Reviewed on January 21, 2015
--
Available • 47 parts, 76 pages • 8.5M reads • 106K votes • 18K comments
Language: Filipino
Prologue:
Woman of the future, ultra modern, high-tech, liberated, and straightforward. Yan si Mira, short for Ma. Remedios Asuncion Dimasalang. Hindi papatalo, hindi papaapi, hindi papa-under. Naniniwalang magkapantay ang mga babae at lalaki sa lahat ng aspeto ng buhay.
And then she met Angelo Gabriel Villegas with a vintage car, a vintage hair, a vintage language, a vintage outlook in life, and a mighty bond. A man who lives and believes in the old adage that the one who doesn't appreciate his roots won't succeed.
And she believes that in order to succeed, you have to look forward and never look back.
Now, will they ever meet?
Review:
That Mighty Bond is one of my favorites because it's such an unusual story of girl meets boy, told in a quite humorous way. Simple lang ang storya na ito pero nagustuhan ko pa din kasi ngayon lang ako nakabasa tungkol sa dalawang taong nahulog sa isa't-isa kahit na magkasalungat ang pag-uugali at paniniwala nila in terms of patriotism and modernism. Simple lang ang storya pero na-entertain pa din ako dahil na din sa pagkakaiba ni Mira at Gab sa isa't-isa.
Unang chapter pa lang, na-hook na ako sa story kahit pangalawang beses ko nang magbasa. Kasi naman, napaka-pasosyal ang pagkaka-portray kay Mira. Nakakatawa kasi nakaka-relate ako kasi hindi maiiwasan na magkaroon din ng try-hard moments ang isang commoner na tulad ko. Proud pa nga siya sa ganoong pag-uugali niya na parang normal lang. Ewan ko ba, kakaiba ang humor ng story na ito. Hindi trying hard na comedy kasi hindi naman nag-jo-joke ang character. Kumbaga, 'yung thoughts ni Mira ang nakakatawa kasi nagkakaroon din tayo ng ganoong thoughts pero hindi natin binubunyag sa iba kasi that's a step to a social suicide, which is why hearing your own deepest, darkest (chos) thoughts from a character without a verbal filter is quite entertaining.
Nevertheless, gusto ko pa din si Mira kahit masyadong bunyag sa story ang kanyang try-hard moments dahil totoo pa din siya. Napakaprangka at straightforward niya sa ibang tao hindi lang sa pagpupuna ng mali ng iba pati na din sa weaknesses niya. Inaamin niyang "ganoon, ganito" siya, and she says them with pride. She's proud of the things we're not usually proud of and of the things we often hide from our peers for social acceptance, and that makes me love her and makes her different from other female protagonists.
Si Gabriel naman ay isang character na may nakakabwisit na twist. I can't really say much about him other than the fact that he introduces himself as a vintage guy. Napaka-makaluma niyang klase ng lalaki at napakainosente pa. Nakakatawa nga kasi siya na nga ang lalaki, tapos siya pa ang pinipilit ni Mira na makipag-alam-mo-na sa kanya. Siya pa ang namumula at tumatanggi. I don't know. I really like the makalumang Gabriel kasi siya lang naman 'yung hindi bad boy na male protagonist na nabasa ko. Kala ko bad boys lang ang kayang magpakilig sa akin. Hindi ko naman alam na kaya pala ng author na pakiligin ang mga readers through a guy that is sooo far from a bad boy. Ang innocence din ni Gabriel ang nakakadagdag sa humor ng kwento.
Kung si Mira nakakatawa kasi nakaka-relate ako, si Gabriel naman ay nakakatawa kasi napaka-ridiculous ng character niya na parang hindi na nag-eexist sa totoong buhay. I mean, I'm not only talking about his innocence in terms of alam-mo-na, pati na rin sa iba, which I dare not say kasi gusto kong kayo na ang magbasa haha. Just go read the story! *wink*
Favorite Quotes
Mira: Bakit pa ba ako magpapatumpik-tumpik? If I like him, then I will tell him kasi nindi naman siya manghuhula paramalaman ang nararamdaman ko ... Kaya madaming babae ngayon ang luhaan dahil tinatago nila ang damdamin nila ... Hay naku hindi na uso ang pa demure sa mga panahong ngayon.
--
Officemate: Ilang tasa ba ng kape ang iniinom mo?
Mira: Tatlong litro na sa ngayon.
Officemate: Talagahgn hindi ka makakatulog niyan. Bakit ka naman lumaklak ng tatlong litrong kape?
Mira: Kasi pag nagkakape ako, nagpapalpitate ang heart ko at kapag nagpapalpitate ang heart ko, hindi ko masadong nararamdaman ang sakit.
--
Mira: Because, you just don't come into my life, mess it up, and go as if you didn't bring turmoil into it. Hindi pupwedeng ganun. And I will do anything, na makakaya ko para maibalik ka sa buhay ko.
--
Mira: I need a boyfriend.
Juana: Huh? Boyfriend?
Mira: Oo. Madaming madaming boyfriend.
Juana: Anong gagawin mo sa madaming madaming boyfriend?
Mira: Panakip butas.
Juana: Bakit kailangang marami?
Mira: Oo. Malaki ang butas eh.
--
Gabriel: And yeah, nakakainis ka at naiinis ako sa mga ginagawa mo sa akin dahil pakiramdam ko sobra sobra na. At nagpapakatanga na ako. Pero alam mo, kahit gaano ka nakakainis, kahit gaano ka kaarte, at kahit gaano nakakagalit ang ginagawa mo, hindi ko magawang magalit sayo.
BINABASA MO ANG
All Nighter
RandomThis is an ongoing compilation of my thoughts and opinions about the Filipino and English stories that made me stay up 'til, idk, two to four in the morning? So yeah. If you liked any of my reviews, feel free to comment some story recommendations...