Maaga akong nagising para mabisita si lolo. Naligo muna ako bago lumabas sa kwarto. Siguradong miss na n'ya ako pati si Jay, dahil naging malapit na rin sila.
Nasa maayos na raw nalagay si Lola sabi ni tita kagabi, nakahinga naman ako ng maluwag dahil d'on. Plane blue t-shirt ang suot ko saka highways na Jean.
Naabutan ko naman ang apat na bihis na at kumakain, "Hindi n'yo man lang ako hinihintay!" sabi ko saka umupo sa tabi ni Jay.
"Ang tagal mo kase saka nagugutom na kami kaya nauna na kaming kumain." tugon ni Jay. Tumahimik na lang ako at kumain.
"Huwag n'yo sabihing sasama kayo sa akin sa hospital?" takang tanong ko sa kanila nang matapos kaming kumain.
Tumango si Jace bilang oo. Sina Kevin at Kai naman ay pumasok nasa loob ng sasakyan. Wow ha, parang sila ang bibisita e sasama lang naman sila.
Si Jay ay may kinuha pa sa loob, pumasok na kami ni Jace. Si Kai ang nagmaneho ng sasakyan. Sa likod na ako ng driver's seat umupo sa left side si Jace sa Right naman si Kevin at ako sa gitna.
Maya-maya pa ay pumasok na si Jay na may dalang prutas, "Saan mo naman 'yan ibibigay?" ibinigay n'ya ito sa akin saka nag seat-belt. "Sa lolo mo."
Nagsimula nang umandar ang sasakyan halos isang oras rin kaming bumiyahe bago marating ang hospital. Traffic pa kase!
"Miss anong room po si Cannor Jesalva?" tanong ko. "Wait ma'am, hahanapin ko lang," tumango na lang ako. Ilang segundo muna ako naghintay bago nito mahanap, "Salamat!"
Tumalikod na ako at humarap sa kanila Jay, "Anong room daw?" tanong ni Jay. "Sa Room 115,tara na!" pagkasabi ko ay agad na naman tinungo ang elevator.
Si Jace na ang pumindot dahil malapit s'ya doon. Kapagkuwan ay lumabas na kami at pumasok sa room 115,"Lolo!kamusta na po kayo? Maayos na po ba kayo lolo?" sunod-sunod na tanong ko sa kan'ya habang tinitignan ang bawat parte ng katawan nito.
Narinig ko naman itong tumawa kaya napatingin ako sa kan'ya, "Nako apo! Maayos lang ako buti at naisugod ako ng tita mo kagabi, nga pala. Kumain na ba kayo?" tanong nito.
Ngumiti ako at umupo sa tabi n'ya, "Opo, kayo ba. Kumain na kayo?" umiling lang ito. Sakto namang may binili kaming pagkain kanina iba pa 'yong prutas na bigay ni Jay.
Halos isang oras rin kaming nag-stay r'on. Na-kausap na rin ni lolo si Jay at ang kasama ko. Parang apo na ang turing nito sa kanila kahit ang iba ay ngayon lang n'ya nakita at nakausap.
Nasa likuran lang ako at kita ko kung gaano kasaya ngayon si lolo, "Sana gumaling kana lo," bulong ko at inayos ang pinagkainan nito. Lumapit naman ako kay tita na nanonood din sa kanila, "Tita, pasensya na at ito lang ang maiibigay ko sa 'yo ngayon. Ayan lang kase ang natira sa ipon ko."
Iniabot ko sa kan'ya ang limang libo ngunit tinangihan n'ya ito, "Nako Yrich! Ako na ang bahala sa lolo mo saka salamat na lang ha. Gamitin muna lang 'yan sa pag-aaral mo," ngumiti pa ito, nginitian ko rin pabalik.
"Pero tita kapag may kailangan ka, tawagan mo lang ako ha!" sabi ko ay agad ako nitong niyakap, "Oo naman! Salamat ulit sa pagdalaw." kusa na akong kumalas sa pagkakayakap at yumuko ng bahagya.
Hindi rin nagtagal ay nagpaalam na kaming aalis dahil mamayang hapon ay lilipat na kami sa dorm doon sa university na papasukan namin, "O s'ya lolo, magpagaling ka ha. Aalis na po kami dahil lilipat na kami mamaya sa dorm." pamamaalam ko. Ngumiti ito sa akin at hinalikan ang noo ko.
Agad naming tinungo ang pinaka malapit na restaurant malapit sa hospital dahil kanina pa nagrereklamo si Kai, ewan ko ba. May bulate ata sa tiyan.
" Libre mo! "turo sa akin ni Kai,"Bakit ako? Ikaw ang nag-aya na kumain tapos ang magbabayad? Gaano ba karami ng semento ang inilagay sa mukha mo ha?!" pasigaw na sabi ko sa kan'ya na halos lahat ng tao ay nakatingin sa amin.
"Stop it! Pinagtitinginan na tayo ng tao, libre ko na lang." malamig na sabi ni Jay. Sabagay masipag at madiskarte ito kaya gan'on na lamang kalaki ang hawak n'yang pera, marami na s'yang ipon pero sabi niya hindi pa raw 'yon sapat.
Nagpresinta ang tatlo na sila na raw ang maghahanap ng mauupuan habang kami naman ni Jay ang umorder, "Halos ikaw na ang gumastos kapag kasama natin ang mga unggoy na 'yan ha?!" tumawa lang ito at hinawakan ang balikat ko.
"Ayos lang! This is the last day that I will treat them, sadyang kuripot ang mga unggoy na 'yan!" sabi nito na ikinatawa naming dalawa.
"Himala ha! Hindi kana cold, bumabalik kana ba sa dati?" tanong ko sa kan'ya. "No, ako pa rin ito. Iba ang pakikitungo ko sa 'yo—sa inyo at sa iba."tumango naman ako.
Nang maka-order na kami ay hinanap na namin sila Jace," Jay dito! "napalingon naman ako para hanapin ang lugar ng sumigaw,"Nandoon pala sila!" turo ko.
"Sulit-sulitin n'yo na baka sa susunod wala na," pagpaparinig ko na ikinataka ng mga ito.
"Huh? Anong sulitin?" inosenteng tanong nila. Hindi ko na lang pinansin at kumain. Well, wala silang maasahan sa akin pag dating sa mga gan'yan, kuripot ako.
Napatingin ako sa paligid, transparent ang glass ng kainan na ito. Kaya makikita mo ang mga taong dumadaan at mga sasakyan. Katapat lang pala nito at National Book Store, napatingin ako kay jay nakakatapos lang kumain, "Bili tayo libro mamaya." aya ko sa kan'ya.
Tumingin ako sa harapan. "Kayo? Saan kayo pupunta mamaya? Didiretso na kayo sa dorm n'yo?" hindi nila ako pinansin at parang wala silang narinig.
Tumikhim naman si Jay para mapatingin ito sa amin, "Wala kayong tenga o nagbibingi-bingihan lang kayo?" halos matawa naman ang mga ito sa inasta ko.
"Nakikita mo ba ito?" sabay turo sa tenga n'ya, "May mata ka rin siguro 'no?!" sigaw nito sa akin.
Tinaasan ko ito ng kilay, "Syempre may mata ako, hindi ka naman bobo 'di ba?" sabi ko na ikinatawa nila. Masama lang itong tumingin sa akin.
"Rule No. 1 huwag aawayin ang hambog kung mabilis kang mapikon!" Mahinang sabi nito pero sapat lang na marinig ko at Kai dahil magkatapat lang ang upuan namin.
Lumabas na kami at nagpaalam sa isa't-isa. "See you tomorrow sa University!" sigaw nila habang kumakaway pa. Tumango lang kami ni Jay, "Tara na sa NBS!" masayang sabi ko.
"Good morning ma'am," bati ni manong guard. Ngumiti ako at bumati pabalik. Si Jay ay nauna nang pumasok, na para bang hangin lang ang nakakasalubong nito.
Agad kung hinanap ang librong bibilihin ko, "Ito ba 'yon?" napatingin ako sa likuran. Hawak na pala ni Jay ang mga libro na dapat ay bibilihin ko.
"Ang bilis mo naman mahanap! Teka, bibilihin mo ba 'yan?" kase ang dami n'yang bitbit na libro at karamihan doon ay ang bibilihin ko.
Umiling ito at ibinigay sa akin, "Ito lang ang bibilihin ko 'no!" tugon nito at ipinakita ang libro.
'Love at first Ride' ang pangalan ng librong bibilihin n'ya. Bumili na rin kami ng mga pagkain at iba pa bago umuwi para ayusin ang mga gamit namin dahil mamaya ay lilipat na kami sa dorm doon sa papasukan naming eskwelahan.
Nanlumo ang mata ko habang nakatingin sa pitaka, "Ang pera ay parang tubig kapag natunaw walang kapalit," Saad ng ali sa tabi ko. Nakita n'ya siguro na bebente na lang ang natirang pera ko.
Nagugulumihanang tumingin ako sa kan'ya, "Po?"
"Wala hija, sabi ko 'mauna na ako'" dali-dali itong naglakad papaalis. Pero joke lang may wallet pa ako na isa, tsk. Hindi naman ako magastos para mabilis na maubos ang pera.
"Para po!" sigaw ni Jay. Ngayon ko lang lang napagtanto na, nasa harapan na pala kami ng bahay. Binitbit ko na ang pinamili ko at bumaba.
"Hindi mo naman sinabi na malapit na pala tayo!" nakabusangot na sabi ko papasok sa bahay. "Malay ko ba sa 'yo. Akala ko kase alam mo na malapit na tayo sa bintana ka kase nakatingin." sabi nito.
Sabi ko nga sa bintana ako nakatingin,"Bakit hindj na lang ang sasakyan mo ang gagamitin?" sabi nito sa akin.
"Sa loob lang naman tayo ng Univ. Saka hindi naman tayo lalabas para magbiyahe pa para pumasok sa eskwelahan ha?" abala lang ako sa pag-ligpit nh pinamili ko.
May apat pa na araw bago mag-umpisa ang klase. Sabi kase nila ay dapat ngayon ay alam muna kung sino at saan ang dorm mo.
" What if dalhin muna sa Univ. 'yang kotse mo. Babalik pa naman tayo bukas dito?"suhestiyon n'ya. Napatingin naman ako sa dala namin. Kulang na lang ay pati itong bahay ilipat namin doon sa sobrang dami.
Wala akong nagawa kun'di ang tumango, dahil tama naman s'ya. Masyadong marami ang dala namin,"Wala na bang naiwan?" tanong ko sa kan'ya na inaayos ang gamit namin.
Pumasok na ito at umupo sa driver's seat. "Wala na," tumango na lang ako. Mga isang oras lang ang biyahe kapag hindi traffic.
Nasa kalagitnaan ako ng pagmamaneho nh sumagi sa isipan ko si Zack,"Sana muling mag-cross ang landas natin. It's been 3 years since the last time I chatted you." Saad ko sa aking isipan.
He's the man who admired me. Nakilala ko s'ya sa Rpw, I never thought that I would love him. Hindi ako madaling mahulog, kilala ako sa pagiging hambog. Besides, some of my friends told me na I'm a boy, because of my voice kaya gan'on na lamang ang gulat ng iba kapag makikipag-usap sa akin.
It's not my fault, but Jay said na maganda ang boses ko at nababagay sa akin. Never n'yang sinabi ang personal information n'ya even her name. Age lang, at masasabi kung marami kaming pagkakapareha.
S'ya ata ang nawawala kung kapatid dahil hindi lang 'yon. Marami s'yang nakuha sa akin, words, expression ang pagiging hambog etc. Except my heart. Wala na akong puso kung pati 'yon ibibigay ko.
"Jay?" tawag ko sa kan'ya. Tumingin ito sa akin at ibinalik ang tingin sa Selpon n'ya. "What if makita mo sila doon?" tanong ko rito.
"Sinong sila?"
"Zack and Maximus?" sabi ko, natigilan naman ito. Alam kung masakit pa rin sa kan'ya ang biglang pag-iwan ng boybestfriend n'ya. Gaya ko ay wala ring alam tungkol sa personal information nila.
Ngumiti ito ngunit alam kung pilit 'yon, "Edi patayin ko!" nakangising sabi n'ya. "Siraulo, injel na injel ka pa rin hanggang ngayon!"
"Na gago," sagot n'ya. Natawa naman ako. Literal na injel 'yan.
"Pero seryoso nga, paano kapag nakita mo sila doon?" tanong ko ulit.
Napatigil ito, "Then I would be happy, dahil nakita ko sila," sagot n'ya.
"Marupok." bulong ko. Sabi ko na magiging marupok na naman ito. "Ikaw, anong gagawin mo kapag nakita mo s'ya doon?" pabalik na tanong n'ya.
"Wala." Wala akong gagawin kapag nakita ko sila,i mean hindi. Hindi ko alam. Nasaktan rin ako. Pero alam ko na mapapatawad ko rin s'ya. Should I turn my attitude to a cold one like Jay? Or ganito pa rin.
I guess, wala namang masama kung susubukan. As what Jay said before. Mas maganda na raw na ganito ako at hindi maging katulad n'ya. Alam kung babalik rin ang dating si Jay, 'yong dating Jayannee o Jeanelle sa Rw na nakilala ko.
"Ikaw pa ba? Tsk, don't joke me Ichie. Kilala kita. Someday you'll realize that it is important to give them a second chance,no matter what they do in the past. It is on you, if you still believe on him. As long as you're happy with—he explained to you. Hindi naman sa pagiging marupok 'yon pero gan'on nga. "napatawa pa ito sa sinabi n'ya. Well she's right. Kahit gaano pa s'ya ka-cold ang ang swerte ko dahil may kaibigan akong kagaya n'ya.
Tumingin ako sa harapan, siguro ito na 'yong University. Masyadong malawak itong University kaya maraming estudyante ang nag-aaral dito.
"Thank you,"'yon na lamang ang nasabi ko. Nginitian ako nito. Maya-maya pa ay may lumapit sa aming lalaki at babae. Nakangiti silang sumalubong sa amin ni Jay.
Lumabas na kami ni Jay, "Hello po." bati ko gan'on rin si Jay. Ngumiti ito sa amin, halos lahat ng estudyante ay nakatingin sa amin. "Hindi namin akalain na ito ang pinili n'yong University," sabi ng lalaki.
Yumuko ako, "Wala po 'yon." saka ko lang nalaman na sila pala ang tagabantay sa mga dorm.
'Siguro nanay at tatay n'ya 'yan?'
'Ang cheap naman n'ong mag kapatid'
'Sayang ang ganda sana nila kaso, eww! Guard ang magulang!'
'Yan lang naman ang naririnig kung bulungan nila. Napatingin ako sa tabi ko ngunit wala na r'on si Jay. Muli akong tumingin sa gilid at doon ay nakita ko si Jay na papalapit sa babae.
"Ma'am/Sir maiwan ko po muna kayo saglit kailangan ko lang pong awatin ang kaibigan ko." tumango sila. Kaya dali-dali akong tumakbk para pigilan si Jay.
"Who told you na magulang namin sila? At kapatid ko ang kasama ko?" rinig ko na sabi ni Jay sa malamig na tono, "It's true naman ha? Na parents n'yo sila, tsk. Don't deny na miss!" maarteng sabi ng isa.
Kapag ito sinapak ko hindi na magigising. Pero nasa rules 'yon na bawal kaming makipag-away sa iba, "Poor you," sabi ko nang makarating ako.
"Oh, nandito pala itong kapatid n'ya." sabi nito at dinuro pa ako. Tingnan ko si Jay at bumulong, "If you're thinking na suntukin s'ya, huwag mo nang gawin. Maraming makakakita!" bulong ko rito at tumango.
"Tara na Yrich, nagsasayang lang tayo ng laway sa mga taong walang utak at alam kun'di sa nakikita lang ang bumabase." sabi nito at tumalikod.
Tumalikod na ako narinig ko lang nagsisigaw ang babae. Ngumisi lang ako at bumalik sa kotse, "Paumanhin kung kami ay natagalan," pahingi ko nang dispensa.
"Ayos lang 'yon o s'ya, maiwan na namin kayo ha." saad nito bago umalis at i welcome ang iba pang estudyante. Pumunta na kami sa parking lot at agad na binuhat ang mga dala naming gamit.
Hindi na kami nahirapan na hanapin at buhatin ang mga gamit namin dahil sa kilala kami ng ibang guro dito,"Thank you." yumuko lang sila at umalis matapos nila kaming dalhin sa dorm.
Na kay Jay ang duplicate ng room namin habang ang original ay nasa akin. Mahirap na ulyanin na 'yang babae na 'yan. Pasado alas dos na nang hapon ng matapos kaming mag-ayos ng gamit.
May mga nakilala na rin kami, as usually. Limitado lamang ang information na dapat naming sabihin,"Chie,tara labas. Libutin muna natin itong University, maaga pa naman." tumango na lang ako tutal, gusto ko rin namang lumabas muna ang maglibot.
Inayos ko na ang aking sarili bago lumabas. Nakita ko naman si Jay sa pinto,"Wow ha? Bago ata ngayon. May salamin kana?" puri ko sa kan'ya na lalong mas bumagay sa kan'ya pero mas maganda pa rin na walang s'yang suot na salamin.
Ngumiti lang ito. Hinawakan n'ya ang kamay ko at nagsimulang maglakad.
YOU ARE READING
Accidental Encounter (On-Going)
ActionIt's been a year since Zack and Maximus left on the site named Rpw. They left without a reason-a farewell, until one day. Yrich and Jay decided to enroll in the Hayxton University, a school we're some of the student are secret agent. Yrich and Jay a...