Chichi POV.
"Chichi!!!" Napalingon ako sa gawi ni Kuya Clay ng marinig ang boses niya.
"Po?!!"
"Labhan mo nga yung polo ko susuotin ko mamayang gabi!"
"Mamayang hapon lang po, kuya naghuhugas pa po kasi ako ng mga plato." Sabi ko habang nakatalikod.
"A-aray!" Sabi ko habang nakahawak sa kamay ng may humablot sa buhok ko.
Pinilit kong lingunin ang taong humablot sa buhok ko kahit masakit yung pagkaksabunot nito.
"A-aray ko p-po k-kuya."
Binawi ni kuya Clay ang mga kamay niya sa buhok ko at pinihit niya ako paharap sakanya.
Pak!
Napangiwi ako sa sakit ng dumapo ang kamay ni kuya Clay sa pisngi ko.
"Wala kang utang na loob may gana ka pang sumagot sakin! Dapat nga magpasalamat ka pa nga dahil pinatili ka namin dito sa bahay sa kabila ng ginawa mo kay Papa!" Tumalikod na ito at naglakad papalayo saakin.
Napahagulgol na lang ako sa iyak at napa upo hindi dahil sa sakit ng ginawa saakin ni kuya kundi yung sakit ng naramdaman ko sa puso.
Tinapos ko ang hugasin sa lababo at umakyat sa kwarto saka kinuha ang natitirang picture ni papa sa wallet.
"Pa, sorry hindi ko sinasadya.." Tahimik kong sabi habang umiiyak. Mahina akong umiiyak habang nakatingin sa litrato ni papa kasi ayaw kong marinig ng mama ko na umiiyak ng dahil kay papa.
|FLASHBACK|
"Pa! Pa!" Sigaw ko habang binababa ang burol ni papa sa ilalim ng lupa.
Pagkatapos ng libing ni papa dumiretso ako sa kwarto saka doon umiyak ng umiyak.
Napalingon ako sa pintuan ng kwarto ng mayroong kumatok. Tumayo ako saka binuksan at bumungad saakin ang walang emosyong mukha ni mama na nakatayo sa harap ko pero makikita mo sa mukha niya ang pamamaga ng mga mata.
"Lumabas ka diyan at paglutuan mo kami ng makakain. Wag kang iiyak-iyak diyan, wala kang karapatang umiyak dahil ikaw rin naman mismo ang pumatay sa sarili mong ama." Walang emosyong sabi nito at naglakad na palayo.
|END OF THE FLASBACK|
Agad kong pinunasan ang mga luha ko ng marinig ang sigaw ni mama.
"Chichi!!" Galit na sigaw nito. Dali-dali akong bumaba saka pumunta sa kinaroroonan ni mama.
"P-po?" Kinakabahan kong tanong.
"Plantsahan mo nga tong dress ko." Galit nitong sabi saakin, sabay hagis ng dress.
Habang nag pa-plantsa sa dress ni mama, napatakbo ako sa gawi ng kusina para tingnan ang nakasalang na sinasaing.
"Ah shit!" Mura ko ng maalala ang pinaplantsa kong dress ni mama.
Napahinto ako sa pagkakatakbo ng makita ang mukha ni mama na umaasim sa galit at hawak-hawak ang dress na mayroong sunog sa gitna.
Naglakad si mama sa kinaroroonan ko habang hindi nawawala ang umaasim nitong mukha ng makarating ito sa kinaroroonan ko. Hinablot niya ang buhok ko at sinabunotan.
"Aray!"
"Wala hiyang bata ka!" Gigil na sigaw nito.
"M-ma, m-ma t-ama n-na p-po." Umiiyak kong sabi.
"Anong tama na!?" Sigaw ni mama nang hindi inaalis ang kamay sa pagsabunot sa akin."Yan na nga lang ang pinagagawa ko sa'yo pinapabayaan mo pa!?...Wala ka talagang kwentang peste ka!!"
YOU ARE READING
Reincarnate (ON-GOING)
Spirituale(UNEDITED VERSION. SO MANY GRAMMATICAL AND TYPOGRAPHICAL ERRORS.) -Depression --Abuse -Self harm --Suicide The four words that killed our poor Chichi, after suddenly finding out that she have been reborn,waking up to lavish surroundings, surrounded...
