Enrico's PoV
Walang text din na kahit ano si Mark. Hindi ko din naman alam yung sasabihin ko, hanggang sa nakatulugan ko na lang.
Nag-ayos na ko ng sarili kinabukasan para maaga makapunta kina Mark. Lagi pa din naman kasi kaming sabay pumasok. Kahit gustong gusto ko hawakan ang kamay niya nilalagay ko na lang sa bulsa ko. Another day pretending... pero iintindihin ko na lang. Hays.
"Nak?"
"Pa?"
"May problema?"
"Wala po."
"Andito lang kami ni mama mo ha? Pakakatandaan mo kahit anong mangyare... tanggap kita. Tanggap ka namin, ha?"
"Salamat pa. Papasok na po ako"
"Sige mag-iingat ka"
"Opo"
When I went out the gate di ko inaasahan yung taong bubungad sakin dito
"Mark?"
Humarap siya sakin and I was even more shocked na siya mismo ang naunang yumakap sakin
"Mark may makakakita" sabi ko as I try to lean away worried about the surroundings, baka mag-overthink na naman to ehh
"Sorry..." sabi niya ng di pa rin bumibitaw
"Ha? Sorry saan?" Sabi ko successfully pushing him away from me
"Sorry kasi... hindi ko mapanindigan sarili ko"
"Ha? Di kita maintindihan Mark?"
"Sorry because I don't want you to be clingy, showy..."
"Sabi ko naman sayo naiintindihan ko di ba?"
"Pero di ka pa rin masaya"
"Sino bang masaya sa pagtatago, Mark? Pero naiintindihan naman kita, kaya nga tinitiis ko"
Tahimik lang siya pagkatapos non. I looked around to see no one kaya I took that opportunity to kiss him.
"Mahal kita okay?"
Mark's PoV
"Ano... andyan sina tito sa loob?"
"Huh? Oo syempre. Gusto mo pumasok? Miss ka na ni mama"
"Pwede ba? May oras pa naman di ba?"
"Para ka naman others. Pasok na don" sabi niya sabay turo sa loob ng bahay tapos sinarado niya ang gate pagkapasok ko
"Oh Enrico napabalik ka- Mark!! Iho bat ngayon ka lang bumalik dito??"
"Pasensiya na po tita... masyado lang marami nangyayari lately"
"Nag-agahan ka na ba? Kumain ka muna"
"Tita... hindi na po... gusto... gusto ko lang sana kayo kausapin?"
I can see a shocked expression on Enrico sa sinabi ko pero sina tito nagtinginan lang bago nagsalita
"Oh siya, tara dito sa salas"
Bahala na. Hindi din naman ako masayang nagtatago kaming dalawa sa dilim. Might as well tell them already.
"Mark ano to?" Bulong niya pagkaupo sa tabi ko pero nginitian ko lang siya
"Ano ba yung gusto mong sabihin Mark?" Tita
Humarap ako kina tita but I looked down at my hands immediately. Nahihiya ako pero bahala na.
"Tita... mahal ko si Enrico" sambit ko not even looking up.
"Mark..."
"Sorry tita, tito. Hindi ako makapagpakita sa inyo kasi hiyang hiya ako. Sa kabutihan niyo sakin, tapos... tapos ganto pala ako. I didn't even notice myself falling for your son"
"Mark" rinig kong sambit ni Enrico at hinawakan ang kamay ko kaya napatingin ako sa kanya
BINABASA MO ANG
This Guy's In Love With You, Pare
FanfictionBest of friends. Kaso lumambot ang puso at nagmahal. Nothing's wrong with it right? Walang masamang magmahal. Walang masama kapag babae at lalaki. Pero bakit pag parehong lalaki, mali? Why is it wrong when I told you that this guy's in love with you...