Chapter 4

1 0 0
                                    

    Ilang minuto na kaming naglalakad hanggang sa makita ko sina Jace, Kai at Kevin. Hinila ko naman si Jay papunta sa kanila, "Oh nandito na pala kayo, saan kayo pupunta?" tanong ni Kai.

    Tumingin ako sa paligid, "Maglilibot, kayo?"

    "A-ah g-gan'on rin hehe," sagot ni Kai. "Bakkt ka nauutal? Parang ang hirap naman ng tanong." nag-iwas ito ng tingin pati si Kevin. Si Jace ay diretso lamang nakatingin sa akin.

    "Wala nang Yrich sa harapan mo 'kong titigan mo," sabi ni Jay kaya natauhan naman si Jace. Napatawa na lamang ako.

    "Jayannee, tara may sasabihin ako." seryosong sabi ni Kevin. Tumingin sa akin si Jay, tumango na lang ako.

    Tumingin muna ako sa dalawa na walang imik, "Wala kayong bunganga? O s'ya maiwan ko na kayo. Doon lang ako sa library," tumalikod na ako at pumasok sa library.

    Hindi ko na rin hinihintay na magsalita sina Jace. Kukuhanin ko sana ang libro nang maunahan ako nang isang lalaki. Naka cap ito ng black habang nakasuot ng plane t-shirt at jacket na pula.

    "Kingina! Ako na ang nauna d'yan, kaya ibigay mo sa akin!" inis na sigaw ko rito saka pinilit na kunin sa kan'ya. Lumayo ito at tinignan lamang ako na walang pake.

    "Stop cursing miss." sabi nito at akmang tatalikod, "Wala kang pake!" Hinila ko ang braso nito para mapaharap sabay kuha sa libro, "Ako ang nauna rito sa libro, hanap kana lang ng sa 'yo!" pagsusungit ko, pero lumapit lang ito.

    "Aba! Ako ang nakakuha d'yan!" angal n'ya. Tinaasan ko s'ya ng kilay,"Bakit sa 'yo ba 'yan?" tanong ko sa kan'ya.

    Ngumisi naman ito, "Hindi. Pero ako ang nakakuha!" mariing sigaw n'ya sabay kuha sa libro sa kamay ko. "Siraulo! Ako ang unang nakak—FINEEE!!! Sa 'yo na 'yan saksak mo sa baga mo! " malakas na sigaw ko sa kan'ya, dahilan para mapatingin sa amin ang ibang estudyante pati na rin ang librarian.

    Narinig ko ang mahinang tawa nito sounds familiar pero nevermind. Sira na ang araw ko,"Letse kang hayop ka, panira ng araw!" Mahinang sabi ko at pumulot na lang ng ibang libro at umalis na doon.

    Lumapit ako sa librarian kung pwede kuhanin ito sa dorm. Pumayag naman, humingi na rin ako ng despensa sa nagawa kung ingay kanina.

    Lumabas na ako r'on at hinintay si Jay. Maya-maya pa ay dumating na ito na seryoso lamang nakatingin, "Kanina ka pa nag-hihintay?" tanong n'ya ngunit hindi ko ito sinagot dahil wala pa ako sa mood.

    "Hoy babae! May nangyari ba?" tanong nito muli, "Babae pa rin!" sagot ko at hindi pinansin.

    "Isa!" bilang n'ya, humarap akong nakabusangot. "Oh! Tara na nga sa cafeteria nagutom ako sa pakikipag-away!"

    Tumingin ito sa akin, "Hindi pa nagsisimula ang pasukan may naka-away kan—" pinutol ko ang sasabihin n'ya.

    "Eh kase, kingi—mamaya ko na nga sabihin nagugutom na ako!" natawa naman ito sa hitsura ko. Nauna na akong naglakad papunta sa cafeteria.

    "Hanap kana ng mauupuan, ako na ang oorder. Baka pati 'yong makasalubong mo, masungitan mo." suhestiyon nito, tumango na lang ako at umupo sa pinaka malapit na bakanteng upuan. Dahil tinamad akong maghanap.

    Napayuko ako sa lamesa, pilit na kinakalma ang sarili," Kainis naman kase ang lalaking 'yon! "inis na bulong ko.

    Ramdam kung may nakatayo sa harapan ko pero wala pa rin akong pake," Pwedeng maki-upo? "n'ya.

    " Please, find another table. Don't talk to me, wala ako sa mood, mister! "pilit akong kumakalma na kausapin kung sino man ang lalaking kausap ko.

    " Okay, salamat na lang sa lahat. "doon ko lamang iniangat ang ulo ko at nakita ko si Kevin na nakatalikod habang hawak ang tray.

    " Ikaw pala, dito kana! Kawawa ka naman, tsk! "tugon ko rito. Humarap ito sa akin at umupo sa harapan," Bakit ba kase nakayuko ka d'yan ha? Saka nasaan si Jay? "tanong n'ya.

    Luminga-linga ako sa paligid at nakita si jay papalapit dito sa kinauupuan namin," Bakit, miss mo na agad? "

    Tumingin ito sa akin ng masama," Hindi ha! Tinanong ko lang! "depensa nito saka nag-iwas ng tingin.

    "Ito naman, bakit sobrang depensive mo? Ayan na oh," saka itinuro si Jay, kumonot ang noo nito bago inilapag ang ini-order nito,"Bakit?"

    "Miss kana raw ni Ke—" pinutol ni Kevin ang sasabihin ko.

    "Kain na tayo, may gagawin pa ako mamaya." sinamaan ko lang ito ng tingin.

    "Edi nauna kana sanang kumain kung may gagawin ka pa! Nako, ikaw Kevin ha!" kita ko sa mukha nito ang inis. Ngumiti lang ako ng nakakaloko.

    Tahimik lang kaming kumakain habang si Jay ay tingin ng tingin sa paligid na para bang may hinahanap.

    "May hinahanap ka?" tanong ko rito. Tumingin ito sa akin at Umiling, "Kain kana, maglilibot pa tayo rito bago bumalik sa dorm." sabi nito, napatango na lang ako at pinagpatuloy ang pagkain.

    Natapos rin kaming kumain si Kevin ay nagpaalam nang umalis dahil may gagawin pa raw, "Saan tayo pupunta?"tanong n'ya, papalabas ng cafeteria.

    "Kung saan tayo dadalhin ng mga paa natin." sagot ko. Inaya ko muna itong umupo sa bench, "So nakuha mo ang libro?" biglang tanong nito.

    Ikwenento ko kase sa kan'ya 'yong lalaking nakaaway ko sa library, "Hindi, pero hayaan muna. Sa susunod na lang," tugon ko. Tumingin ako sa kan'ya na nasa malayo ang tingin, bigla itong tumayo kaya tumayo rin ako, "Bakit?"

    "Lakad ka lang ha, huwag ka munang titingin sa likod," seryoso lang ito na ikinakaba ko. Ano na naman kaya ang nangyayare o baka may sumusunod sa amin? Kung hindi sa bahay dito naman sa University, hindi ba kami titigilan!

    "Ano ba ang meron?"

    "Wala naman—basta. Sasabihin ko sa iyo mamaya," pilit itong ngumiti. Para hindi ako mag-aalala.

    Naglakad lang kami nang naglakad hanggang sa maramdaman ko na parang may sumusunod sa amin. Akmang lilingon ako nang pigilan ako nito, "They back." malamig na sabi nito.

    Tinaasan ko ito ng kilay, mahina lang itong tumawa, "Tingin ka sa likuran, sa lalaking nakapula ang damit. I think sila 'yan, do you still remember Zack and Maximus?"

    "Bakit mo naman nabanggit ang pangalan ng mga 'yan?" tanong ko sa kan'ya," Tumingin kana lang sa likuran. "

    Tumingin ako sa likod agad ko namang namukhaan ang lalaking sinasabi ni Jay," Gaga 'yong lalaking nakapula 'yan 'yong lalaking naka-away ko?!" Mahinang sigaw ko sa kan'ya na ikinagulat nito, "What!"

    "Tara na sa dorm!" agad kong hinawakan ang kamay nito at hinila papunta sa dorm, hindi na rin ito umangal.

    Dahil kapatid ko si Flash ay agad naming narating ang dorm. It's already Five na rin in the afternoon. "Would you mind if I'm going to hurt him?!" Ngumisi pa ito.

    Inihampas ko sa kan'ya ang librong hawak ko, "Gaga ka talaga e!"

    "Joke lang naman. By the way, may dalawa pala tayong makakasama dito. Lalaki sila." inilapag nito ang gamit n'ya saka umupo.

    "Saan mo naman 'yan nalaman?" ani ko habang nagsasalin ng tubig sa baso.

    Tumingin ito sa akin ngunit agad ring nag-iwas, "Narinig ko lang." umupo na rin ako sa katapat nitong upuan. "Magluluto lang ako, nagutom ako kanina sa paghatak mo sa akin," natawa kaming dalawa.

    Mabilis rin itong natapos sa pag luluto, nasa kalagitnaan kami ng pagkain ng may kumatok, "Ako na ang magbubukas, tutal tapos na akong kumain." tumango lang ito.

    "Saglit langgg!" sigaw ko saka Dali-daling binuksan ang pintuan. Saglit akong natigilan ng makita ang lalaking nakaaway ko sa library.

    Nakangiti ito habang nakatitig sa akin, napatingin rin ako kay Jay nagulat habang inaayos ang pinagkainan.

    Inis akong tumingin sa kan'ya, "Ikaw?"

    "I miss you Sili." sabi nito saka ako niyakap na ikinabigla ko.

Accidental Encounter (On-Going) Where stories live. Discover now