CHAPTER 3: FIRST MEET (2)

29 5 0
                                    

Obri's Pov

"S-sure! You two can join us" nauutal na sambit 'ko sakanya.

Sinapa naman ako bigla ni ate Lex. Papansin moment 'ko 'to eh. "Sige, wait for me tatawagin ko lang siya then oorder na kami"
sabi nito. "S-sige" nauutal pa rin ako, hindi 'ko alam kung bakit.

"Hoy babae! Ano na? 'Di kana nakagalaw jan ah HAHAHAHA!" pinagtawanan nila ako ni ate Lex. Bwisit, napaka cute kasi nung ni Gio eh. Pero ayun tatawagin niya daw muna yung friend niya.

Gio's Pov

Pabalik na ako sa pwesto namin ni Troy para ayahin siya kasi pumayag yung Aubrey. "Yes Mr. Giordan?! bungad sa akin ni Troy.
"Akala ko papakasalan mo na eh HAHAHA!" pang aasar niya nanaman. "Wag ka ng maraming satsat halika na!" ang daming alam eh. "Oo na, ito naman highblood agad chill ka lang bro!"

Nakabalik na kami sa pwesto nina Aubrey. Kaya nagdecide na 'ko na umorder muna. Tatayo na sana ako ng biglang "Bro, ako na oorder. Just stay here na lang." sabi niya at sabay tapik sa balikat 'ko. Jusko bwisit. Nilakihan ko siya ng mata. Nanatili kaming tahimik hanggang sa makarating si Troy.

"So, let me introduce my self to you girls hehe. I'm Troy!" pagpapakilala niya sabay ngiti dun sa tatlo. "Sanay na sanay" bulong ko sakanya at bigla niya akong siniko sa tagiliran.

Nagpakilala naman agad yung nakaglasses na girl. "I'm Gayle Michaella! Gayle na lang for short" ngumiti naman ito kay Troy. "And you?" tanong ni Troy dun sa isa. "Lex" maikli nitong sagot.
"Uh, nice to meet you!" -Troy. "Nice to meet you too!" sabi nung Gayle. Pero yung isa tumango lang.

"Taga dito ba kayo sa tagaytay?" tanong ko sakanila.

"Uhm hindi, bakasyon lang kastress exams eh" -Aubrey

"Really? Were also here to chill, alam mo na schoolworks" sagot ko sakanya. "Hanggang kailan kayo dito?" tanong ko ulit.

"Sunday.." sagot niya ulit sakin. "Oh same"

Obri's Pov

"Hanggang kailan kayo dito?"  tanong ni Gio sa  akin.

"Sunday.." sagot ko sakanya. "Oh same" sagot niya. Weh? Sml? Charr. Cute naman siya kaso mukhang hindi matino HAHAHA ang judgemental ko diba?

It's already 6:30pm. Magdidilim na rin kaya nag aya na akong magcheck in na isang resort or hotel. "Uhm, una na kami magdidilim na baka biglang umulan" pagpapaalam ko sa dalawang lalaking kanina pa namin kausap. Masarap naman sila. Kausap ha. "Hatid na namin kayo" sabi nung Troy. "No, it's okay may dala naman kaming car." sagot ni ate Lex sakanya. Tahimik si ate Lex kanina pa sasagot lang siya kapag tinatanong siya.

Ate Lex kasi she's into girls. Pero support namin kami sakanya kaya no problem. Kung anong mapagpapasaya sakanya dun kami. Siyempre para na kaming magkakapatid sa tagal na naming magkakakilala. "So, mauna na kami!" sambit ko. "Ingat sa pag dadrive ha" sabi sa akin ni Gio. Ang harot ha, wag ako baka pakasalan kita. charooottt
.
.
.
.
Were on our way papunta sa resort na pagchecheck-inan namin, napakapunta na kami dito kaya alam 'ko na ang daan. Of course ako ang drive. Pagod na kasi daw si ate Lex. Napagod pa eh wala namang ginawa. Tamad talaga.

"Chateau Royale Hotel Resort and Spa"

Yan ang nakapaskil pag pasok pa lang namin ng entrance. Nahirapan ako sa pagpapark dahil wala na kaming mahanap na parkingan. After nun nagcheck in na kami, buti na lang may dala akong extra money kung hindi mapapa utang pa 'ko kay Gayle ng wala sa oras. Kuripot pa naman.

Papasok na kami ng elevator and papunta na sa room namin. Napagod rin ako kanina 'no hays. Siguro magshshower na muna ako at magpapahinga before dinner.

Dito na kami room, at natatae ako. Siguro dahil sa pag inom ko ng frappe kanina. Kainis. "Gayle!! Bilisan mo naman!" sigaw dahil hindi ko na talaga mapigilan. "Ano ba yon?! Puta." sagot nito sa akin.
"Natatae na 'ko tanga!" sagot ko. Taeng tae na ko shet. "Eto na!"

Paglabas niya pumasok na 'ko kasi natatae na 'ko bwisit. Pagkatapos, nagshower na ako. Tapos na din si ate Lex kanina pa.

"Tara na" aya ko sa kanila. "Saan punta? Kay Gio?" tinignan ko lang ng masama si Gayle. "Eh ikaw? Binigay mo pa nga number mo dun sa Troy eh" sabi ko sakanya sabay irap "Pake mo" sagot niya. Ganito talaga kami mag usap heheheh.

"Nagugutom na 'ko, bilisan niyong dalawa" -ate Lex.

Si ate Lex kasi yung tipo ng tao na mabilis kumilos. Parang 5 minutes tapos na yan eh. Ayaw niya ng mabagal, kaya kapag nagtatravel kami or may pupuntahan na importante palaging maaga para hindi mahighblood ang ate Lex sa kabagalan namin HAHAHHAHAHA.

Nasa baba na kami ngayon at papunta sa place kung saan kami magdidinner. Naghanap na din kami ng pwesto at sa bandang dulo kami nakahanap. Daming tao eh. Itong resort na 'to favorite talaga namin kasi nandito na lahat hehehe. Ako ang pinaorder nila syempre tamad eh.

Matapos 'kong umorder, wala pa pala kaming tubig. Kainis na talaga hindi na 'ko natutuwa charr.

Pabalik na 'ko ng biglang may nakabangga sa akin na lalaki. At natapon sakin yung tubig na dala ko buti na lang konti lang at nabitawan 'ko agad.

"Oh shit! Sorry miss...."


-❤

Our FightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon