"Hey," bungad ko sa kaibigang tumawag sa akin.
"Anong hey! Andito na ako school! Where the hell are you?"
Inilayo ko ang cellphone sa tenga ko. Damn this girl and her loud voice.
"On the way na. Bye." binabaan ko na bago nya pa ako pagsabihan.
Inayos ko ang uniporme habang nakaharap sa salamin at sinuot ang school shoes. Yep, I told her I'm on my way pero nandito pa talaga ako sa bahay. Usapan namin ay seven o'clock ng umaga ay nandoon na sa school. Seven twenty na at nandito pa ako sa bahay. Alas otso ang pasok namin.
Nagmadali na ako palabas ng bahay. Hinatid ako ni Manong Gil, ang driver namin, sa school. Malayo pa lang ay nakikita ko na ang kaibigan ko malapit sa gate. Tumunog ang cellphone ko at kaagad kung sinagot iyon.
"How's your on the way, huh? It's been 25mins since you said that!" bungad kaagad ng kaibigan ko.
Halos mapatawa ako habang tinitingnan sya mula sa malayo na nag-aalburuto sa cellphone, kausap ako.
"Chill, nakikita na kita."
Nakita kong luminga-linga sya. Nang huminto ang sasakyan sa harap nya ay kaagad na akong bumaba.
"Thanks, Manong." pasasalamat ko sa naghatid sa'kin.
Tumango lang si Manong Gil. Hinintay kong makaalis ang sasakyan bago ko binalingan ang kaibigan. Sinalubong ko ang nakataas nyang kilay, tinatarayan ako.
"I'm sorry, alright." sabi ko kaagad, inunahan na sya.
"Hinintay kita rito at nakatayo lang ako for almost an hour. And I only got your sorry? Libre mo 'ko mamaya, 'kala mo ha." inirapan nya ako.
Tinawanan ko sya bago ko inakbayan at inakay papasok ng gate. Mukhang libre talaga ang isang 'to.
"Oo na po."
Bahagya nyang kinurot ang tagiliran ko kaya lumayo kaagad ako sa kanya. Alam kong uulitin nya iyon nang mas masakit pang kurot. I knew her too well.
Tumatawa akong lumayo sa kanya habang dahan-dahan naman syang lumalapit sa'kin. Mas lalo akong lumayo. Masakit sya kumurot kaya distansya.
Sa kakaatras ko ay nakabunggo ako ng tao. Nilingon ko iyon at kaagad nag-sorry.
"Sorry."
"Yea?" aniya nang nakatingin sa sapatos nya, "You just stepped on my shoes."
Bumaba ang tingin ko sa sapatos nyang nadumihan ko nga. Ba't kase white shoes pa? Teka nga.. Sinuyod ko ng tingin ang kabuoan nya. Ba't hindi naka-uniform ang isang 'to? Tss, pake ko naman.
Bumalik ang tingin ko sa mukha nya. Shit gwapo! Erz. He's got that wavy hair, deep set brown eyes, thick eyebrows, pointed nose, thin and kissable lips. And oh, perfect jawline! Damn! I should stop complimenting him.
"Sorry." ulit ko
"Sorry not accepted, Miss. Give me your number. I'll contact you for the payment."
The hell? Hindi makapaniwalang tiningnan ko ang nakalahad nyang kamay sa harapan ko. Payment kaagad? Like duh! Pwede ko namang labhan na lang yang sapatos nyang converse high ah!
Sayang. Gwapo na sana e!
"No way. Labhan ko na lang yang sapatos mo o di kaya bilhan na lang kita ng bago."
He smirked, "No way, I'll let you pay it my way."
Kumuyom ang kamao ko. Peste naman 'to.
"Hey, Shy! Bilisan mo late na tayo!"
Nilingon ko ang kaibigan, "Saglit!"
"Shy, huh?" he grinned.
Binalik ko ang tingin sa lalaki at nakita kong nakalahad pa rin ang kamay nya.
"Your attitude says otherwise."
Ngumiwi ako at bumuntong hininga. Instead of getting my phone, kinuha ko ang pen ko sa bag. Total nakalahad ang kamay nya na dapat ay cellphone, so ballpen din ilalabas ko.
Kumunot ang noo nya nang makita ang ballpen na hawak ko. You don't expect me to hand you my phone, do you? Tinanggal ko ang takip nun at hinawakan ang kamay nya para isulat ang numero ko doon. Ang lambot ng kamay, ah.
Narinig ko ang buntong hininga nya. Sinulat ko ang number ko at may diin pa iyon habang sinusulat ko. Kainis e!
"Galit?" nakangiwing aniya nang matapos kung isulat ang number sa palad nya.
Inirapan ko sya at tumalikod na para pumunta sa kaibigan kong naghihintay sa'kin. Hindi nga lang kaagad ako nakaalis sa pwesto ko kasi kinginang yan, pinigilan nya ko sa pamamagitan ng paghawak sa backpack ko. Pesteng yawa talaga nito.
Tumunog ang cellphone ko kaya kinuha ko iyon sa bulsa ng uniporme ko. Nakita kong unknown number iyon kaya umirap ako sa hangin.
"Save my number and don't you dare ignore my call."
Demanding ka? Bigwasan kita riyan e.
"Oo na." tugon ko at pinasok muli ang phone sa bulsa ko, "Bitaw na."
"Nope. Do it now."
Umirap ako at kinuhang muli ang cellphone sa bulsa. Bumaling ako sa kanya at pinakita ang pagpipindot ko sa cellphone ko. Ang gago hindi ko pa tapos ang pagsi-save ay inagaw na sa'kin ang phone ko at sya na ang tumapos mag-save. At isa pang mura nang Babe ang nilagay nyang pangalan doon. Pesteng yawa jud!
"There." aniya at inabot na sakin ang selpon.
Kinuha ko iyon nang nakataas ang kilay, "Okay na? Alis na 'ko ha?" sarcastic kong sabi at umalis na. Baka ma-demonyo pa ko't tadyakan ko sya.
"Ano yun?" kaagad na tanong sa'kin ni Jewel nang makalapit ako.
"A jerk. Not important so let's go and stop talking about him. Nabubwesit ako."
I just hope to never see him again. Argh!
![](https://img.wattpad.com/cover/202002806-288-k551673.jpg)
BINABASA MO ANG
Euphoria (JK Series #1)
عاطفية❝Did you wander looking for a dream erased like rainbow? It's different from a plain word like fate. You're looking at the same place with me with a pain in your eyes. Won't you please stay in dreams?❞ -Euphoria, JK ONGOING