Kabanata 8

40 5 3
                                    

💘

ANALITA'S POV

Pagka gising ko ay narinig ko ang iyak ni kuya Apolonio. Lumabas ako at nakita ko sila na nag uusap at niyayakap siya ng papa.

"Pa? Ayaw ko" sabi ni kuya

"Huwag ka ng mabahala wala pa namang digmaan." Sabi ng mama.

"Kuya? Pa? Ma? Ano po ang nangyayari?"
Nagtataka kong tanong

"Wala. Kumain ka na." Sabi ng mama at pumunta na siya sa hapagkainan. 

Niyakap naman ako ni kuya.

"Pa? Hahayaan mo si kuya? Sigurado ka? Diba marami kang kaibigan na matataas ang posisyon dito sa lipunan? Hindi pa ba sapat na kukunin ka nila bilang opisyal na doktor nila sa militar?"

"Anak...sinubukan ko naman silang sabihan na wag na ang kuya mo pero kasi...nahihiya na akong humindi. Kasi binayaran na nila ako. Hindi ko sana tatanggapin kaso kinuha na ng mama mo." Pabulong niyang sabi

Hindi ako makapaniwala na sarili ko pang nanay ang may gusto nito. Naaawa ako kay kuya. Hindi pa ba sapat ang sinasahod niya sa planta? Tapos parang natatakot din si papa kay mama. Ano ba ang nangyayari?

"Kuya tama na yan...papasok ka ba ngayon?"

"Hindi ko alam Analita..."

"Sige. Magbibihis lang ako pupuntahan ko muna si Aurelio."

----

Habang tanaw ko ang bahay nila may iba na akong nararamdaman. Tuwing umaga dinidiligan na ng nanay Olivia ang mga tanim at kumukumpuni ng sasakyan si tatay Fortunato. Kaso parang walang tao at sarado ang pintuan.

Kumatok ako

"Aurelio? Kuya Flavio? Tao po!"

"Hija! Wala ng tao dyan"

Sabi ng lalaking kapitbahay nila.

"Ha? Ano pong ibig niyong sabihin?"

"Nakita namin sila kagabi na umalis dala ang sasakyan nila. Rinig ko, pupunta sila ng Tigbauan."

"Ganun po ba? Sige maraming salamat po!"

Agad akong tumakbo pauwi. Hindi ko naintindihan bakit sila umalis. Sabi niya kasi sa akin aalis lang sila kapag alam na nilang may digmaan na mangyayari. Pero bakit hindi siya nag paalam sa akin? Alam kong may rason si Aurelio. Pero parang nalulungkot pa rin ako.

"Pa! Kuya! Wala na sina Aurelio sa bahay nila!"

Hindi ko na napigilang maiyak at niyakap si kuya.

"Baka may nakapagsabi rin sa kanila" sabi ng kuya

"Ano ba ang nangyayari? Bakit hindi niyo sinasabi sa akin? Kailan ba mangyayari ang digmaan?"

Hindi nila ako sinagot. Nasa kwarto lang ako. Minamansdan ko ang kwintas na bigay ni Aurelio. Miss na miss ko na siya.
Hindi man lang kami nakapag usap ng maayos kagabi.

Nagpahinga na lang ako at pumunta sa klase ko nung hapon.

Hanggang sa narinig na namin ang napakalakas na tunog ng mga kampana. Lumabas kami sa bintana para tingnan ito.

"Ma'am ano po ang nangyayari?"

"Hindi ko rin alam. Dito lang kayo."

Nakita namin ang mga Amerikanong sundalo pati na rin ang ilang Pilipinong sundalo na nag ma marcha sa daan. Sobrang dami nila.

LOLO AURELIOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon