Kabanata 9

45 5 8
                                    

💘

ANALITA'S POV

"Analita!!!"
Nag-aalalang sigaw ni papa

"Ayan kasi kung ano ano ang kinakain mo noong nakaraang araw eh!" Sabi ni mama

"Hayaan mo na muna siya ako na bahala dito." Bumalik naman si mama sa sala para mag burda. Kahit kailan talaga si mama oh. Pero iniintindi ko na lang siya.

Pinainom ako ng papa ng maligamgam na tubig. Hinila niya ako sa may kusina. Hinawakan ng papa ang tiyan ko at nagulat ito.

"Pa? Bakit po?"

"Analita...buntis ka??"

"Po???"

"Bu-buntis ka ata eh."

"Ha???"

"Kay---kay Aurelio?"

At ayun naalala ko yung nangyari sa amin sa Tigbauan. Hala Diyos ko po.

"Pa? Pasensya na po"
nahihiya kong sabi at yumuko ako. Pero mas nagulat akong niyakap ako ni papa. Ngumiti ito sa akin.

"Sige tatawagan ko lang si Misis Garde na hindi ka muna papasok."

Niyakap ko ulit si papa.

"Salamat po."

"Kapag ok ka na mamaya, mag bihis ka at ipapa check-up kita sa kasama kong OB Gyne."

"Sige po, pa."

Nako isang beses lang yung nangyari sa amin ni Aurelio at nagdadalang tao na ako agad? Paano to? Wala siya dito sa tabi ko. Hindi ko alam paano sasabihin kay papa na gusto kong sa Tigbauan na lang ako titira kasama si Aurelio at pamilya niya. Pero paano? Nasa puder pa ako ng mga magulang ko. At bawal pa ang bumyahe.

Maya maya pa ay may dumating na sulat. Excited ako kasi akala ko galing kay Aurelio. Pero pag tingin ko ay galing sa tiyo ko na nasa Maynila.

"Pa? May sulat po kayo."

"Salamat, Analita."

Nagpahinga na muna ako at maya maya pa ay sinamahan ako ni papa sa kaibigan niyang doktor.

"Dalawang linggo ka nang buntis, Analita. Alagaan mo ang katawan mo ng mabuti. Bawal ka ng mag suot ng matataas na sapatos. Wag ka ring magalaw kasi ito ang pinaka importante na stage sa isang pagbubuntis. Kumain ka ng marami ha? Bawal ka na rin mag soft drinks, kape at alak. Tsaka bumalik kayo dito sa susunod na buwan. Asan ang ama niyan?" Sabi ng doktor.

Tiningnan ko na lang si papa.

"Ah nobyo niya. Kaso wala na dito sa Iloilo pumuntang probinsya."

"Ay sayang naman."

"Hindi po dok ok naman kami nagsusulatan pa nga po kami. Alam ko hindi pa ngayon pero alam ko magkikita din naman kami."

"Ah mabuti kung ganun. Doc Cruz? Sa susunod na buwan ulit."

"Maraming salamat, Doc. Tagle."

Ngayon habang pauwi kami ni papa, habang hawak hawak ang tiyan ko, halong saya at lungkot ang naramdaman ko.

Pag uwi namin nagulat kami na nandoon si kuya sa bahay.

"Analita!"

"Kuya Apolonio!"

Nagyakapan kami. Na miss ko siya.

LOLO AURELIOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon