💘
AURELIO'S POV
Hindi ko na namalayan ang sinabi ko. Basta ko na lang sinabi ang mga salitang yun. Nalulunod ako sa napakagandang mata ni Analita.
"Masyado ka naman atang nagmamadali Aurelio."
"Haha ganun ba. Mamaya din magpapaalam na ako sa mga magulang mo. Baka maunahan pa ako ng iba diyan eh."
"Wala namang may balak eh."
"Talaga? Eh sino yang lalaking yan? Panay tingin sa atin."
"Ah. Si Julio. Kaklase at kapit bahay ko."
"Mukhang gusto ka nito. Masama ang tingin sa akin eh."
"Hayaan mo siya at isip bata ang iyan."
Bigla na lang kaming tinawag ni kuya para sumayaw kaya napa bitaw ako kay Analita.
Mukhang aliw na aliw silang panoorin kami. Lalo na ang papa ni Analita.
Pagkatapos ng sayaw namin ay kumain muna kami at niyaya ng konting inuman ni kuya Apolonio
"Ang gagaling niyo talagang dalawa sumayaw!"
"Medyo hindi na kasi namin nagagawa kaya medyo na miss na namin."
"Kuya Apolonio...gusto ko sanang umakyat ng ligaw kay Analita."
Naibuga naman ni kuya Flavio ang iniinom nitong tuba (coconut wine/lambanog).
"Hoy! Ano ka ba! Mahiya ka naman!"
Sabi ni kuya Flavio."Hindi Flavio ok lang. Matagal ng nagsabi si Aurelio sa akin na gusto niya si Analita."
"Mabuti pa si Apolonio alam niya."
"Nako pasensya na kuya kasi hindi ko na nasabi dahil kaka kwento mo lang sa akin nun na nabuntis mo si Florentina."
"Buntis si Florentina?!"
Gulat na sabi ni kuya Apolonio"Sshhhh!!!"
"Oh eh kailan kayo magpapakasal?!"
"Sa susunod na buwan siguro. Imbetado kayo ni Analita ah"
"Kuya Apolonio...ang kay Analita?"
"Ay! Sige mamaya samahan kita kay mama at papa. Ako ang bahala sayo"
"Nako ang kapatid ko. Mabuti naman at tumibok na yang puso mong yan."
Mabuti at nakatulong ang tuba sa pag papalakas ng loob ko. Hindi naman ako natatakot dahil mabuti naman ang intensyon ko para kay Analita.
"Magandang gabi po ulit Doctor Cruz, at Misis Cruz. Aurelio Javellana po."
"Oh Aurelio! Napakahusay mong sumayaw!"
"Maraming salamat po."
"Pápá, may sasabihin sana si Aurelio sa inyo." Sabi ni kuya Apolonio.
"Ano yun?"
"Mag...magpapa alam po sana ako sa inyo kung maaari po ba akong umakyat ng ligaw sa anak ninyong si Analita?"
Natahimik ang papa niya. Pinapawisan na ako. Tinitingnan niya ako ngayon na para bang tinitingnan ang buong pagkatao ko. Tiningnan niya si Analita na nakatingin rin sa amin pala.
BINABASA MO ANG
LOLO AURELIO
Historical FictionJune 2010. Angelica's grandfather Aurelio Javellana died. Together with her parents, they unearth an unexpected story as they found an old wooden box in his house with some of his belongings including a lot of letters dated in the years 1942-1944. H...