CHAPTER 1

1.1K 23 0
                                    

This is a work of fiction. Names, characters, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

© strxwbxrii

SNS Accounts:

Instragram: strxwbxrii_lea

Facebook Account: Lea Marie Ruiz


----------

7 palang ng umaga pero, here I am. Walking. Malapit lang naman ang bahay na tinitirhan namin na bahay ng boss ng Mama ko at Tita. Sa iisang school lang din kami ng pinsan ko pero nauuna naman ako palaging pumasok sa kaniya. 8 o'clock kasi ang start ng klase.

Naglakad ako palabas ng village, nagbantay ng masasakyan at sumakay lang ako ng jeep papunta sa school. Pagdating ko ay dumiretso kaagad ako sa gate, pagkapasok ko sa Neo High School bumungad kaagad sa akin ang mga estudyanteng naglalakad, alangan naman na mga hayop na naglalakad ano 'to zoo? Pero pwede na rin. Ay chos.

Dumiretso na agad ako sa classroom kung nasaan ang section ko, "Grade 9, 1-A," basa ko sa nakapaskil sa pintuan.

Huminga muna ako ng malalim atsaka hinawakan ang strap ng bag ko bago pihitin ang doorknob. Pagkapasok ay inilibot ko ang paningin ko sa kabuuan ng kwarto, sakto lang ang laki nito, iilan palang ang nasa loob at hindi gaanong maingay dahil nga e first day palang kuno.

Sa unang araw ay walang masyadong nangyari. Nagpakilala lang kami isa-isa then nakilala na rin namin ang mga teachers namin bawat subject. Wala pa sila Ali at Venice dahil bukas pa raw papasok dahil tinatamad.

Nang makauwi ako ay naroon na ang pinsan ko at pati si Tita, na mama niya. Nanonood sila ng TV. Dumiretso nalang ako sa taas kung nasaan ang kwarto ko at nagbihis.

"Lea, kumain kana rito," Rinig kong tawag sa akin ni Tita galing sa baba.

Agad naman akong bumaba para kumain. Maayos naman ang pakikitungo nila sa akin, noong una nga lang.

Pagkatapos kumain ay hinugasan ko na agad ang pinagkainan ko at umakyat na sa taas, maliit lang naman itong kwarto ko. May maliit na higaan, maliit na aparador, study table at maliit na salamin. Dahil first day palang naman, kaya wala kaming assignment kaya naisipan ko ang magbukas ng Facebook account ko. Halos mga post lang ito nila Ali at Venice kasama ang bawat pamilya nila. Nagreact lang ako dito ng heart at saka naglog out na, kailangan ko pang manood ng anime sa Netflix.

Kinabukasan, maaga ulit akong nagising. Narinig ko ang pagtunog ng cellphone ko kaya kinapa ko ito sa katabing mesa ng higaan ko. I opened my right eye, kinakapa pa rin ang cellphone ko, nang maabot ko na ito ay inopen ko, 6:30 a.m palang, nakita ko naman na may text si Ali kaya binuksan ko ito at binasa.

From : Ali
Hi beshie! Papasok na kami ngayon ni Venice, she texted me last night. See you later!

Hindi na ako nagreply, pinatay ko nalang ulit ang cellphone ko at saka tumayo na. Inayos ko muna ang higaan ko pagkatapos ay kinuha ko na ang towel ko at bumaba para maligo.

Nang makapagbihis ako ay nagpaalam na ako kay Tita para pumasok na. Naglakad lang ako palabas ng village, nagbantay ng masasakyan patungo sa school at sumakay na sa jeep. Naupo lang ako sa pinakahuli, ito kasi ang paborito kong pwesto kapag sumasakay ako ng jeep.

Pagbaba ko ay dumiretso ako sa gate, at binati pa si Tay Roger, ang guard ng school, every Tuesday at Friday lang kasi ang duty niya, "Magandang umaga din, nak," matamis ang ngiti na sabi nito. Sa dalawang taon ko na pumapasok sa school ay naging close na kami ni Tay Roger, Tay ang tawag ko sa kaniya dahil magka-edad lang sila ng Papa ko, parehas silang mabait, at isa pa pareho kaming dalawa na malayo kami sa pamilya namin. Pagkapasok ko ay nakita ko ang dalawang babae na diretsong nakatingin sa akin, nagulat ako ng bigla silang tumakbo papunta sa akin, we hugged each other.

Somebody Out There Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon