Prologue

77 46 10
                                    

I was sitting on a bench near the cottage when an arm snaked around my waist. I sighed. I knew who it was, I knew his smell. I was about to turn my head when he kissed my hair and crouched for a kiss on my lips.

"Hey." aniya at umupo sa tabi ko, nakapulupot pa rin ang isang kamay sa baywang ko.

"Kamay."

He smirked, "What?"

"Yang kamay mo, alisin mo sa baywang ko."

"No way." at mas hinigpitan pa ang pagpulupot sa'kin.

"Alisin mo sabi." inis ng sabi ko at pilit tinatanggal ang braso nya, "Alisin mo o kakagatin kita!"

"Oh c'mon! I am just hugging you."

"Hug mo mukha mo. Tanggal."

Hinarap nya ako at tinaasan ng kilay.

"Bakit ba galit ka? Okay naman 'tong yakap ko, a." he then smirked, "Meron ka ba?"

Argh! Ewan ko, naiinis ako sa pagmumukha nya. Ano ngayon kung red day ko nga? Argh!

"Hindi ba sumasakit puson mo?" aniya at bahagyang hinaplos ang puson ko. Tinampal ko nga. Manyak talaga ba.

Kadalasan kase kapag mayroon ako, sumasakit ang puson ko. Ngayon, thank God, wala naman.

"Nope."

"Wait here. May chocolate cake pa roon sa loob. Kukunin ko lang." hindi na nya hinintay pa ang sagot ko at umalis na.

I sighed. We were together for three years now. Masaya ako tuwing kasama ko sya. I felt safe everytime na magkasama kami. Pinaramdam nya sa'kin kung gaano ako kahalaga sa kanya.. kung gaano nya ako kamahal. Wala na akong hahanapin pa. Tanga ako kung papakawalan ko pa sya.

"Here." aniya nang makabalik at nilapag ang cake na dala sa gitna naming dalawa.

Tamang-tama at gusto kong kumain nito. May nilapag rin syang mineral water sa tabi. Kumuha ako nung cake at kaagad na sinubo iyon.

Dumapo ang kamay nya sa gilid ng aking labi kaya napatingin ako sa kanya.

"Ang dungis mong kumain."

Ngumiwi na lang ako at nagpatuloy sa pagkain. Nang maubos ay inabot naman nya sa'kin ang tubig habang nililipat sa kabilang bench ang platitong pinagkainan ko. Atsaka sya umusog palapit sa akin at niyakap ako.

Tinabi ko ang pinag-inumang bottled water. Bahagya rin akong umusog padikit pa sa kanya at humilig sa balikat nya. Hinayaan ang mga braso nyang nakayakap ng mahigpit sa'kin.

"Babe?" aniya habang hinahaplos ang buhok ko. Nakakaantok tuloy lalo na't ang sariwa ng hangin at kaharap lang namin ang dagat.

"Hmm.." tugon ko

"Where's my kiss?"

At talagan naman!

"Umayos ka!"

"C'mon, just a kiss. Hmm?"

Bahagya syang yumuko sa akin at nilapit ang mukha sa mukha ko.

"No way."

"Yes way."

So stubborn.

"No for you, Shane Adrian."

Euphoria (JK Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon