Natahimik siya kaya namroblema na ko sa pagbbitbit kahit na hawak ko pa cellphone ko pero bigla siyang nagsalita
"You're still not believing me are you?"
"Manahimik ka nga muna. Pumasok na tayo!"
"Answer me. You don't believe me right?"
"Enrico! Tangina sasapakin na kita ang bigat mo!"
Pagkasabi ko non pinilit niyang tumayo mag-isa at humiwalay sakin
"Hoy!"
Humarap siya sakin and held my cheeks with both his hands
"Enrico! Tara na sa loob anak ng"
"Ma... mahal... kita. To... totoo yon pre. Mahal..."
"Anak ng tokwa! Enrico!!"
Akala ko kanina nawalan na siya ng malay tapos may wisyo pa pala. Ngayon bagsak na talaga!! Ehh doble bigat neto saken ano hilahin ko papasok?!
"Enrico parang awa mo na maglakad ka. Kahit yun lang jusko"
No response. Malamang inaapoy na ng lagnat yung tao Mark, pano pa yan sasagot?!
Pagkatapos ng ilang tigil lakad papasok ng apartment, nadala ko na siya sa sofa. Binagsak ko siya don at inayos ang higa niya
"Napakaano mo kahit kailan! Bwisit!" Inis na saad ko sa walang malay na lalaking to
Kumuha ako ng thermometer agad agad at pagkacheck ko ng temperature niya 39. Umakyat na muna ako para kumuha ng ipapalit na damit niya. Tsaka pampunas na twalya.
Pagbalik ko naman nakaupo na siya kaya umupo ako sa harapan niya
"Di ka ba talaga pipirmi sa paghiga?"
"Ok lang ako."
Tatayo na sana siya ng itulak ko noo niya para mabalik siya paupo.
"Hindi ako makikipag-usap sayo kung di ka magpapagaling at magpapahinga bahala ka dyan"
Tumingin lang siya sakin pero umiwas ako ng tingin at kinuha pamalit niya.
"Oh magbihis ka. Tanga tanga mo nagpaulan ka ba naman inaapoy ka tuloy ng lagnat!"
Kinuha niya yon pero nanghihina siyang tumayo kaya inalalayan ko siya papunta sa banyo. Pagkatapos magbihis pinahiga ko na siya ulit at nilagyan ng bimpo ang noo niya.
Naupo lang ako sa tabi niya at dahil na rin siguro sa sama ng pakiramdam niya ehh nakapikit na siya ngayon para magpahinga.
Nung maramdaman kong parang malalim na yung tulog niya aalis na sana ako para pumunta sa kusina nang malutuan ko siya ng pagkain pero nagulat ako nang may humila sa kamay ko. I got out balanced na napahiga ako sa ibabaw niya
Tatayo na sana ako when he wrapped his arms around me
"Enrico!"
"Please stay..."
"San ako pupunta gago? Eh bahay ko to? Tsk! Bitaw nga!"
"Ayoko..."
Huminga ako ng malalim. Kailangan ko magpasensiya sa may sakit.
"Enrico magluluto lang ako. Babalik ako" kalmadong sabi ko kaya maya maya lumuwag na yung kapit niya saken
"Tsk. Pasaway kahit kailan. Matulog ka na nga muna" sabi ko pagkatayo. I felt him relaxed kaya pumunta na ko sa kusina para magluto
BINABASA MO ANG
This Guy's In Love With You, Pare
FanfictionBest of friends. Kaso lumambot ang puso at nagmahal. Nothing's wrong with it right? Walang masamang magmahal. Walang masama kapag babae at lalaki. Pero bakit pag parehong lalaki, mali? Why is it wrong when I told you that this guy's in love with you...