Chapter 37

183 2 0
                                    


BELOW IS JUST AN EXCERPT FROM THE STORY.

YOU CAN READ THE WHOLE CHAPTER AT WWW.NOBELISTA.COM

PLEASE NOTE:

MISS BRATTY'S BABYSITTER is purchasable per chapter under NOBELISTA. You can read it for only 18 coins per chapter. Please message Nobelista Facebook page should you have questions. Thank you.

___________________________


Blue gave Carlos an empty gaze. "Who are you?" he asked after a while. Kung gaano ka-lamig ang mga titig na ibinigay nito kay Carlos ay ganoon din ka-lamig ang tinig nito.

"He is Carlos and he is my new boyfriend," she answered instead. And she was expecting a violent reaction but Blue showed none.

"I am asking you," Blue insisted—his eyes never left Carlos'. Tila hindi nito narinig ang sinabi niya kaya napikon siya.

"You heard her," sabi naman ni Carlos— pilit na pinapantayan ang anyo ni Blue. "My name is Carlos and I am Nevi's new boyfriend."

Walang ka-emo-emosyong tumango si Blue saka inilipat ang tingin sa kaniya. Doon ay saglit na nag-iba ang anyo nito— tila may nakiraang kung anong damdamin na hindi niya kaagad nabigyan ng pangaln dahil saglit na saglit lang ang pagdaan niyon bago ito muling naging bato. Matapang niyang sinalubong ang mga mata ni Blue.

"Did you stay with him for two nights and two days?" he asked— and she wanted to think there was pain laced in his voice when he spoke.

Pero hindi— hindi na siya palilinlang rito.

"Yes, I did," walang kakurap-kurap niyang sagot.

Matagal na katahimikan ang namagitan sa kanila— si Blue ay nanatiling nakatitig sa kaniya at siya nama'y pilit na tinatapangan ang sarili. Alam na niya kung ano ang tumatakbo sa isip nito sa mga sandaling iyon.

Makalipas ang ilang sandali ay tumikhim si Carlos at hinarap siya. "Kung nagpapahinga ang daddy mo ay bukas na lang ako babalik para makipagkilala sa kaniya."

"No," sagot niya habang ang mga mata'y nanatiling nakatutok kay Blue. "Stay here and wait for me— kukuha lang ako ng ilang mga gamit. Sasama ako pabalik sa inyo."


___________________________

Full chapter is available at www.nobelista.com

Miss Bratty's Babysitter | NOBELISTA EXCLUSIVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon