Chapter 10

20 1 0
                                    

The libre-for-a-week punishment is already over. Pero ewan ko ba rito at sumasama pa rin sa amin ni Jewel mag-lunch. Ganoon rin ang pinsan kong kupal.

At alam mo kung ano ang mas nakakagulat? Masyado syang lumalapit sa'kin. We used to ignore each other. The past days kasi ay nag-iba bigla. One time nga habang naglalakad kami ni Jewel at nakasunod silang dalawa sa amin sa likuran, bigla nya na lang hinila ng bahagya ang bag ko kasama ako. Kaya ayun, naglakad akong nakahawak sya sa'kin sa likod. Meron pa ngang P.E time namin tapos lumapit sya sa'kin at ginulo ng marahan ang buhok ko. At hindi nakakatuwa yun. Nakakainis yun! Dagdag mo pa ang masasamang tingin ng mga babaeng nakakakitang ganoon sya sa'kin. Hindi ko talaga alam ang trip nya sa buhay e.

Umuwi na rin sa kanila si Kaiden nang bumalik na ang parents ko. Ako naman ang pumupunta sa kanila tuwing sabado o di kaya ay linggo para bwisitin sya.

“What's with that clothes? You change.” ani Shane nang bumaba ako sa hagdan.

Nagyaya kasi itong si Kaiden na pumuntang mall kaya nandito sya sa bahay. Nandoon ang parents ko sa kanila kaya pinagpaalam na nya ako sa parents ko. At hindi ko naman alam na kasama pala itong asungot na 'to.

Tumingin ako sa suot kong damit. I am wearing a halter neck denim dress just above my knee and a white rubber shoes. What's wrong with it?

Pinasadahan ko rin sya ng tingin habang nakaupo sa sofa namin. He's wearing a plain black t-shirt, fitted jeans and timberland shoes. Ngumuso ako.

Tinaasan ko sya ng kilay. “Wala akong nakikitang problema sa damit ko. At pakialam mo ba sa mga sinusuot ko.”

“Ang ikli. Magpalit ka.”

Narinig ko ang halakhak ng pinsan ko. Nilingon ko sya at sinamaan ng tingin. Tinaas nya lang ang dalawa nyang kamay na parang sumusuko. I rolled my eyes.

“You're showing too much skin.”

Hindi ko sya pinansin at dumiretso na lang sa sala, kung nasaan sila, atsaka ako umupo. Narinig ko syang bumulong-bulong sa sarili kaya nilingon ko ulit sya.

“May sinasabi ka?”

Sinamaan nya ako ng tingin at muli pang pinasadahan ng tingin ang aking kabuoan. I heard him sigh bago umiling. Ngumisi ako.

Busangot ang mukha nya nang umalis kami ng bahay. Sa audi kami ni Kaiden sumakay. Silang dalawa sa harap, ako sa likod.

Kaiden's wearing a galaxy-colored shirt, black jeans and a pair of white shoes.

Ano ba kasing gagawin natin doon, Kaiden?” tanong ko nang umandar na ang sasakyan.

Bibili ng regalo. Tutulungan mo ako.”

Nagtaas ako ng kilay, Ano pala purpose ng isang 'to kung ganoon?” tanong ko na ang tinutukoy ay si Shane walanghiya Perrez.

Tumawa ng malakas si Kaiden kaya mas lalong kumunot ang noo ko.

Bulaklak lang yan” aniya at lalong tumawa. Nakita kong ngumiwi sa kanya si Shane.

Nang makapasok na kami sa mall ay ramdam ko ang tingin ng ibang tao sa amin. O baka sa dalawang nakasunod sa akin. Inayos ko ang nakalugay kong buhok nang bahagya itong tumabing sa aking mukha.

Teka, saan nga pala kami banda bibili ng regalo? Lakas naman ng loob kong magpatiuna sa paglalakad e hindi ko naman alam kung saan pupunta. Babaling na sana ako nang maramdaman ang isang braso sa kaliwang braso ko rin. Nilingon ko iyon at tinalunton hanggang sa nag-angat na ako ng tingin at nakitang si Shane iyon. Narinig ko rin ang mahinang tawa ni Kaiden sa likod.

“Damn, am I thirdwheeling a couple here?” aniya at madramang bumusangot.

Tinanggal ko ang kamay ni Shane sa braso ko, hindi ko lang matanggal kaya sinamaan ko sya ng tingin.

Malamig.” iyon lang sinabi nya at inayos ang pagkakahawak nya sa braso ko.

We brought a watch for a gift at iba pang mga ka-etchosan nitong si Kaiden. Wala akong ibang maisip na regalo para sa kaibigan nya kaya relo na lang. Wala rin naman syang maisip na iba kaya iyon na lang talaga. At hindi ko alam kung bakit narito itong si Shane e wala namang ambag 'to rito. Kumain na din kami roon pagkatapos mamili.

“Wala ka bang bibilhin, Shy?” tanong ni Kaiden habang kumakain.

Umiling ako. Wala naman talaga akong bibilhin e. Ayos na sa aking nakalalabas ako ng bahay minsan. Masikatan naman itong balat ko ng haring araw paminsan-minsan. Tumigil ako sa pagsubo noong pizza at nag-angat ng tingin sa kanila.

Bibili pala akong clip sa buhok. Samahan nyo 'ko. ”

Iyon nga ang ginawa namin pagkatapos kumain. Namimili ako ng clip habang nakasunod sa likod ko iyong dalawa. I was aware of people talking from behind. Napailing na lang ako nang malingunan sila at nakitang pulos babae at nakatingin sa dalawang nakasunod sa akin. They even giggled, and the two guys were oblivious of it. They were just talking like it was just the two of them. Sweet. -.-

Masyado silang seryoso sa pinag-uusapan na hindi na nila ako napansing nakapagbayad na at nakalabas na ng store na iyon. Pinigilan kong matawa habang tinitingnan silang dalawa roon. Nakagat ko ang ibabang labi sa pagpipigil ng tawa nang malingunan ako ni Shane rito. Nakita ko ang pagtaas ng kilay nya bago binalingan ang kasama.

Parehong busangot ang mga mukha nang makalapit sa akin.

“Nice try, couz.” ani Kaiden ng nakangiwi.

Kinaladkad ko na lang silang dalawa palabas.

“Nakabili ka?”

Nilingon ko si Shane nang marinig ang tanong nya. Tumango ako't winagayway sa kanyang harapan ang maliit na supot. Kinuha nya iyon at tinignan ang loob.

It was just a plain black clip, no design. Feeling ko masyadong pambata kapag may design ang bibilhin ko.

“Come here,” aniya habang kinukuha iyong isa. As if I'm not close enough.

Hindi ako lumapit kaya sya na itong humigit sa akin palapit at inipit sa kaliwang side kong buhok ang clip.

“There.” aniya nang mailagay ang isa pang clip sa parehong side. Kinuha nya ang cellphone sa bulsa at hinarap sa aming dalawa, “Let's take a pic.”

Hindi na ako nakapagreklamo kaya ngumiti na lang din ako. Sabay naming tinignan ang picture. Pareho kaming nakangiti roon. The smile looked so genuine. I liked it.

“I'll make this my wallpaper.”

Nakita ko ang pag-set nya noon as wallpaper ng phone nya. Ngumiti ako. It isn't plain black wallpaper anymore.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 05, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Euphoria (JK Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon