💘
Hunyo 7, 2010 - Manila
Ang pangalan ko ay Angelica Javellana Tan. Ako ay dalwamput siyam na taong gulang na at may asawa na. Nag-iisa akong anak ni Aurora Cruz Javellana at Francisco Tan. Sila ay matatanda na rin. Si mama, 58 at si papa, 60.Nandito kami ngayon sa burol ng aking lolo na si Aurelio Javellana. Ang tatay ni mama. Last year, nauna ng namatay ang lola kong si Antonia Cruz. Ang mama kong si Aurora ay nag iisang anak din nina lolo Aurelio at lola Antonia.
Nakakalungkot tingnan ulit ang mukha ng mga magulang ko. Syempre lahat naman siguro nalulungkot pag nawalan ng mahal sa buhay. Si lolo ay close na close ko rin. Mas close kami actually sang sa kanila ni mama. Ewan ko bakit hindi si mama masyadong open sa kanya or masyadong malambing. Pero nakikita ko na naging mabuting ama naman si lolo kay mama at mabuting asawa kay lola. Lalo na sa pagiging lolo. Spoiled na spoiled ako ng sobra.
Si lolo ay galing Iloilo kaya naalala ko noon hindi lang kami lahat sa bahay kundi lahat ng mga bata sa aming kalye ay tinatawag niyang "palangga/langga" which means "mahal". His sweet at malambing ilonggo tone always calms us.
Naalala ko rin na tinuturuan niya kaming magluto ng mga kakanin na lagi daw nilang kinakain sa Iloilo ng pamilya nila. Parang cooking show lagi sa kusina pag nandoon si lolo. Aliw na aliw kami kasi may kasamang tap dance si lolo. Siya lang siguro ang taong kilala ko na nagluluto habang nag ha-hum at nag ta-tap dance. Ang pinaka paborito kong delicacy na ginagawa ni lolo ay ang macapuno balls. Kaya bawat birthday ko ay ginagawan ako ng lolo nito.
Napakabuting tao ni lolo kaso minsan nakikita ko ito sa labas na umuupo sa kanyang rocking chair at malayo ang tingin niya at medyo malungkot ito. Pero sa tuwing makikita niya ako, umiiba ang mukha nito."Palangga ko...nandiyan ka pala."
Yan ang palagi niyang sinasabi. At sinasalubong ko naman ito ng yakap.
Ang saya isipin na isa ako sa nakakapag pasaya kay lolo Aurelio.Lagi siyang masayahain. Lagi siyang nakangiti. Lagi niyang pinapasaya ang mga tao sa paligid niya. Si lolo ay may mga koleksyon ng iba't ibang klaseng sumbrero. Iba iba ang mga disenyo at kulay. Makikita mo sa bawat larawan namin na may suot talaga siyang sumbrero.
Marami naman ang mga naging kaibigan ni lolo sa naging trabaho niya dito sa Maynila. Sila ang unang mga trabahador ng Western Union noon. Hanggang sa nagtrabaho daw siya sa papa ng lola at iniwan sa kaniya ang negosyo ng mga supplies na galing Korea. At unti unti ay lumago na rin ito.
--------------
Tatlong araw matapos ilibing si lolo ay nandito kaming bumisita sa bahay nila ni lola. Iyak ng iyak si mama kasi marami talagang memories ang nabuo dito. Kahit ako, hinding hindi ko malilimutan ang mga alaala namin dito. Ibebenta na lang daw namin ito. May sarili naman kasi kaming bahay na ipinatayo ni papa. Dito rin kami naninirahan ng asawa ko kasi ito ang gusto ng mga magulang ko.
Pinalinis namin ang bahay ni lolo at lola. May nag bigay sa amin na isang medium-sized na kahon na natagpuan sa ilalim ng kama ng kwarto nila. May pangalan ito ni lolo. Medyo maalilabok na ito at mabigat na wooden box na maleta. Kahit kailan hindi pa daw nakita ni mama ito. Kaya nagpasya na lang kami na sa bahay na lang buksan.
Pagdating namin sa bahay, nagpahinga na kami. Pag bukas ko ng ref, may macapuno balls akong nakita. Umiyak na lang ako. Lolo nakaka miss ka. Tama nga naman na mas nakikita mo ang halaga ng isang tao o bagay pag wala na ito sayo.
Pag dating ng hapon, sabay naming binuksan ang kahon. Bumugad sa amin agad ang mga sumbrero nito. Malilinis pa ang lahat. Ang ganda pagmasdan. Iba iba din ang mga kulay. May dalawa ding sapatos. Isa ay itim at isa ay kulay kayumanggi. Halatang gamit na gamit ito pero hindi pa naman ito sira. May mga larawan siya na sumasayaw kasama ang isang lalaki. May larawan din siyang parang kasama ang buong pamilya niya. At meron ding mga larawan na ngayon lang namin lahat nakita noong may digmaan pa.
Masayang masaya si lolo sa mga larawan. Ang gwapo niya noong araw! May larawan din siya na may kasamang isang babae na hindi pamilyar sa akin. Ang ngiti ni lolo at ang ngiti ng mga mga mata nito ay sobrang saya tingnan.
"Sino siya, ma?"
Inayos ni mama ang kanyang salamin at nilapit ang larawan sa mga mata niya.
"Parang...kamukha ng pinsan ng lola Antonia mo."
Nakita rin namin ang gabundok na mga sulat. They are all well-kept. Naka grupo ito bawat buwan- at naka laso ito. All dated on the year 1942-1944. Mayroon ding isang silver na kwintas na hugis puso.
Nagtaka kami bakit ganito kadami ang mga sulat. Kaya binuksan namin ang isang sulat. Petsa: Hunyo 2, 1942
💘
BINABASA MO ANG
LOLO AURELIO
Historical FictionJune 2010. Angelica's grandfather Aurelio Javellana died. Together with her parents, they unearth an unexpected story as they found an old wooden box in his house with some of his belongings including a lot of letters dated in the years 1942-1944. H...