💘
AURELIO'S POV
Magsisinungaling ako kapag sasabihin kong hindi ako kinakabahan. Hindi ko alam ang gagawin kapag nagsimula na ang digmaan dito sa ciudad. Noong highschool naranasan ko ang C.A.T pero hindi ako natutuwa noon. Kahit natuto naman ako ng disiplina at maging matatag, hindi para sa akin ang pagiging sundalo. Kaya nga nag Agrikultura ako kasi ito yung hilig ko.
Nagdasal muna kami ng pamilya ko bago kami matulog.
Kinaumagahan ay laganap na ang balita na hindi daw totoo ang planong pag atake ng mga hapon dito. Nagbigay pahayag ang isang lider ng mga Amerikanong sundalo dito na sila daw mismo ang magbabalita kapag ito ay totoo. At kakampi daw sila namin pero kinukutuban ako. Ito rin ang araw kung saan idiniklara nila na magbabalik na ang pasukan at may mga guro na Amerikano daw na tutulong sa mga estudyante dito.
Pumunta kami ni kuya sa trabaho. Lahat kami doon ay nag aalala sa aming sasapitin.
"Kuya Apolonio"
"Oh Aurelio"
"Alam niyo na po siguro ang balita"
"Oo...wala namang plano si papa na umalis kami"
"Talaga? Eh kuya paano kung lahat tayo kukunin bilang sundalo?"
"May magagawa ba tayo?"
Hay. Ang lungkot.
"Kamusta si Analita?"
"Ayun pina enrol siya ng papa sa isang livelihood class. Dalawang oras lang naman tuwing hapon. Magsisimula na siya ngayon."
"Ah mabuti naman kung ganun kuya. Maaasahan naman si Analita. Marunong naman siya sa mga gawaing bahay."
"Alam ko naman. Pero hindi yun ang rason kung bakit pina enrol siya ni papa doon."
Pag sabi ni kuya Apolonio ng mga katagang yun, kinabahan na ako bigla.
"Ha? Bakit kuya? Ano po ang rason?"
"Para kung anong oras man na may sumugod sa bahay...may rason para hindi nila kukunin si Analita. Sila ang may hawak ng lahat ng ekswelahan ngayon kaya ok lang. Aurelio marami na ang nag papadala ng mensahe kay papa na kukunin kaming dalawa-ako, na maging sundalo at siya maging stay-in na doctor sa puder ng mga Amerikano. Kaya possible talaga na may digmaan na mangyayari dito."
Hindi ako makapaniwala sa narinig ko. Alam ko naman na totoo ito. Na ito ang realidad ngayon pero ayaw ko lang siguro maniwala.
"Kuya, kung mangyari man...ayokong sumali. Mas gusto ko na lang magtago kasama si Analita."
"Eh paano kapag nahuli ka?"
Hindi na ako nakasagot. Ayaw kong pakinggan at ayaw kong maniwala sa narinig ko. Gusto ko lang naman ng simpleng pamumuhay. Bakit ang hirap makamit yun ngayon?
Agad ko namang sinabi kay kuya Flavio ang kinuwento ni kuya Apolonio sa akin. Mas nabahala ito. Nakakatakot. Sobrang nakakatakot na wala kang alam anong oras ka gagambalahin ng isang kaaway.
BINABASA MO ANG
LOLO AURELIO
Historical FictionJune 2010. Angelica's grandfather Aurelio Javellana died. Together with her parents, they unearth an unexpected story as they found an old wooden box in his house with some of his belongings including a lot of letters dated in the years 1942-1944. H...