Chapter 25 - Intoxication

209 2 0
                                    


BELOW IS JUST AN EXCERPT FROM THE STORY.

YOU CAN READ THE WHOLE CHAPTER AT WWW.NOBELISTA.COM

PLEASE NOTE:

MISS BRATTY'S BABYSITTER is purchasable per chapter under NOBELISTA. You can read it for only 18 coins per chapter. Please message Nobelista Facebook page should you have questions. Thank you.

___________________________


Inihatid siya ni Jana hanggang front door kung saan naman siya sinalubong ng dalawang katulong at tinulungang maglakad. She kissed Jana on the lips to bid her good bye, and then she giggled and waved at Jana's current boy—friend who was then driving the car.

Pagewang-gewang siyang naglakad papasok sa loob— at dahil akay-akay siya ng dalawang katulong ay nagpagewang-gewang rin ang mga ito. Maka-ilang beses silang muntikan nang matumba, at makailangan beses na bumangga sa mga sulok ng chest of drawers o ng sofa.

Nang paakyat na sila ng hagdan ay nakaramdam siya ng pagkahilo. Bumitiw siya sa mga umaalalay sa kaniya, yumuko saka sumuka sa harap ng mga ito.

"Ma'am Nevi!" sigaw ng isa— hindi alam kung papaano siyang aalalayan.

Tuluy-tuloy lang siya sa pagsuka roon sa puno ng hagdan habang ang kaniyang kamay ay nakahawak sa dulo ng railings. Nang sa tingin niya'y wala na siyang mailabas, ay tuwid siyang tumayo saka pinunasan ang bibig gamit ang kaniyang braso. Sinubukan niyang ituwid ang tingin, subalit sa tindi ng kalasingan niya'y pakiramdam niya, tila umiikot ang paligid.

Kaya naman napa-upo siya saka sinapo ng mga kamay ang ulo. Gusto na niyang humiga pero gusto niyang sa malambot niyang kama ilatag ang sarili. Kaya naman kahit umiikot ang tingin ay sinubukan niyang akyatin ang hagdan— ng pagapang.

Ang dalawang mga katulong ay pilit siyang inalalayang tumayo, pero iwinaksi niya ang kamay ng mga ito.

"Leave me alone!" singhal niya. She didn't want to be touched— she just want to move on her own. Mas natatantiya niya ang sarili kapag siya lang.

Patuloy lang siya sa pag-gapang paakyat, at hindi alam kung hanggang saan na ang narating niya nang sa pag-angat ng mga braso niya sa kasunod na baitang ay may naramdaman siyang mga paa— no, mga sapatos.

She looked up but that only made her feel worse, so she looked down again and groaned.

"What have you been doing, Geoneva?"

Kahit lasing siya'y kilalang-kilala niya kung sino ang nagmamay-ari ng tinig na iyon. Muli niyang sinubukang i-angat ang tingin saka pinakatitigan ang lalaking nakatayo sa kaniyang harapan— doon sa kasunod na baitang— at nakayuko sa kaniya. Her head was still spinning and her vision was blurred— pero alam niya kung sino iyon.

"What do you care, Blue Santimeda?" 


___________________________

Full chapter is available at www.nobelista.com

Miss Bratty's Babysitter | NOBELISTA EXCLUSIVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon