BELOW IS JUST AN EXCERPT FROM THE STORY.YOU CAN READ THE WHOLE CHAPTER ON WWW.NOBELISTA.COM
PLEASE NOTE:
MISS BRATTY'S BABYSITTER is purchasable per chapter under NOBELISTA. You can read it for only 22 coins per chapter. Please message Nobelista Facebook page should you have questions. Thank you.
___________________________
Sinundan niya ng tingin ang itinuro ni Jana at nakita si Blue na bumaba mula driver's seat ng kotseng pag-aari ng daddy niya na ipinapagamit dito. Kasabay nitong lumabas ang isang babae na mula naman sa front seat.
Nagkatinginan sila ni Jana.
"Who is she?" kunot-noong tanong ng kaibigan.
Mabilis siyang tumayo at nakapamaywang na pinagmasdan kung papaanong alalayan ni Blue ang kasamang babae. Later on, she saw him introduced the lady to her father.
"Baklang 'to.." usal niya. "Anong karapatan niyang magdala ng babae rito?"
Natawa si Jana na nanatiling naka-upo at nakasawsaw ang mga paa sa pool. "He has all the rights, Nevi. Sa loob ng dalawang taon ay naging tahanan na rin ni Blue itong mansion niyo. Ngayon lang siya nagdala ng babae rito, at dahil may party naman ay wala akong nakikitang masama sa ginawa niya. Isa pa, hindi naman niya ititira rito ang babaeng 'yan eh. And stop calling him that— kapag narinig ni Blue na tinatawag mo siyang bakla, baka mahalikan ka ng wala sa oras."
Hindi niya pinansin ang sinabi ni Jana at patuloy lang na sinundan ng tingin ang dalawa. Matapos makipagkamay at makipag-usap ng Daddy niya sa babaeng kasama ni Blue ay nagpaumanhin ito at hinarap ang ibang mga bisita.
Niyuko niya ang kaibigan. "Let's go."
Jana frowned at her. "Go where?"
"Let's go meet the chick."
__________________________
Full chapter is available on www.nobelista.com
BINABASA MO ANG
Miss Bratty's Babysitter | NOBELISTA EXCLUSIVE
RomanceSimula nang dumating si Blue Santimeda sa buhay ni Nevi ay hindi na siya nagkaroon ng kalayaan na gawin ang lahat ng gustuhin niya. Naiirita siya sa naging papel nito sa buhay niya. Ito lang naman kasi ang tanging lalaking pinagkakatiwalaan ng daddy...