mga litanya nito. Tulad na lamang kapag ikinukumpara siya nito sa ibang tao, at kapag may natatanggap itong biyaya mula kay James. . . bigla itong umaamo at biglang natatanggap ang maaga niyang pagkakaroon ng boyfriend.
"Janine, sama ka kaya sa 'min ni Fury papunta sa kanila?" Imbita nito sa bestfriend niya.
Umiling-iling ang babae. "Salamat pero 'di na, maghahanda rin daw si mama, eh. Next time na lang siguro. Bye na guys, baka hinahanap na ako ni mama." Bumeso ito sa kaniya.
Nang wala na ang bestfriend niya ay inakbayan siya ng kasintahan niya. "Tara na, honey?"
Tumango-tango lamang siya tapos ay niyaya na siya nitong maglakad papunta sa kotse nitong nakaparada sa may harapan ng gate.
Akala niya'y maaabutan niya roon ang nanay niya, ngunit umuna na pala ito pauwi sa kanilang bahay.
"Bakit hindi nag-attend si tito sa graduation mo?" usisa ng boyfriend niya habang tinutulungan siyang isuot ang seatbelt.
BINABASA MO ANG
Hear Me Cry
RomanceFury Elise was a bubbly girl who wanted to make the most of her life. But everything changed when she met a hottie named James Cameron. He piqued her curiosity. They were a happy couple at first. However, nothing in this world is truly eternal. Jame...