Chapter 4

11 3 0
                                        

Georgaina (Inna) POV

Kanina pa kami naglilibot ni Aikee sa loob ng amusement park pero hindi ko parin nakikita ang clue sa susunod na misyon na gagawin ko.

Ang kasama ko naman kanina pa nagrereklamo ano daw ang gagawin namin dito saka kanina pa daw kami naglilibot.

Naiinis nako ang ingay-ingay kalalaking tao ang ingay-ingay parang hindi lalaki parang nakakain ng bajayjay ng baboy e.

"Ano naman ang gagawin natin dito?" Naiiritang tanong ulit nito.

"Kung nababagot kana pwede ka nang umuwi mag isa." Sabi ko ng pasigaw.

"Ikaw ang nag aya sa'kin dito na sumama sayo tapos pauuwiin mo ko?!" Sigaw nito pabalik.

Hindi ko na pinansin si Aikee naglakad lang ako patungo sa nagbibinta ng cotton candy. Kukuha sana ako ng pera sa bulsa ko ng maalalang hindi ako nakadala ng pera, kahit singko manlang.

Bumalik ako sa gawi ni Aikee kung saan ko siya iniwan.

"Hmmm.. Aikee pwede ba ako manghiram ng pera sa'yo? Babayaran na lang kita pagbalik natin sa bahay." I said.

"Don't call me 'Aikee' Were not close." Madiing sambit nito.

"E sa yan ang gusto kong itawag sayo."

"I don't care, Basta wag mo akong tawaging 'Aikee', were not close."

"Pakialam ko naman. Sarili ko to at gagawin ko lahat ng gusto ko." May diing sambit ko. Mukha naman siyang napikon sa sinabi ko.

"Sige kung yan ang gusto mo hindi kita papahiramin ng pera." Pampa-blockmail nito saakin.

"Sige kung ayaw mo ko pahiramin ng pera sisigaw ako dito na bakla ka." Pag ba-blockmail ko rin sa kanya.

"What did you say?" Madilim ang mukhang tanong nito.

"Sabi ko sisigaw ako rito na bakla ka." Pag uulit ko.

"What did you say?" Ulit nitong tanong.

"Bingi ka ba?!! Ang sabi ko sisigaw ako rito na bak----" Di ko natapos ang sasabihin ko ng may labing dumikit sa labi ko.

OH...... MYYY....... GOD!!!!!!!

ANG SECOND KISSSS KO!! O SH*T!!!!!!!

Sigaw ko sa isipan ko.

Itinulak ko si Aikeee saka nagsalita "Namumuro ka ng lalaki ka ha!!! Una yung first kiss ko kinuha mo tapos pati ang second kiss ko kinuha mo rin!?" Sigaw ko sa pagmumukha nito.

"I just prove to you that I'm not gay." Matigas nitong sabi.

"E bakit kailangang manghalik?!" Protesta ko.

Tanging ngisi lang ang sinagot nito saakin

Bwesit!

"Akin na ang pera." Masungit kong sabi. Naiinis nako sa lalaking to.

"Tsss." He said, sabay kuha ng wallet niya sa bulsa tapos kumuha ng isang libo at saka ibinigay saakin.

"Bakit isang libo? Cotton Candy lang naman ang bibilhin ko?"

"Eh di ibigay mo na lang lahat sa vendor."

"Yaman." Tumalikod na ako at palihim na umirap. Naglakad na ako ulit pabalik sa nagbebenta ng cotton candy.

"Kuya pabili ako ng cotton candy." Ngumiti ito bago tumalima.

"Ma'am oh." Inabot niya sa akin ang isang cotton candy.

"Kuya oh." Inabot ko sa kaniya ang isang libo. Nagulat naman siya dahil don.

"Miss wala po akong sukli." Natawa naman ako sa tinuran nito.

Reincarnate (ON-GOING)Where stories live. Discover now