CHAPTER 10

9 3 0
                                    


Bago dumating yung kameeting namin ay ang tagal. Pero wala si Gio. Dalawang tao lang ang dumating.

"Okay so, i am Gino Mendoza, and i am the owner of two companies named GMC Corp."  pagpapakila nya sa amin.

Dalawa? Ang yaman naman nila.

"So? Bakit ka nagpatawag ng meeting Mr. Mendoza what's the purpose?" tanong mommy. Nakikinig lamang ako pero naboboring na talaga ako.

"Me and my son. Gusto naming makipagsapi sa inyo ng kompanyan. Because we heard that your company is one the richest company." sabi nya.

Dalawa na nga company nyo makikipagsapi pa kayo grabe ha. charr

"Actually, we have three companies." wow. Pero po wag po masyadong ipagmayabang.

"Yung isa sa anak ko. Dalawa sa akin" tatay mo nga sya Gio.

"Eh bakit ikaw at ang assistant mo ang nandito? Where's your son?" bakita parang galit si mommy sakanya. Hindi ako nakakapagsalita dahil di 'ko rin naman alam kung anong sasabihin 'ko.

"Malalate daw sya ng konti. Let's just wait for him" mommy naman ba't mo pa kasi tinanong. Bigla nanaman akong kinabahan. Bakit pati Gio?

Ilang minuto lang ang pag uusap nila ng dumating na sya.

"Hi dad" malamig rin ang pakikitungo nya sa daddy nya. Ano bang meron nalilito na ako.

Halatang halata sa mukha nya ang gulat ng makita nanaman ako.

"H-hi i'm Gio" pagpapakilala nya at kumamay sa bawat isa samin. Kung pwede lang umalis na lang edi dapat kanina 'ko pa ginawa.

At sa pang apat na pagkakataon nagkita nanaman kami.

Sadyang pinagtatagpo kami ng tadhana. Hindi 'ko maintindihan. Lalong gumugulo.

Ako na ang kakamayan nya. Hindi rin ako mapakali. Jusko naman.

Napaka lamig naman ng kamay nya halatang kinakabahan sya ha. Ng kumamay sya sa'kin bigla nanamang kumabog ang dibdib 'ko. Nakakainis.

Ngumiti lamang sya ng pilit ng tinawag sya ulit ng tatay nya sa harapan. Mukhang ayaw nya talaga. Ano bang meron.

~~~~~~

9:30pm na natapos ang meeting. Nag usap lang naman sila tungkol lang naman sa kompanya. At nagpirmahan lang mga papel.

Pero kanina mukhang nagdadalawang isip si Gio na pumirma. Tinignan nya muna yung papel bago ito pumirma. Parang hindi sya sigurado.

Dalawang papel lang ang napirmahan 'ko. Kay mommy ang iba pero hindi naman ganoon karami.





Dito naman muna ako sa bahay. Ilang linggo na din akong hindi nakakauwi. Si mommy naman wala pa. May aayusin lang daw sya.

"Ano pong ulam manang?" tanong 'ko kay manang Beth. "Ah adobo neng, sandali at ipaghahanda kita" matagal na naming maid si manang Beth simula nung namatay si daddy kinuha na sya ni mommy kaya naman para na din namin syang pamilya.

"Ito na neng kain ka na" ngumiti sya sa'kin pagkatapos nyang ihain ang pagkain ko. Ngumiti rin ako sakanya at nagpasalamat.

Pagkatapos 'kong maghapuna. Nagpahinga muna ako bago magshower. Mahirap na baka malamigan pa.

Nanood muna ako ng tv at biglang may news.

Breaking news......

Isang magkasintahan ang nasalpok ng truck...

Sugatan lamang ang dalawa ngunit ang isa ay kritikal.....

Naitakbo naman sila agad sa pinaka malapit na hospital......

Kotse ni Gayle ang nasa news. Kinabahan ako at tinawagan si ate Lex.

'Wag naman sana Gayle.

Bago 'ko pa man matawagan si ate Lex. Biglang nagchat si Gio.

Message from : Gio....

  : Aubrey! Si Troy at Gayle naaksidente! Please come here imediately.

Tang ina Gayle bakit.

Agad naman akong nagbihis hindi na 'ko nakapag ayos ng sarili. Wala na akong paki. Kailangan ako ng kaibigan 'ko!.

"Ineng saan ka pupunta?" tanong sa'kin ni ate Beth pero hindi na ako nakasagot dahil iniisip 'ko kung anong nangyari kina Gayle.

Gamit 'ko ulit ang sasakyan ng kapatid 'ko.

Message from : Gio....

: Nasa hospital na kami. St. Lukes. Bilis.

"Shit!" sigaw 'ko at buti na lang walang traffic.

Mabilis ang pagmamaneho 'ko kaya nakarating ako agad sa sinabi nyang ospital.

Pagpasok 'ko palang nakita 'ko na syang nakaupo sa 'di kalayuan. Nakayuko sya at namumula.

"Gio!" hindi 'ko alam pero napayakap ako sakanya sandali at napaiyak na lamang.

"Asan sila? Nasaan si Gayle?!!" halos sumigaw na 'ko.

"Nasa na OR si Gayle" sagot nya at mas lalo akong kinabahan.

Hindi 'ko na nagawang papuntahin si ate Lex dahil hindi 'ko alam kung anong uunahin 'ko.

"ANONG OR?! NASAAN SI GAYLE?!!!" sumisigaw na 'ko. "Aubrey please! Calm down! Inooperahan sya at napakalakas ng pagkabunggo nila."

Hawak hawak nya braso 'ko at sinusubukang pakalmahin ako. Pero hindi gusto 'kong makita si Gayle.

Piniglas 'ko ang pagkakahawak nya sa akin at tumakbo patungo sa OR.

Nakaakyat na ako at nakitang may ipinapasok sa room ba yon. Mukhang si Gayle yon.

"GAYLE!?!" sinubukan 'ko syang sundan sa loob pero pinigilan ako ng mga doktor na makapasok. Nakasunod pala sa akin si Gio.

"Bitawan nyo 'ko! Kaibigan ko yun eh!" hindi nila ako binitawan hanggang sa mahawakan nanaman ako ni Gio.

"Bakit hindi mo sila niligtas!"

Our FightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon