Chapter 36

188 2 0
                                    




BELOW IS JUST AN EXCERPT FROM THE STORY.

YOU CAN READ THE WHOLE CHAPTER AT WWW.NOBELISTA.COM

PLEASE NOTE:

MISS BRATTY'S BABYSITTER is purchasable per chapter under NOBELISTA. You can read it for only 18 coins per chapter. Please message Nobelista Facebook page should you have questions. Thank you.

___________________________


"Pasensya ka na kung inabala ulit kita. I could stay in the hotel, but I had to use my credit card— at kapag ginawa ko iyon ay matutunton nila kung nasaan ako."

"Don't worry, Nev. I am happy to help. Kaya lang... simula nang magkita tayo kanina sa coffee shop ay hindi mo pa rin sinasabi kung ano ang problema malibang ayaw mong mag-stay sa inyo ngayong gabi. Hindi mo ba talaga sasabihin sa akin kung ano ang nangyari?"

Tipid siyang ngumiti sa kaibigan. "Kapag magku-kwento ako ay baka humagulgol lang ako sa harap mo. Kaya h'wag na... sa susunod na siguro kapag talagang okay na ako."

Nakakaintinding tumango si Carlos. "Does Jana know you're here?"

Umiling siya. "Siguradong si Jana ang una nilang tatawagan o pupuntahan, kaya hindi ko sinabi sa kaniya kung nasaan ako. I just really want to... disappear just for tonight. So please— kung sakaling tawagan ka ni Jana, please don't tell her."

Huminga ng malalim si Carlos saka muling tumango. "I understand. Sige, magpahinga ka na. My room is next to yours— just call me if you need anything."

"Thank you, Carlos." Ang akma niyang pagtalikod ay naudlot nang hawakan siya nito sa braso. Muli siyang humarap sa binata. "Hmm?"

"Thank you for trusting me, Nevi. Hindi ko akalain na ako ang una mong naisip na lapitan sa oras na kailangan mo ng masasandalan— it made me happy somehow." Bahagya itong yumuko saka nahihiyang ngumiti.

Lihim siyang napa-buntong-hininga. Naisip niyang kung hindi dumating si Blue Santimeda sa buhay niya at kung mas nauna niyang nakilala si Carlos, siguradong magugustuhan niya ito. He had shown her nothing but kindness and respect. At hindi tulad ni Blue— mukhang marunong magpakatotoo ni Carlos!


___________________________

Full chapter is available at www.nobelista.com

Miss Bratty's Babysitter | NOBELISTA EXCLUSIVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon