BELOW IS JUST AN EXCERPT FROM THE STORY.
YOU CAN READ THE WHOLE CHAPTER AT WWW.NOBELISTA.COM
PLEASE NOTE:
MISS BRATTY'S BABYSITTER is purchasable per chapter under NOBELISTA. You can read it for only 18 coins per chapter. Please message Nobelista Facebook page should you have questions. Thank you.
___________________________
"Totoo bang niligawan mo si Samantha noong nasa university pa lang kayo?"
Ang akmang pagsubo ni Blue ay naudlot nang marinig ang tanong niya. Ibinaba nito ang kubyertos at salubong ang kilay na muli siyang hinarap. "Where did you get that?"
"Your old friend told me."
"Oh." Pumihit si Blue at hinanap ng tingin si Samantha— na muli niyang ikina-inis. Pigil-pigil niya ang sariling damputin ang manok na nasa plato niya at ibato kay Blue.
Ilang mesa mula sa kanila ay nakita niya si Samantha na nakikipag-kwentuhan sa dalawang kasamang babae. Naramdaman marahil nitong may nakatitig dito dahil napa-sulyap din ito sa direksyon nila. At nang magtama ang mga mata nito at ni Blue ay nagpakawala ito ng matamis na ngiti.
Lalong tumalim ang mga mata niya.
Nang muling humarap si Blue ay nakangiti na itong muli. "Drop that scary look on your face— Samantha was just a friend. Wala akong naalalang niligawan ko siya— hindi ako interesado sa pakikipagrelasyon noon."
"Inaasahan mong maniniwala ako sa sinabi mo?"
"I wasn't trying to convince you to believe me— I was stating facts." Doon na itinuloy ni Blue ang pagkain. "Besides— kahit pa totoong nangyari iyon, it's water under the bridge now. Bakit ka nagagalit?"
"You know exactly why."
Napa-iling ito at itinuloy ang pag-nguya ng pagkain. "Your food is getting cold— eat now."
"Ayaw ko nang kumain— I don't like the atmosphere here." Humalukipkip siya saka ibinaling na naman ang tingin sa ibang direksyon.
"Hindi atmosphere ang kakainin mo rito kung hindi iyang naka-latag sa mesa. Eat before I lose my temper."
___________________________Full chapter is available at www.nobelista.com
BINABASA MO ANG
Miss Bratty's Babysitter | NOBELISTA EXCLUSIVE
Roman d'amourSimula nang dumating si Blue Santimeda sa buhay ni Nevi ay hindi na siya nagkaroon ng kalayaan na gawin ang lahat ng gustuhin niya. Naiirita siya sa naging papel nito sa buhay niya. Ito lang naman kasi ang tanging lalaking pinagkakatiwalaan ng daddy...