“Ano ba yan?!” ani Jewel at mahinang binato ang cellphone sa kama.
Bumaling ako sa kanya. Problema nito?
“Ano ba 'yang pinsan mo? Ang snob masyado. Ayaw man lang akong replyan kahit tuldok na lang e!” atsaka humiga sa kama nya.
Mahina akong natawa. Hay ewan ko rin dun. Akala mo kung sinong gwapo e.
“Hayaan mo bukas doon ka naman sa bahay. Bwesitin mo ng bongga. Iyong kulang na lang sipain ka palabas ng bahay namin.”
Tumawa ako nang sinamaan nya ako ng tingin. Aasarin ko pa dapat nang tumunog ang cellphone ko.
Jerk:
Tulog ka na?Napabuntong hininga ako. Sinabihan ko ng huwag na akong i-text e. Asungot rin.
Ako:
Oo, bakit?I rolled my eyes. Sarcastic.
“Sinong ka-text mo?”
Tsismosa rin. I made a face and shrugged. Not important.
“Asungot.” tipid kong sagot at muling tinuon ang tingin sa screen ng selpon ko.
Nakahiga na kami ngayon sa kwarto ni Jewel. Alas nuebe na rin kasi tapos may pasok pa bukas.
Jerk:
Stop being sarcastic. Sleep now, Shy. We still have class tomorrow.And so? Hayst, ikaw nga riyan panay pa text e. Ang dami mo namang load.
Ako:
Yea, right. Night.I sighed at umayos na ng higa.
“Tulog na tayo, Jewel. May pasok pa tayo bukas. Hayaan mo na ang pinsan kong yan.”
Nakabusangot syang umayos ng higa sa kama at nagkumot.
“Night, Shy. Sleep well.”
“Goodnight. Sweet dream.”
Bago ako tuluyang nakatulog ay nabasa ko pa ang reply ni Shane.
Jerk:
Goodnight, pumpkin.Kinabukasan ay kaagad kaming kumilos para pumasok. Hindi na kami nagpahatid sa driver nila. Si Kaiden na ang sumundo sa amin rito. Request ni Jewel sakin kanina. –.–
“Hey, couz! Did you sleep soundly, yep?” bungad ko sa kanya nang huminto ang sasakyan nya sa harapan ng bahay nila Jewel, sinusundo kami.
Inirapan nya lang ako. Sungit talaga.
Nilagay ko ang paper bag sa likod ng sasakyan nya. Damit ko ang laman nun.
“Bilis na. Ang babagal nyo.” aniya na parang bagot na kakahintay.
“Good morning, Kaiden!” masiglang bati ni Jewel nang makalapit.
Tinaasan lang sya ng kilay ng pinsan ko. Syempre pa, sa harap umupo si Jewel.
“At bakit ka riyan umupo? Sinong may sabi sayo?”
Kita mo 'tong kupal na 'to. Batuhin kita nitong hawak kong teddy bear, e.
“Wala namang karatulang nagsasabing bawal ako rito. Bakit ba?” bwelta naman ni Jewel habang inaayos ang seatbelt.
Umiling na lang ako. Hindi na ako nagulat, parang aso't pusa talaga ang dalawang yan tuwing nasa iisang lugar lang at malapit sa isa't-isa.
Umayos na rin ako ng upo at sinuot na ang seatbelt. Tinignan ko ang pinsan kong obvious sa pagmumukha ang asar at inis. I grinned. One day, you'll fall in love with my best friend. I am pretty sure of that.
Hindi ko na sila pinansin pa. Nagsuot na lang ako ng earphone at hinayaan ang dalawang magbangayan sa harap.
Nang makarating sa school ay parang ayaw pang bumaba ni Jewel. Kung hindi ko pa hinatak ay ewan ko na lang talaga. Dumiretso na kami sa classroom at doon panay ang reklamo nya sa pagkaladkad ko sa kanya. Minsan talaga ang sarap lagyan ng packing tape itong bibig nya. Halos ayaw ng tumigil sa pagasasalita e kung hindi pa pumasok ang guro namin. -,-
May ginawa lang kaming activity pagkatapos noon ay pumasok naman ang sunod naming guro. I hate math. -,- Nakinig na lang ako kahit wala akong maintindihan doon sa diniscuss ni Sir. Hinintay ko na lang ang favorite subject ko, recess. (^▽^)
Nasa labas na iyong dalawa nang matapos ang klase namin, naghihintay. Ba't ba 'to sumasama si Kaiden sa amin e hindi naman 'to sumasama dati? I shrugged.
Dumiretso na kami sa cafeteria. Gaya kahapon, iyong dalawang lalaki pa rin ang bumili ng pagkain namin. Ayon na naman syempre ang reklamo ng pinsan ko.
Panay ang salita ni Jewel habang ako ay tahimik lang na kumain. Ewan ko rin dito sa pinsan ko, panay ang reklamo sa kaingayan ng kaibigan ko, pero heto't sumama sa aming kumain.
Inangat ko ang tingin nang may naglagay ng gulay sa styro ko.
“You should eat vegetables.” Shane shrugged.
Umiling ako, “Ayoko ng gulay.” Kumakain ako pero piling gulay lang.
Tinaasan nya lang ako ng kilay at nagpatuloy sa pagkain.
“Kainin mo yan.”
Sinamaan ko sya ng tingin. Tinaasan nya lang din ako ng isang kilay. Bwesit talaga 'to ba. Bumaba ang tingin ko sa pagkain ko. Do I have a choice anyway? Kinain ko yung petchay. Hmm, not bad.
Nakita kong ngumisi ng bahagya si Shane habang nakatingin sa'kin. Nang makitang masama ang tingin ko sa kanya, nagkibit balikat lang sya.
Sige lang, isang linggo lang naman kitang titiising asungot ka.
Nagpatuloy ako sa pagkain para lang mapasinghap sa ginawa nya. Binaba ko ang kutsara't tinidor. Tinitigan ko sya.
Pwede namang sabihin na lang sa'kin na may kung ano sa mukha ko. May papunas-punas pa sa gilid ng labi ko. Touchy ka dong. Balibagin kita e!
“Ang dungis mong kumain.” he grinned.
“Pwede mo namang sabihin.”
“Ba't ko pa sasabihin kong kaya ko namang punasan na lang?”
Okayedt.
BINABASA MO ANG
Euphoria (JK Series #1)
Romance❝Did you wander looking for a dream erased like rainbow? It's different from a plain word like fate. You're looking at the same place with me with a pain in your eyes. Won't you please stay in dreams?❞ -Euphoria, JK ONGOING