CHAPTER 6

15 3 0
                                    


Obri's Pov

Last day....

Last day nanaman at puro stress nanaman pagdating sa manila.

Lalo na si mommy palagi akong pinapatawag sa office kapag wala yung assistant niya.

Kung nandito pa sana si Dad edi sana.....

"Hoy! Tulala ka nanaman!"  ukininam gayle.

"Ano ba?! Sad hours eh." sagot ko sa kanya.

" Luh? Bakit? "  tanong niya sa akin. "Hindi kasi nakita si fafa Gio eh HAHAHAHA!"

"Magbihis ka na lang dami mong alam!"  tapos na kasi ako magbihis and hindi ngayon maaga kasi pinatay ko ang alarm ni ate Lex HAHAHAHA. Mabait ako eh

And speaking of Gio.

Nasa kanya ang number ko ha. Hindi man lang nagtext or tumawag. Ano na? Wala talagang ganap? 'Di mo man lang ako namiss. charot

"Bilisan mo na jan Aubrey! Tanghali na di man lang nag alarm yung phone ko walang kwenta!" di niya alam pinatay ko yun kagabi HAHAHAHAHA.

"Teka lang! Ano magwiwisik wisik na lang ba 'ko?" sagot ko naman sakanya.
.
.
.

Umorder muna kami ng food bago umalis. Sa biyahe na lang kami kakain para 'di kami gabihin.

After 30mins dumating na yung inorder naming Mcdo. Naks. Sayang wala si Ellie pabotiro niya pa naman 'to.

Bago kami umalis sa resort nagpicture muna kami para naman may memories na babalikan.

"Alas kwatro na?" sabi ko. "Oo ang bilis niyo kasi kanina grabe" hehe sorry na te Lex.

Para kasing matanda si ate Lex eh ang aga matulog at ang aga din magising.






Kakarating lang namin sa manila at agad agad akong pinatawag ni mommy. Oh diba sabi sa inyo 'di pa ko nagpapahinga ang anak mo mmy. Pero okay lang para din naman sa amin 'to ng kapatid 'ko.

By the way, may kapatid ako. And mas matanda ako sakanya.

He's name is Max. Maximmo Reyes II.

Yes, pinangalan siya kay daddy.

Napaka bata pa namin noong nawala si daddy.

8 years old ako . 5 lang siya and wala pa siyang alam sa nangyari.

Kaya palaging niya kaming tinatanong kung nasaan ang tatay namin. Hindi namin maikwento dahil alam naming masasaktan siya.

FLASHBACK

Pauwi na kami mula sa province ng lola ko sa Nueva Icija.

Naka inom si daddy that time.

"Ako na magdadrive hon nakainom ka eh"  sabi ni mommy sakanya.

"Hindi. Kaya ko hindi ako lasing" pagmamapilit ni daddy.

Hindi na sumagot si mommy kasi alam niyang mabilis magalit si daddy kapag lasing or nakainom.

Kabadong kabado ako dahil mauga ang pagdadrive ni daddy.

Nagulat na lang kami ng biglang.....

"Nasaan ako? Mommy!?!" sigaw ako ng sigaw dahil ang tanging nakikita ko lamang ay ilaw, maliwanag na ilaw na nakatuktok sa akin.

"Anak..." narinig ko na si mommy kaya kaagad siyang hinanap ng mga mata 'ko.

"Anak, wala na ang daddy mo...." saad niya sa akin ng nakangiti ngunit tumutulo ang kaniyang luha.

"A-ano po??" hindi 'ko na rin napigilan ang luha 'ko ng makitang ganito ang mommy ko.

Ang sakit.....



Sobrang sakit.....

END OF FLASHBACK

"Anak, finally you're here na" bungad niya sakin pa pasok na pagpasok 'ko pa lang sa office niya.

"Si Gayle, kamusta?" tanong niya sa akin.

"Pauwi na sila mmy, hinatid lang nila ako dito ni ate Lex"  sagot 'ko sakanya.

"Nag lunch kana ba anak? Here oh may food pa 'ko hindi 'ko pa nakakain" pag alok niya sa akin ng pag kain niya. " Ano yan mmy? Okra? Eww" sagot ko ng makita ang laman ng tapper wear na yon.

Oo maarte ako.

"Oorder na lang ako sayo na lang yan hindi ka po yata kumakain" sabi ko

"Okay, late magprepare ka dadating ang tutor mo para sa pagnunursing mo" bigla niya namang sabi.

"Ha? Mmy tutor?" sabay tanong ko. Seryoso ba 'to? Tutor??? Ano ako elementary? Sorry na mmy god bless. "Yes, why? May problema ba anak?" sabi niya sa akin. "Huwag na mmy. Kaya ko naman na, anak mo yata 'to oh!" sambit 'ko sakanya at bigla naman siyang natawa.

"Are you sure?" bigla naman siyang naging seryoso. "Yes mmy"  sagot 'ko. Alam 'kong ayaw niya ang isinagot 'ko kaya hindi siya nagsalita.

"Okay, ganito na lang. Since tuwing tuesday and wednesday naman ang sched 'ko dito sa company tuwing after na lang ng work mmy" sabi 'ko at tumango naman siya.
.
.
.
.
.

Incoming Call : Gayle....

: Oh? Napatawag ka?

Ano nanaman kayang kailangan nito.

: Saan ka matutulog?

: Sa inyo....

Kina Gayle naman ako palaging natutulog kasi pareho lang kami ng sched and same section din.

: Sa sofa ka ha.

: Anong sofa? May kama naman ah?

Damot.

: Sige na may pupuntahan pa 'ko

Call Ended....

Aba bastos. 

Papunta dapat ako kila Ellie para sunduin siya papunta mamaya kila Gayle.

At nakita ko ang gaga may kasama.

"Gayle?!" hindi gaanon makita ang lalaking kasama niya pero alam 'kong kilala 'ko 'to.


Omyghad








-❤

Our FightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon