Mark's PoV
Yumakap na lang ako sa kanya pagkatapos ng halik na yon. We stayed in that position hanggang sa maramdaman kong lumuwag ang yakap niya saken.
Pagkasilip ko mukha niya, tulog na siya ulit kaya tumayo na ko at inayos yung pwesto niya.
Inasikaso ko yung pinagkainan niya bago bumalik sa tabi niya para magbantay.
Hindi ko na lang din namalayan, nakatulog na pala ako sa pagbabantay.
Kinabukasan nagising ako na ako na yung nasa sofa kaya napabangon ako bigla
"Morning" bati ng boses galing kusina. Paglingon ko si Enrico
"Hoy magaling ka na ba? Bakit di mo ko ginising? Nacheck mo na ba temperature mo? Baka mabinat ka dyan, ako na dapat nagluto" tuloy tuloy na saad ko
Lumapit lang siya sakin sa sofa para pitikin ang ulo ko
"Aray! Tsk!"
"Okay na po ako, salamat sa nurse ko"
Natahimik lang ako sa sinabi niya hanggang sa higitin na lang niya ako patayo sa sofa papunta sa hapag kainan
"Kain na po" sabi niya sabay upo sa harapan ko na may kasamang pagtitig.
"Ako lang?"
"Gusto mo sabay tayo?"
"Di yun ang sinabi-"
"Okay waits kuha ako pagkain ko" sabi niya sabay tayo para kumuha ng sariling pagkain
Pagbalik niya tinitingnan ko lang siya
"Matunaw ako niyan sige ka mawala ako sayo"
Napaiwas naman ako ng tingin sa sinabi niya
"So ayaw mo ko mawala? Haha"
"Kumain ka na nga tch" sabi ko sabay subo pero hindi ko siya tinitingnan
Nagulat na lang ako nang iangat niya yung ulo ko mula sa baba
"Hindi ako mawawala sayo. Titigan mo lang ako ng titigan"
"Teka" naputol ako sa pagtingin sa kanya nang maramdaman ko kamay niya
"Mainit pa kamay mo a?!"
"Hindi na yan. Sakto lang haha"
"Enrico sasapakin kita pag may sinat ka pa!"
"Sinat na lang naman! Eto naman oh!"
"Tsk! Mahiga ka nga don!"
"Kain muna tayo please?"
"Pagkatapos neto magpahinga ka uli! Talaga naman tong taong to!"
"Yezzir haha"
"Wag mo kong tawa tawanan nanggigigil ako sayo"
"Mark naman" saad niya bago tumayo at lumipat sa tabi ko "ok na naman talaga ako. Sinat lang to"
"Pag tumaas ulit yang lagnat mo ha? Aber?!"
"Wag ka na magalit. Sige na. Sorry na. Kain na tayo, ha? Magpapahinga ako buong araw promise yan"
Tumingin lang ako sa kanya ng masama pero bumalik ako sa pagkain, naramdaman ko na lang nakayakap na siya sa bewang ko
"Kumain ka na nga"
"Sorry na"
"Oo na kumain ka na. Tsk. Tatawag pa ko sa part time ko"
"Bakit?"
"Sa tingin mo iiwan kitang nilalagnat dito? Edi nagpasaway ka pa? Tch"
He smiled after that kaya bumalik na ko sa pagkain ko
"Kumain ka na nga!"
"Yezzir!"
BINABASA MO ANG
This Guy's In Love With You, Pare
FanfictionBest of friends. Kaso lumambot ang puso at nagmahal. Nothing's wrong with it right? Walang masamang magmahal. Walang masama kapag babae at lalaki. Pero bakit pag parehong lalaki, mali? Why is it wrong when I told you that this guy's in love with you...