💘
Ang taong 1939 at 1942 ay kasagsagan ng World War II na nagsimula sa Europa at natapos noong 1945. Isa ang Pilipinas sa huling naging biktima ng digmaan.
Agosto 1945 nangyari ang Liberation of Panay kung saan nilusob ng mga Hapon ang buong Panay Island. Nagumpisa sila sa Iloilo at nakapasok sa ilog ng Tigbauan.
Ang mga establishemento ng ciudad ng Iloilo naman ay sinunog ng mga Amerikanong sundalo para maipakita sa mga Hapon na naunahan na nilang sinakop ito -habang ang mga tao ay nagtago, umalis at pumunta ng probinsya o sumakay din ng bangka papuntang Maynila o ibang bayan at bansa para tumakas.
Marami ang nawalan ng mahal sa buhay at marami ding ari arian ang nasunog ng dahil sa pagsabog ng mga bomba.
------
Nakarating si Aurelio ng Maynila at dumirecho sa address ng bahay ng pinsan ni Analita...kaso wala sina Analita doon.
Pinatira si Aurelio doon ng tiyo Alfredo ni Analita at ng pinsan nitong si Antonia. Naghintay sila ng sulat o ano mang balita pero pagkalipas ng isang linggo ay wala pa ring dumating. Naghintay pa rin sila kung sila ay darating pa.
Nagsulat si Aurelio kay Analita at nagsulat din siya sa pamilya niya. Nakalipas ang isang buwan ay dineklara na natapos na ang World War II. Pero hindi pa rin nakarating ang pamilya ni Analita sa Maynila.
Kinabukasan, nakatanggap ng sulat si Aurelio sa tiyo Freddy niya.
Aurelio,
Ako ang nakatanggap ng sulat mo. Mahirap sa akin magsulat sayo pabalik kasi hindi ko alam kung paano simulan. Ikinalulungkot kong sabihin na wala na ang mga magulang mo tsaka ang kuya mo. Pati na rin ang ate Florentina mo at ang pamangkin mo. Lahat sila ay nasabugan ng bomba noong araw na naghihintay ka sa Capitol. Tumatakas sila at susunduin ka sana. Hindi ko rin alam paano makabangon muli pero kakayanin ko rin naman ito pa unti unti. Ikinalulungkot ko rin na ibalita sayo...na ganun din ang dinanas at sinapit ng pamilya ni Analita. Pumunta ako doon sa ciudad at nakibalita bago bumalik dito sa Tigbauan. Wala na sila, Aurelio.
Aurelio alam kong mahirap pero magpakatatag ka. Mamuhay ka ng masaya diyan. Mag umpisa tayo muli. Bumangon tayo muli. Tapos na ang digmaan. Kahit anong oras pwede mo akong sulatan. Dito lang ako sa Tigbauan sa bahay natin. Hindi ako aalis dito. May pamilya ka pa rin na matatakbuhan. Mag-iingat ka diyan palagi. Hihintayin ko ang sulat mo.
-Tiyo Freddy
-
---AURELIO'S POV
Ano nga ba ang mararamdaman mo kapag ang lahat ng meron ka ay nawala lahat sa isang iglap lang? Ano nga ba ang mararamdaman mo kapag wala ka ng nararamdaman o ikaw ay mag isa na lamang? Gusto ko na lang na kainin ako ng lupa. Nadapa na lang ako sa kinatatayuan ko pagkatapos kong basahin ang sulat. Umiyak ako ng umiyak dahil napakasakit. Sobrang sakit. Bakit sila nawala na at ako ay nandito pa? Ano pa ba ang silbi ko ngayon na wala na si Analita? Parang isang masamang panaginip. Hindi Ko makapaniwala.
BINABASA MO ANG
LOLO AURELIO
Historical FictionJune 2010. Angelica's grandfather Aurelio Javellana died. Together with her parents, they unearth an unexpected story as they found an old wooden box in his house with some of his belongings including a lot of letters dated in the years 1942-1944. H...