11

118 8 1
                                    

"Bakit di mo kinausap?"

"Para san pa? Tch"

"You didn't have closure right?"

"Okay na ko. Di ko kailangan ng closure"

"Sigurado ka ba?"

"Thinking about it now, hindi ko naramdaman yung totoong saya kay Merida."

"Ha?"

"Pwede ba wag na nga natin pag-usapan si Merida! I've moved on okay?!"

Nagulat ako sa pagsigaw niya kaya napaatras ako palayo sa kanya

"Hindi mo naman kailangang sumigaw. N-nagtatanong lang naman ako."

Enrico's PoV

"M-magpahinga ka na nga!" Aalis na sana siya sa harapan ko pero hinigit ko lang ulit siya at niyakap. Damn it! Bakit ba kasi lahat sila umeeksena?!

Huminga ako ng malalim bago nagsalita

"Sorry. Naffrustrate lang ako"

"Oo na k-kasalanan ko naman. Sorry. Pahinga ka na dyan"

"Mark... no. Gusto ko lang naman ipakita sayo na ikaw na yung mahal ko. I am frustrated kasi hindi pa pala tayo. Then all these people are popping out of nowhere. Naiinis ako"

"Oo nga. Kaya ka nga sumigaw di ba? Ako pa rin nagsimula. Sorry"

"Hey... wala kang kasalanan. Okay? I get it. Hindi pa nga tayo." Sabi ko at pinaharap siya sakin only to see him looking down

"Sorry... niloloko lang naman kita. I didn't know you'd be angry that way. Sorry"

"Tsk. Mark..."

". Naisip ko lang naman mantrip. Tapos tumawag yung ex mo. Nainis ka lalo. Sorry. Gusto ko din naman na tayo na. Na boyfriend kita-" hinalikan at pinigilan ko na siyang magsalita pagkatapos non

"Damn it Mark. You wanting this. Yun lang gusto kong marinig.  Yun lang"

We spent the day together. Gumaling na din yung lagnat ko. Parang wala naman masyado nagbago. We just grew to be more affectionate now that we have feelings for each other.

"Enrico?"

"Hmm?"

"Pano natin to sasabihin kina tita?"

"Do we have to?"

"Gusto mo ba itago na lang?"

"Of course not. I mean, I'm sure nakakaramdam din sina mama."

"Oo nga. Pero iba pa rin yung ipaalam natin sa kanila"

"Tama ka"

"Matatanggap kaya nila?"

"Hanap tayo ng tyempo. For now, ienjoy na lang muna natin to"

"Sa school? Paano?"

"Anong paano?"

"Enrico, everyone's eyes will be on us if we show affection like this in public"

"So what?"

"Anong so what? Papangit ang tingin nila satin. They'll say things and judge us. Di ko alam kung kaya ko tanggapin yun"

"Mark... LGBT community is present in campus. Madaming mga kagaya natin ang andun. So what kung sumama tingin nila satin, why should it affect us? Hindi naman natin sila sinasaktan di ba?"

"Oo pero..."

"Those judgments won't stop me from loving you okay? Haharapin natin silang lahat magkasama" sambit ko at hinawakan ang kamay niya

Nakita ko siya bumuntong hininga pero hinigpitan lang din ang kapit sa kamay ko. Bahala na kung anong mangyayare bukas.

This Guy's In Love With You, PareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon