BELOW IS JUST AN EXCERPT FROM THE STORY.YOU CAN READ THE WHOLE CHAPTER AT WWW.NOBELISTA.COM
PLEASE NOTE:
MISS BRATTY'S BABYSITTER is purchasable per chapter under NOBELISTA. You can read it for only 18 coins per chapter. Please message Nobelista Facebook page should you have questions. Thank you.
___________________________
"Hey, what's going on?" si Carlos nang makalapit. Tumabi ito sa kaniya at hinawakan siya sa braso. "Are you okay?"
"Y—Yes, I'm all good."
Bumalik sa pagkakaupo ang tatlo sa harap ng mesang okupado nila at ngingisi-ngisi siyang tinitigan.
"Do you want to go home? You look... unwell."
Unwell? Sinulyapan niya ang sarili sa salaming nasa likod ng bar counter, subalit hindi niya gaanong makita ang repleksiyon dahil nagsisimula nang manlabo ang kaniyang paningin.
Sinapo niya ang ulo at mariing ipinikit ang mga mata.
Damn it... Habang lumilipas ang mga segundo'y lalo niyang nararamdaman ang pag-bigat ng pakiramdam. Bigla siyang nag-aalala para sa sarili. Tiningala niya si Carlos, na sa mga sandaling iyon ay hindi na rin niya maaninag.
"I... I think I'm ready to go home. Can you please... call Jana for me?"
Tumango si Carlos at inalalayan siyang tumayo. "Doon tayo sa kotse— tatawagan natin si Jana habang nasa daan tayo."
Pagtayo niya ay doon niya naramdaman ang panginginig ng mga tuhod, kaya napakapit siya ng mahigpit sa braso ni Carlos. "I— I can't walk on my own," aniya sabay sapo sa noo.
Something familiar hit her— the familiar feeling when she was drugged by Danile on the night of her sixteenth birthday. At dahil sa pamilyar na nararamdaman ay bigla siyang kinabahan. Muli niyang tiningala si Carlos at doo'y tila umikot ang kaniyang mundo; biglang mukha ni Daniel ang kaniyang nakikita.
She tried to push him, subalit pakiramdam niya'y unti-unti siyang nauubusan ng lakas kaya imbes na itulak ito'y napa-sandal na lang siya sa dibdib nito.
Oh no, not again... aniya sa isip bago ibinaba ang tingin at sinubukang sulyapan ang tatlo. Tulad ng inaasahan ay hindi na rin gaanong maaninag ang mukha ng mga ito. Pero isa ang sigurado niya... they were devilishly grinning at her.
They drugged me!
___________________________
Full chapter is available at www.nobelista.com
BINABASA MO ANG
Miss Bratty's Babysitter | NOBELISTA EXCLUSIVE
RomanceSimula nang dumating si Blue Santimeda sa buhay ni Nevi ay hindi na siya nagkaroon ng kalayaan na gawin ang lahat ng gustuhin niya. Naiirita siya sa naging papel nito sa buhay niya. Ito lang naman kasi ang tanging lalaking pinagkakatiwalaan ng daddy...