SHOUT OUT nga pala kay Tine_Lumbz for supporting my stories and voting. And thank you na rin❤️
Georgaina (Inna) POV.
Matapos kong maligo bumaba nako ng hagdan, nakasuot ako ngayon ng school uniform na ibinigay saakin ng maid kanina.
Binigyan ko ng halik sina mom at dad sa mga pisngi nila bago umupo sa tabi ni kuya Gael.
"Let's eat." Mommy said.
Nagsimula na kaming kumain. At nang matapos ay agad akong nagpaalam.
"Bye mom, dad." Paalam ko kila mommy and daddy.
Ako ang late na umalis rito sa mansyon dahil ang mga kuya ko nagkanya-kanya nang sakay sa sariling mga kotse papunta sa kani-kanilang mga trabaho.
Nalaman kong si kuya Greyson na ang nag ha-handle ng pagmamay-ari naming kompanya.
Si kuya Gavin naman ay mayroong negosyo na sports car na sikat sa buong mundo.
At si kuya Griffin naman ay may sariling bar. Ang kay kuya Gael naman ay restaurant tinanong ko kung bakit restaurant ang negosyo niya ang tanging naisagot niya lang ay I love cooking pero wala naman sa itsura nito ang mahilig magluto.
Ako lang ata o ang katawang 'to ang walang negosyo dahil nag-aaral pa ako. I'm currently 4th year college at ang kursong kinuha ko daw ay Lawyer.
Yan ang pinoproblema ko yang kurso na yan. Pano ko yan maipapasa sa bobo kong to, graduating pa naman ako ngayong year. Parang mapapasubok tayo dito ah.
Ang personal driver ng family namin ang naghatid saakin ngayon. Sabi ni mom saakin wag muna daw ako magmaneho dahil delikado at bagong labas ko lang daw sa hospital kaya ang personal driver muna ang maghahatid saakin.
"Thank you, po." Pasalamat ko ng makababa ako ng kotse.
Nagsimula nakong maglakad papasok ng University, binasa ko ang papel na nasa kamay ko. Ibinigay saakin to ni kuya Gael saakin kanina bago sila umalis. Nakasulat rito kung saang room ako papasok at nakalagay rin rito ang number ng floor.
Room A33 / 5th floor
Habang naglalakad papasok sa loob ng University, nakita kong nakatingin saakin ang mga studyante at makikita mo sa kanilang mga paningin ang takot.
Huh?!!
Bat ganyan sila makatingin saakin?"Friend!!!" Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses.
"Z.A" I muttered.
Naglakad ito papalapit saakin at agad niya ako binigyan ng mahigpit na yakap.
"Tara na, punta na tayo sa room natin." Aya nito saakin sabay lagay ng kamay niya sa balikat ko. At nagsimula na kaming dalawa pumasok ng University.
Agad binuksan ni Z.A ang pintuan ng room namin ng makarating kami sa harap ng pintuan.
Nakita kong kakaiba rin ang tingin ang ipunukol saakin ng mga kaklase ko. Napansin kong wala pa ang professor namin ngayong umaga.
Agad akong hinila ni Z.A papasok sa room namin at pinaupo sa upuan na katabi sa bintana. Sa pinakalikod kami nakaupo nasa left side ko si Z.A at ako naman ang nasa tabi ng bintana.
(A/N: Bahala na kayo mag imagine guys🤣)
Makalipas ang ilang minuto dumating rin ang professor namin.
"Tara kain na tayo, friend." Aya saakin ni Z.A habang ipinapasok ang gamit sa bag gaya rin ni Z.A ang ginagawa ko ngayon.
"Ok." Maikli kong sagot.

YOU ARE READING
Reincarnate (ON-GOING)
Spiritual(UNEDITED VERSION. SO MANY GRAMMATICAL AND TYPOGRAPHICAL ERRORS.) -Depression --Abuse -Self harm --Suicide The four words that killed our poor Chichi, after suddenly finding out that she have been reborn,waking up to lavish surroundings, surrounded...