💘
AURELIO'S POV
Nakikita kong natutuwa si Analita sa pag harvest namin ng kamatis. Nakangiti lang ito at hindi nagrereklamo sa init ng sikat ng araw.
"Magdala tayo para sa inyo."
Sabi ko dito."Nako magugustuhan ni mama ito."
"Sige kuha din tayo ng iba pang mga gulay"
"Sige. Salamat!"
"Oh uminom muna kayo ng buko juice masarap at malamig ito!" Sigaw ni tiyo Freddy.
"Ok po tiyo. Tara!" Pag imbita ko sa kanya
----
"Aurelio aalis muna ako ah. Pupuntahan ko lang ang tiya mo. Nandyan na ang pagkain ninyo."
"Sige po kami na po ang bahala dito maraming salamat"
"Anong oras ba kayo uuwi?"
"Maya maya po mga alas tres."
"Ah sige nandito na ako nyan."
"Sige po tiyo mag ingat kayo!"
"Sige!"
----
"Alam mo Aurelio ito ang gusto kong bahay- yung may taniman. Tapos may batis pa sa may likuran ninyo. Ang ganda ganda talaga dito!"
"Oo. Mahangin. Payapa. Simple. Ito rin ang gusto ko. Kaya kapag pinakasalan na kita, dito tayo titira. Palalaguin ko lang at palalakihin ito."
"Pakakasalan talaga ha...?"
"Bakit...ayaw mo ba akong pakasalan?"
Ngumiti ito at hinawakan ni Analita ang pisngi ko.
"Gustong gusto, Aurelio."
Hinawakan ko ang baywang nito at nilapit siya sa akin. Dahan dahan kong hinalikan ang kanyang mga labi at tumugon naman ito sa mga halik ko.
Binuhat ko ito at dinala sa kwarto. Muli ko siyang hinalikan at dahan dahang hinubad ang suot niyang damit. Pagkatapos ay inihiga ko siya sa kama.
"Analita...pumapayag ka ba?"
Isang tingin... isang ngiti... at isang tango niya... ay naging mas mainit ang samahan namin ngayong tanghali.
"Mahal na mahal kita Analita" bulong ko dito habang patuloy akong gumagalaw sa ibabaw niya.
Napaka puti at kinis ng balat ni Analita. Sa bawat halik at pag galaw namin ay napupuno ng init at halinghing ang bawat sulok ng kwarto. Hindi ako makapaniwalang binigyan niya ako ng karapatan at permiso na galawin siya. Alam kong mali at hindi pa kami kasal pero hindi namin parehas napigilan ang nararamdaman namin.
Pagkatapos namin ay nagpahinga kami ng kaunti. Masayang masaya kaming dalawa. Pinalitan ko muna ang kumot at nilabhan ito kasi naduguan ito. Unang pagtatalik kasi namin ito.
Inayos ko na ang mga dadalhin naming mga gulay habang nagbibihis siya. Tamang tama lang na dumating na si Tiyo Freddy.
"Tiyo aalis na kami ah. Maraming salamat!"
BINABASA MO ANG
LOLO AURELIO
Historical FictionJune 2010. Angelica's grandfather Aurelio Javellana died. Together with her parents, they unearth an unexpected story as they found an old wooden box in his house with some of his belongings including a lot of letters dated in the years 1942-1944. H...