Enrico's PoV
"Ano bang sasabihin mo?" Inis na saad ko nang umalis si Mark
"Rico..."
"Enrico"
"E-enrico... I'm sorry. I'm sorry I left you. Hindi ko sinasadya..."
"Are you joking? Hindi sinasadya? Sinadya mong umalis Merida!"
"I need to do that for myself Rico..."
"Hinahayaan naman kita gawin yon di ba? Maghanap ng sarili mo? Pero ano? Iniwan mo pa rin ako"
"Rico... I still love you. I'm really sorry"
"I forgive you, but I don't love you anymore, sorry"
"Wala na ba talaga? Bakit?"
"Anong bakit? Sa tingin mo magmumukmok ako ng ilang taon para sayo?"
"Is it because of Mark? Kailan ka pa pumatol sa lalaki Rico?!"
"Merida. To answer your question, oo, dahil kay Mark. Bakit?! Anong masamang pumatol sa lalaki?! Kung siya naman yung nagstay nung umalis ka?!" Nakakapikon ang tono niya, naiinis ako.
"Pero lalaki kayo pareho!"
"I don't give a fck about it! Wag mo pakialaman ang buhay ko pwede?!"
"Rico!!"
"Wala kang karapatan pagsabihan ako dahil ikaw mismo nanakit saken"
"That's not the point!"
"Whatever your point is, wala na kong pake. Mag-iingat ka na lang. Sana di na tayo magkita" sabi ko bago siya tinalikuran
Mark's PoV
"Baby!!!" Sabi nito sabay kapit sa braso ko
"M-miss di kita kilala! Sino ka ba?!"
"Future mo. Yiie"
"Miss seryoso tanong ko. Sino ka ba?"
"Erica! Erica na mahal na mahal ka!"
Wtf?! Siraulo.
"M-miss ano. Uwi ka na. Wala akong oras sayo ehh" sabi ko habang pilit inaalis kamay niya sa braso ko
"Baby naman ayaw mo ba ko makilala??"
Ayaw. Di kita trip hoy.
"Miss."
"Mark!" Napalingon ako sa likod only to see Enrico running
"Oh tapos na kayo mag-usap?" Tanong ko pero matalim ang titig ni Enrico sa braso ko na sinusubukan ko pa rin alisin kamay netong baliw na babaeng to.
"Miss. Ang cheap mo tingnan sa ginagawa mo alam mo yon?" Panimula ni Enrico
"What?!"
Inalis niya yung kamay ng babae sakin sabay higit sakin paalis
"Hoy!!"
"Umuwi ka na! Malapit na curfew!" Sigaw ni Enrico ng di nililingon yung babae
"Hoy problema mo? Tama na nga kakahila!" Sabi ko sabay higit ng braso ko
"Sino yon?! Napatalikod lang ako may kausap ka nang babae?!"
"Ay wow. Teka lang ha? Hindi ba obvious na tinatanggal ko kamay niya kanina? Anong akala mo sa feelings ko shifting?"
Nakakairita yung tono niya. Akala mo may ginagawa akong masama.
"Eh bakit kapit na kapit sayo?"
"Aba malay ko! Sana tinanong mo bwisit ka pala" sabi ko sabay sama ng tingin sa kanya at nilagpasan siya.
Pinagbigyan ko na ngang makausap ang ex ngayon galit pa ng walang rason? Parang tanga ha?
BINABASA MO ANG
This Guy's In Love With You, Pare
Hayran KurguBest of friends. Kaso lumambot ang puso at nagmahal. Nothing's wrong with it right? Walang masamang magmahal. Walang masama kapag babae at lalaki. Pero bakit pag parehong lalaki, mali? Why is it wrong when I told you that this guy's in love with you...