Nagising ako sa sinag ng araw na tumama sa aking mukha. Bumangon ako at tinignan ang oras. It's already 10am. Kaya pala medyo nakaramdam ako ng gutom. Pumasok ako sa banyo para maghilamos bago lumabas ng kwarto. Kakain muna ako bago maligo, gutom na ako.
Kumunot ang noo ko nang marinig ang ingay sa sala. Nakarinig ako ng talbog ng bola. Dumiretso na ako sa baba habang kinukusot ang mata. Nasa sala na ako nang maaninaw ang pinsan kong may hawak na bola.
"Good morning, cousin! Ang aga nating nagising, ah! Talagang alas dyes, a. May morning glory ka pa yata." aniya habang nagdi-dribble.
Hindi ko sya pinansin at inilibot ang paningin sa buong sala. Nanlaki ang mata ko nang magtagpo ang mga mata namin. Damn, Shane's in the house! Dali-dali akong umakyat muli sa aking kwarto. Shxt! Bago ako kumaripas paakyat ay nakita ko pa ang paghagod ng tingin nya sa akin at ang bahagyang pagngisi. Darn! I am still on my pj! Narinig ko rin ang hagalpak na tawa ng pinsan ko. Nakakahiya!
Weekend ngayon kaya walang pasok. Ewan ko kung anong plano nila Kaiden at nandito ang isang yun.
Kaagad akong naligo at nag-ayos ng sarili. Nagsuot lang ako ng tee shirt at maong short. Ayaw ko mang bumaba dahil nakakahiya, pero gutom na talaga ako. Bahala na nga!
Bumaba ulit ako at dumiretso sa kusina. Hindi ako lumingon sa sala dahil ramdam ko rin ang titig ng dalawa at ang mahinang pagtawa ni Kaiden. Bwisit.
Mayroong bacon, spam, scrambled egg, pancake, juice at sinangag sa lamesa. Nagtimpla ako ng kape bago umupo at kumain. Lumingon ako sa likuran ko nang makarinig ng yapak. Nakita ko si Shane na diretso ang lakad papunta sa ref. Nilingon nya ako bago binuksan iyon at kinuha ang pitcher ng tubig. Lumapit sya sa akin kaya inabot ko ang basong hindi ko pa nagagamit sa kanya.
"Thanks." aniya at nagsalin ng tubig sa baso.
"A-ahmm.. kain?"
"Thanks, I'm done."
Okayedt. Nagkibit balikat ako at nagpatuloy sa pagkain at hindi na muling nagsalita pa.
Nilapag nya ang basong ginamit sa sink pagkatapos nyang ibalik ang pitcher sa refrigerator.
"Eat well, baby girl." nanunuya ang boses nya nang sabihin iyon bago naglakad pabalik sa sala. Hindi nakatakas sa'kin ang mahinang tawa nya.
Pumikit ako at pinakalma ang sarili. Just because he saw me wearing a BT21 pajama earlier, tatawagin nya na akong 'baby girl'? Punyawa ka, Shane!
Pagkatapos kong kumain ay nagkulong ako sa kwarto. Mabubwisit lang ako sa dalawa doon sa sala. Inayos ko na lang ang mga damit kong bagong laba sa closet. Pati na rin ang mga sticky notes kong nagkalat lang sa study table ko. Winalis ko na rin ang buong kwarto ko. Nilinis ko rin ang banyo. Tumigil lang ako nang marinig ang tunog ng cellphone ko. Kinuha ko iyon sa kama at tinignan.
Jerk:
Ba't hindi ka na bumaba ulit?Naningkit ang mga mata ko. Ano ngayon?
To Jerk:
Busy ako.Mabilis syang nag-reply.
Jerk:
Excuses.Magrereply na sana ako nang muling tumunog iyon.
Jerk:
Baba rito. I wanna see you.Nahinto ako saglit. Ano ba talaga ang trip ng isang ito? Napaka-authoritative pa ng text nya. Bahala ka nga!
To Jerk:
Alam mo, tigilan mo nga pangtitrip sakin.Binaba ko na ang selpon at inayos ang comforter kong nagulo.
Jerk:
I am not.Binaba ko ulit ang phone pagkatapos mabasa ang reply nya. Wala na akong balak replyan. Maya-maya ay nilingon ko ang pinto nang may kumatok. Lumapit ako doon at binuksan. Kaagad ko nga lang sinara iyon nang makita kong sino. Paano nya nalamang ito ang kwarto ko? Damn you, Kaiden!
"Aray!" aniya bago ko pa masara ng tuluyan. Nakahawak sya sa kanang pulsuhan nya. Naipit pa yata. Kaagad kong hinawakan iyon at sinuri. Medyo namaga iyon.
"Sorry. Naman kasi e! Ba't ka ba nandito?" tanong ko at hinila sya papasok ng kwarto. Kinuha ko ang kit sa banyo at binalikan syang nakatayo lang sa harap ng kama ko. Pinaupo ko sya roon bago ako umupo sa tabi nya. Muli kong kinuha ang kamay nya at teka...
"I think cold compress ang kailangan mo at hindi bulak at betadine." aniya ng nakatingin sa akin.
Nasapo ko ang sariling noo. Gaga!
"Hoy Shane! Bawal ang lalaki sa loob ng kwarto ng pinsan ko!" rinig kong sigaw ni Kaiden mula sa baba. I think nasa hagdanan sya nung sumigaw. Hindi rin nakasarado ang pinto ng room ko kaya rinig talaga rito.
Nagbuntong hininga ako bago tumayo at humarap sa kanya. Tiningala nya ako.
"Tara sa baba. Tayo na riyan."
Hindi ko na hinintay ang sagot nya at nauna nang lumabas sa kwarto.
"Pakisara ng pinto pagkalabas mo. Thanks." usal ko habang pababa ng hagdan. Narinig ko ang pagsara nun. Dumiretso ako sa kusina at naghanap ng water bag. Nilagyan ko iyon ng yelo. Bumalik ako sa sala at kaagad syang nilapitan roon na nakaupo. Hindi naman malaki ang maga, pero ayun nga't namamaga pa rin. Tsk.
"Anong nangyari ba?" tanong ni Kaiden at umupo na rin.
"Naipit pagkasara ko ng pinto." sagot ko habang inilalapat ang compress sa namamaga nyang palapulsuhan.
"Ayan kasi. Ba't mo kasi pinasok, Den?"
Sinamaan ko sya ng tingin kaya lalo syang natawa.
"Shut up. Kumatok ako, gago!"
Tumawa ng malakas si Kaiden. Isa rin 'tong may sapak e. Papuntahin ko kaya rito si Jewel? Tiklop 'to panigurado. Baka pa magkulong ng kwarto 'to, tsk.
"Inom lang ako'ng tubig." ani Kaiden habang tumatawa pa rin.
"Mabilaukan ka sana." nakangiwing sagot ni Shane sa kanya. Mas lalong lumakas ang tawa nya habang naglalakad papuntang kusina.
"Ba't kasi pumanhik ka pa, e." nakangusong reklamo ko.
"Ayaw mong bumaba kaya ako na ang umakyat." he smirked. Sinamaan ko sya ng tingin. Tumawa sya.
Diniin ko ng bahagya ang compress sa maga nyang palapulsuhan. Nakita ko ang pagngiwi nya, I grinned.
"Damn, girl." rinig kong bulong nya. O baka misheard?
BINABASA MO ANG
Euphoria (JK Series #1)
Romance❝Did you wander looking for a dream erased like rainbow? It's different from a plain word like fate. You're looking at the same place with me with a pain in your eyes. Won't you please stay in dreams?❞ -Euphoria, JK ONGOING