Chapter 06

39 34 0
                                    

Sa amin nga natulog si Jewel kinagabihan. Sinamahan ko na ring kumuha ng damit nya at inis na naman ang pinsan ko. Kesyo ginawa daw namin syang driver. Sus. Panay reklamo sumusunod naman.

"Saang kwarto ba sya natutulog, Shy?" tanong ni Jewel habang nagbibihis ng pambahay dito sa kwarto ko. Excited masyado kaya hindi na nagbihis ng uniporme sa kanila.

"Baka pa pasukin mo kapag nalaman mo saang room ang pinsan ko e."

Pero ayos lang din. Baka maging dragon yung pinsan kong iyon kapag pumasok ng basta na lang itong kaibigan ko.

"Hindi ah!" aniya nang matapos magbihis, "Kakatok ako, don't worry." ngisi nya.

Bwisit 'to! Ngumiwi ako at niyaya na lang syang bumaba na. Naabutan namin sina manang na naglalagay ng pagkain sa lamesa kaya doon na kami dumiretso.

"Si Kaiden ho, manang? Hindi pa bumababa?"

"Hindi pa, Shyshy. Ipapatawag ko na lang." tugon ni Manang Jelly

"Huwag na po." sabi ko bago umupo atsaka binalingan si Jewel na uupo na sana nang magsalita ako. Nagtaka pa sya nang makita ang ngisi ko. "Katukin mo si Kaiden sa kwarto nya, Jewel."

Nagliwanag ang mukha nya sa narinig. Sinabi ko sa kanya kung saan banda ang kwartong tinutuluyan ni Kaiden rito sa bahay. Hinalikan pa ako bago tumakbo paakyat ng hagdan.

"You're the best, Shy!" sambit nya nang huminto sa gitna ng hagdanan at nag-flying kiss pa bago nagpatuloy sa pag-akyat. Napailing na lang ako.

"Manang, kumain na rin po kayo."

"Mamaya, pagkatapos nyo. Nag-snack naman kami kaya medyo busog pa."

Tumango ako at hinayaan na si manang sa ginagawa sa kusina. Naghintay ako ng ilang sandali. Maya-maya lang din ay narinig ko na ang kalabog ng pinto at ang inis na boses ni Kaiden. I smirked. Pinasok ba 'to ni Jewel?

"Di mo ko kelangang pasukin sa loob! Lalabas naman ako e!" rinig kong halos sigaw ni Kaiden habang bumababa sa hagdanan.

"E sa hindi ka sumasagot kaya pumasok na 'ko." angil ni Jewel

Nagpipigil ako ng tawa nang makarating na sila sa dining.

"Di mo na nga kailangang pumasok pa!"

"E sa nangyari na! Bakit pa?"

Kinagat ko ang ibabang labi ko habang dinadampot ang kutsara't tinidor. Sabay naman silang umupo na dalawa.

"Kainis 'to." ani Kaiden at nagsandok na ng kanin.

"Mas kainis ka."

"Awat na nga. Nasa hapag tayo, ah." sambit ko para matigil na.

Tumahimik naman silang dalawa. Nakabusangot pa rin ang mga mukha. Hindi na ako nagsalita pa at kumain na lang. Baka sa'kin pa mabaling ang inis ng dalawang 'to at bugahan ako bigla ng apoy.

Nang matapos ay umakyat kaagad si Kaiden sa room nya. Naiwan kaming dalawa ni Jewel sa sala.

"Kainis ng pinsan mo, Shy! Sarap nyang sapakin!" angil nya habang kumakain ng ice cream.

"Ano ba kasi ang nangyari?" tanong ko sa kanya habang inoopen ang naka-off kong cellphone. Nag-charge kasi ako kanina kaya pinower off ko muna.

"Kinatok ko nga para kumain na. Ilang beses, ah, tapos walang sumasagot kaya pinihit ko ang doorknob. Hindi naman naka-lock kaya pumasok na ako. Ayon, nabugahan ako ng apoy ng dragon pagkakita nya sa'kin paglabas nya ng banyo." maktol nya

Natawa ako kaya hindi kaagad ako nakapagsalita.

"Ganda na sana ng katawan nya e tapos fresh from bath tapos biglang maninigaw! Kainis!"

Hindi ko na napigilan ang tawa ko. Humagalpak na talaga ako ng tawa. Kabwisit 'tong dalawang ito.

"Disappointed ka?"

"Hindi syempre! Ba't naman ako madidisappoint sa ganda ng katawan nya e nakita ko naman kahit papano aber! Kahit saglit lang dahil nagbihis kaagad ang KJ nga eh!"

Mas lalo akong tumawa sa sagot nya. Pisting yawa ang lakas ng tama nito.

"I mean, sa ugali nya. Na-disappoint ka ba sa ugali nya?" pigil ang tawa ko matanong ko lang sa kanya yun ng mejo maayos.

"Hindi mo naman kaagad sinabi! Ang haba pa nung sagot ko tapos iba pala ang tanong mo! Kainis ka rin e!"

Ngisi lang ang naisagot ko sabay peace sign.

"Hindi naman ako disappointed sa ugali nya. Sanay naman na ako." nagkibit balikat sya at kumain na lang ng ice cream.

Magtatanong pa sa ako nang sunod-sunod ang pag-vibrate ng cellphone ko pagka-open niyon. Tinignan ko ang notifs na pumasok. May galing sa parents ko, nangangamusta. Mayroon ring galing sa iba pang kaibigan ko at kakilala. Meron ding galing kay Shane asungot. Naningkit ang mga mata ko. Bakit ba 'to panay text sa'kin?

Jerk:
Hey

Jerk:
What are you doing?

Jerk:
Are you busy?

Jerk:
Why aren't you replying?

-.- Ano na namang problema ng isang 'to? Nireplayan ko muna ang parents ko at yung iba pang importanteng text bago si Shane. Hindi naman talaga sya importante e, kaya lang baka about dun sa punishment kuno nya sa'kin, tsk. Malay natin baka hindi na nya ituloy pa iyon. Impossible. -,- I doubt that.

To Jerk:
Oh?

Hindi naman kasi talaga ako mahilig mag-text. Tinatamad akong mag-type kaya tipid lang minsan ang mga sinasagot ko. Minsan pa nga hindi ko na nirereplyan e. Wala rin naman akong magawa ngayon kaya ito na lang pagdidiskitahan ko.

Jerk:
Tipid naman, sungit pa.

Pake naman nito.

To Jerk:
Pakealam mo ba?

Jerk:
Taray mo, pumpkin.

Teka nga, noong last text nya rin ay tinawag nya akong pumpkin. Ano na namang kalokohan ng isang yun?

To Jerk:
Ba't pumpkin?

Jerk:
Secret

Sus! May pa-secret pa amputcha!

To Jerk:
Ano nga?

Hindi na lang sabihin e.

Jerk:
Ba't gusto mong malaman?

Kainis naman 'to!

To Jerk:
Edi wag! Bahala ka jan. Huwag mo nga 'kong i-text!

Nilapag ko sa sofa ang cellphone. Nangti-trip lang ata ang kupal na yun e. Nag-vibrate ulit ang selpon ko kaya binalingan ko iyon.

Jerk:
Galit ka na nyan, pumpkin?

Euphoria (JK Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon