CHAPTER 1

1 2 0
                                    

SABADO ngayon at may isang linggo pa bago magsimula ang pasukan. Kasama ko ngayon si Jay dahil parehong eskwelahan ang papasukan namin pero magkaibang kurso ang kukunin. She's my internet friend before and now my bestfriend. We both a writer on the site named Rpw. Ewan ko ba d'yan kung anong nangyare sa kan'ya ngayon, simula noong iniwan s'ya ng boybestfriend n'ya naging cold s'ya, mas malamig pa sa yelo. Nakilala ko s'ya sa pagiging madaldal at masiyahin sa chat pero ngayon iba, ibang-iba s'ya sa ngayon palaging tulala, minsan naman parang nakatakas sa mental. Abno!

"Babae!" sigaw ko rito na busy sa pagtapa sa screen ng selpon n'ya, "Babae pa rin!" tugon nito na hindi ako nililingon. Tinignan ko lang ito, tumingin naman ito sa akin saka ako tinaasan ng isang kilay, "Bakit?"

"Gaga, lilipat na tayo bukas sa dorm doon sa University na papasukan natin!" natarantang tumayo naman ito na ikinatawa ko. Selpon now, taranta later, joke.

"Bakit hindi mo sinabi sa akin, edi sana natapos ko na!" Pasigaw na sabi nito. Tinawanan ko lang, ang epic ng mukha. HAHAHAHA parang nakakita ng magandang kaluluwa sa madilim na sementeryo.

Ipinagpatuloy ko lang ang pagliligpit hanggang sa matapos ako. "Ahh sakit sa likod—hoy! Mamaya kana mag-selpon, kailan ka pa matatapos magligpit ng gamit mo kung panay selpon ka d'yan ha!" nakapamewang na sigaw ko sa kan'ya, mahina lang itong tumawa. Kahit papaano ay bumabalik na s'ya sa dating s'ya.

"Para kang si mama Yrich, saka patapos na rin ako 'no!" humiga na lang ako at hindi na s'ya sinagot. Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako, dala na rin sa pagod. Nagising na lamang ako sa lakas ng kantang pinapatugtog ni Jay.

"Hindi ka naman siguro bingi 'di ba?"napaupo ako saka kinukusot ang mata, panira talaga ng tulog itong babaeng 'to!

" Hoy Jay! Baka naman pwede mong hinaan 'yang pinapakanta mo, baka mamaya may biglang kumatok tapos dalhin ka sa barangay, tignan mo si Aling Pasing oh kanina pa nagsisigaw!"sigaw ko rito ngunit parang walang narinig kaya ako na mismo ang pumatay.

" Bakit mo naman pinatay?!"

" Kanina pa kaya nagrereklamo ang Kapit-bahay natin dahil sa lakas ng patugtog mo!" Aligaga ko.

Tumawa lang ito nang tumawa," Noong sila ba ang nagpakanta ng napakalakas-lakas nag reklamo ba ako?" tanong nito saka tumalikod at lumabas ng kwarto. Sabi ko nga, hindi.

Naisipan ko muna na maligo bago bumaba, 'coz y not coconut, joke. Dadalawin pa pala namin mamaya si Tita, siguro mga ilang buwan rin muna kaming aalis dito sa bahay na binili namin ni Jay. Kumuha na ako ng tuwalya saka pumasok sa cr.

Maya-maya pa ay narinig ko na bumukas ang pintuan kwarto kaya binilisan ko na ang pag ligo, lumabas na  lamang ako na nakatapis lang at nakita ko naman si Jay na nakadapa sa kama habang nagse-selpon. "May kwarto ka naman 'di ba? Bakit ka dito tumatambay?" umayos ito ng higa.

"Alam mo naman na mas gusto ko dito 'di ba? Saka—hayaan muna lang. Bilisan mo d'yan at kakain na!" tugon nito bago lumabas ng kwarto. Buang!

Tatlo lahat ang kwarto dito sa bahay, tig-isa kami ni Jay at ang isa naman ay guest room. Hindi rin ito masyadong malaki na bahay, sapat na sa apat o pito na tao. Namasukan kami sa isang restaurant noong bakasyon upang makabili ng bahay, may ipon rin kami at saka mataas ang sweldo kaya mabilis kaming nakabili ng bahay.

Nagbihis na ako saka bumaba, naabutan ko naman si Jay sa lamesa na kumakain habang nagse-selpon. "Makakain ka naman siguro na walang selpon sa harapan mo 'di ba?" sabay hablot sa selpon nito at nilagay sa aking gilid.

Napag-usapan na namin 'yan before hindi ko alam kung makakalimutin s'ya o sadyang gurang na talaga s'ya, we have rules na dapat masunod," Yrichh?! Akin na nga 'yan!"

Accidental Encounter (On-Going) Where stories live. Discover now