Gayle's PovFlashback>>>>>>
"Ang sabi namin sayo ay hindi pwede!! Bakit ba ang kulit kulit mo?! Dalawang beses na Gayle dalawa na!" sigaw ni mommy sa'kin
"Bakit po ba parang hindi ako pwedeng sumaya?! Palagi na lang ganito! Wala akong kalayaan!" hawak hawak lang ni Troy ang kamay 'ko at wala syang imik.
"Sino ka ba?! Anak ka lang naman namin ha?!" sigaw nya ulit.
"Oo, anak nyo nga 'ko. Pero kahit isang beses hindi nyo ko pinabigyang sumaya! Pinadala nyo pa 'ko sa ibang bansa para lang mailayo ako sa mga kaibigan ko! At anong palusot nyo?! Na para makapag aral ako ng mabuti?! Paulit ulit na lang mmy! Ayoko na sawa na ko!!"
Tumakbo na kami ni Troy dahil alam 'kong pipigilan nanaman nila ako kami.
Mahal ko si Troy at alam 'kong mahal nya rin ako kaya lalayo na kami. Nang kaming dalawa lang wala ng iba.
"S-saan tayo pupunta?" ramdam 'ko sa tono ng boses nya ang sakit.
"Magtiwala ka lang sa'kin, hindi kita iiwan" ngumiti ako ng pilit sakanya.
Naalala 'ko nanaman ang mga sinabi ng mga magulang 'ko kanina kaya't napabilis ang pagmamaneho 'ko
"Pabigat ka na nga lang dito tapos ganyan ka pa?!"
"Sige lumayas ka! Pero siguraduhin mong hinding hindi ka na namin makikita!"
"Your just a dissapoinment in this family!"
Naiiyak nanaman ako. Hindi 'ko alam kung bakit ganito nila ako ituring. Pamilya pa ba 'ko?
"GAYLE MAAKSIDENTE TAYO!!!" sigaw ni Troy dahil hindi 'ko napansin ang truck na kasalubong namin dahil sa kakaisip.
Napaka bilis ng nangyari. Naimulat 'ko pa ang mata 'ko pero nakita ko na lang si Troy na nakahiga at halos maligo na sakanyang sariling dugo.
Kasalanan 'ko 'to.......
Patawad mahal......
"Time of death 6:35pm"
Hindi 'ko alam ang mga nangyari. Nagising na lamang ako ng makita 'ko ang sarili ko. Walang buhay. Pinipilit nilang ibalik ang pulso 'ko pero wala na.
Nakita 'kong nasa labas ang mga kaibigan kaya't pinuntahan 'ko sila.
Ngumiti ako at yumakap kahit na hindi nila mararamdaman iyon.
"Mag iingat kayo ha....." sambit 'ko kahit wala na silang maririnig mula sa'kin.
"Tumugil na kayo ampapangit nyong umiyak" ang bigat bigat sa pakiramdam na makita silang nagkakaganito ng dahil sa'kin.
"Sinubukan 'kong lumaban...." nakatitig lamang ako sakanila.
"Patawad at hindi 'ko kinaya....."
"Paalam......" nakakita na 'ko ng napakagandang liwanag kaya't pinuntahan 'ko ito. Ito na ba yun. Ito na. Hanggang dito na lang.
Pasensya at ang aga aga ko kayong naiwan. Ipangako nyong itutuloy nyo ang pangarap natin. Kahit wala na ako.
End of flashback<<<
Obri's Pov
Tila tumigil na ang mga doktor. Hindi. Hindi pwede.

BINABASA MO ANG
Our Fight
FanfictionAubrey Mari Reyes is the daughter of Maximmo Reyes who died a year ago Maximmo Reyes is the owner of a company named "ReyesCorp." This is one of the richest companies Giordan Mendoza is the son of Gino Mendoza Mayabang ang tatay niya dahil ba rin...