Ilang minuto lamang ay agad na naming narating ang isang tagong lugar. Tanging mga punong nagsisitaasan at ang isang abandonadong bahay ang makikita.
Sa harap pa lamang ng bahay ay may mga bantay na, "May sasakyan na paparating!" sabay turo sa itim na sasakyan.
Bumaba naman ang isang lalaking may dalang case. "Ayan ang ama ng kinidnap, at ang hawak ay mga pera. Pera lang ang habol ng mga sindikatong 'yon." Tugon naman ni Jay.
"Isuot n'yo 'yan, para hindi kayo makilala."sabay bigay ang isang itim na mask at sombrero. Gan'on rin ang tatlo pa naming kasama. Tanging mata lang 'yong makikita,kaya hindi ka kaagad nila makikilala.
"Hindi naman siguro tayo magmumukhang magnanakaw 'di ba?" tanong ni Kai. Mahina lamang akong tumawa,"Ikaw lang ang magmumukhang magnanakaw." sabi ko.
Tumawa naman sila sa sinabi ko, sinamaan lang ako ng tingin ni Kai. Muli akong tumingin sa lumang bahay na tanging sa loob lamang ang may ilaw.
"Hold your guns." Tumango kami sabay kuha sa mga baril at isinukbit sa tagiliran habang ang isang baril ay nasa aming kamay.
Isang malakas na putok ng baril ang pumukaw sa aming diwa, kasabay ang pagsigaw ng isang lalaki. "Let's go, Yrich at Kai kayo ang bahala sa hostage at sa ama. Kevin and Jace protect them." seryosong sabi ni Jay.
Napakunot naman ang noo ko, "Paano ka?" tanong ko sa kan'ya ngunit ngisi lang ang nag tugon nito. "Don't mind me, ako na ang bahala sa lahat."
Nagsimula na kaming gumalaw, we planned everything. Humiwalay na kami ni Kai sa mga kasama namin,"Masyado silang marami, kaya ba natin ito?" nag-aalanganin pa ito kung susugod o hindi.
"Tsk, bakla ka ba? Syempre kaya natin 'yan. Pangalawang misyon na kaya natin ito!" Mahinang bulong ko. Tumingin ako sa loob, nang akmang babarilin ng lalaki ang matanda ay naunahan na nito ni Jay.
Lumabas na kami ni Kai, gan'on rin sila Kevin at Jace na binabaril ang mga kalaban. Masyado silang marami." Ilayo muna rito ang mag-ama! "sigaw sa akin ni Kai nang makalagan nito ang lalaking mukhang ka edad lang namin.
Lumapit ako sa kan'ya saka inalalayan," Kaya mo pa bang maglakad? "tanong ko sa kan'ya,tumango lang ito.
" Yrich sa likod! "sigaw ng kung sino kaya napatingin ako sa aking likuran saka mabilis na kinalabit ang gantilyo ng baril.
" Sir, kaya mo pa po bang maglakad? "tanong ko sa matanda." Hija, may sugat ka?" saka itinuro ang braso ko na may umaagos na dugo. Ngumiti ako ay hindj na lang 'yon ininda.
" Ayos lang po, bilisan n'yo ang pag-lakad ako ang bahala sa inyo, "tumango lang ang dalawa ang nagsimulang maglakad.
Saglit akong tumigil nang biglang tutukan ako ng baril," Ibaba mo ang baril mo! O kung hindi, hindi ako magdadalawang isip na barilin ka!"pananakot nito pero hindi ko ito sinunod.
Unti-unti akong humarap sabay ngisi habang ang dalawang kamay ay nakataas, " May utak ka pala?" kinalabit nito ang gantilyo.
" Ito naman biro lang!"seryosong sambit ko. Randam ko na natakot ito, napangisi ako saka mabilis na hinablot ang baril at pinagsisipa. Hindi pa ako nakuntento, kinasa ko ang baril at pinaputukan ito.
May mga lalaki pang sumugod sa akin at hindi alam kung sino ang uunahin. Babarilin ko sana nang biglang, "Kingina naman, bakit ngayon pa ako naubusan ng bala!" huminga ako ng malalim saka ibinato ang baril na wala ng bala.
Natamaan naman ang mukha nito kaya natumba sa sahig, agad kung kinuha ang baril na nasa tagiliran at pinag-babaril ang natira.
Nakakabinging ingay ng baril at mga sigaw ang iyong maririnig. Nakasunod lamang ako sa kanila, ngunit saglit silang natigil at humakbang patalikod nang may mga armadong lalaki ang humarang sa amin.
YOU ARE READING
Accidental Encounter (On-Going)
ActionIt's been a year since Zack and Maximus left on the site named Rpw. They left without a reason-a farewell, until one day. Yrich and Jay decided to enroll in the Hayxton University, a school we're some of the student are secret agent. Yrich and Jay a...