Chichi POV.
"Po?" Parang nabingi ako dahil sa narinig ko. "Pakiulit nga po ng sinabi niyo."
"Ang sinasabi ko...Hindi ka pa pwedeng umakyat ng langit" malumanay nitong ulit.
"Bakit po?"
"Hindi ka pa maaaring makaakyat ng langit sapagkat...May isang misyon na ikaw lamang ang maaring makagawa."
"Bakit naman po?" Ngumiti lang ito at hindi sinagot ang tanong ko.
"Ang misyong ito ay nalalapit sa istorya ng buhay mo... Kinakailangan mong mahanap ang babaeng katulad rin ng iyong pinagdaanan nong ikaw ay nabubuhay pa."
Naawa naman ako sa babaeng iyon. Sigurado akong napakahirap ng mga pinagdaanan nito dahil sabi na rin ng lalaking nasa harap ko ay mahahalintulad nito ang istorya ng buhay ko.
"Kailangan mong mahanap ang babaeng iyon at tulungan itong makawala sa sakit at pighating nararamdaman."
Kung talagang napakahirap ng pinagdaanan nito ay hindi ako magdadalawang isip na tulungan siya at isa pa kapag natapos ko ang misyon na ito maari na akong makaakyat ng langit at makasama si papa.
"Sige po, pumapayag ako." May namutawing ngiti sa manipis nitong labi.
"Mabuti, ikinagagalak ko ang iyong pasya... Para rin ito sa ikakabuti mo." Tumango na lamang ako dahil may kaunting kilabot na dala ang huling salitang binigkas nito.
Akmang tatayo na ako nang bigla itong magsalita. "Sandali." Lumingon ako sa kaniya at nakitang may hawak itong gintong bilog na nakapaloob sa isang kahon na babasagin. Makinang ito at parang diyamenta sa ganda.
Iniabot niya sa akin ang kahon na may lamang gintong at sinabing. "Lunukin mo ang gintong bilog."
"Ha?" Muntikan na akong matawa dahil sa sinabi niya. "Ano ako si Darna."
Natigil lang ako sa pagtawa ng makitang seryoso ito at nakakunot noo niyang mukha.
"Hindi ko alam ang iyong sinasabi." Nawala ang pagkakunot ng noo niya. "Ang gintong bolang iyan ang magiging daan upang makabalik ka sa lupa at magampanan ang iyong misyon."
Inabot ko ang gintong bolang sinasabi niya. Tumayo na ako at lumabas sa opisina nito.
Nang makabalik ako kung saan ako ipinatawag kanina ni Alexopoulos ay pinagmasdan ko ang bolang ginto.
Binuksan ko ang babasaging kahon at kinuha mula sa loob ang gintong bola. Pinagmasdan ko ito at hinaplos ang bola. Matigas ito at parang bato. Siguro kung lulunukin ko ito at sumigaw ng darna magiging kasing lakas niya kaya ako?
Inamoy ko ito at nagtaka na lang ng maamoy ko ang halimuyak ng chocolate.
Ipinawalang bahala ko na lang ito at walang sabi-sabing nilunok ito. Parang may kung anong gumalaw sa loob ng tiyan ko at bigla na lang akong nakaramdam ng hilo at di kalaunan ay nawalan ng malay.
Iminulat ko ang aking mga mata at bumungad saakin ang puro puting kulay ng kisame. Akala ko na sa bungad ng langit pa rin ako pero ng makita ko ang kabuuan ng silid. Doon ko na realize na nasa loob ako ng isa sa mga kwarto ng hospital.
Nakita kong bumukas ang pintuan at iniluwa doon ang isang babaeng nasa 40's na. Pero hindi mo mahahalata na nasa 40's ito dahil sa kagandahang taglay.
Tumakbo ito sa kinaroroonan ko at agad akong niyakap.
"Mabuti gising kana, anak..." Umiiyak nitong sambit.
"A-nak??" Mahina kong sambit pero parang hindi naman ako narinig ng babae. Tumalikod ito saakin at may kinuhang cellphone sa bulsa saka inilagay sa tainga.
YOU ARE READING
Reincarnate (ON-GOING)
Spiritual(UNEDITED VERSION. SO MANY GRAMMATICAL AND TYPOGRAPHICAL ERRORS.) -Depression --Abuse -Self harm --Suicide The four words that killed our poor Chichi, after suddenly finding out that she have been reborn,waking up to lavish surroundings, surrounded...
