CHAPTER 11

13 4 0
                                    


Okay, sorry ang ikli nun HAHAHA.

Nagloloko ang keyboard eh ayaw makisama.

But, eto na yung continuation

- peace


~~~~~~

"Bakit hindi mo sila niligtas!" sabi 'ko sakanya habang hinahampas ang dibdib nya.

"Sorry, wala akong nagawa..." hinahayaan lamang nya 'ko na hampasin sya hanggang sa niyakap nya 'ko.

"Tahan na, magiging okay rin sila shhhh.." pagpapatahan nya sa'kin.

Nakalma na ako pero umiiyak pa rin.

Isinandal nya ang ulo 'ko sa balikat nya.

Nang mapatahan nya ako, dun na lamang nagsink in sa utak 'ko na kanina pa kami magkayakap kaya bumitaw na 'ko sa pagkayakap nya.

"Are you okay?" mahinahon nyang tanong sa'kin. Napakalambot nya sa ganitong mga bagay. Ibang iba sya kesa dun sa nakilala 'ko dati.

Tumango lamang ako at umupo para mag isip. Umalis sya, hindi 'ko alam kung saan sya pupunta.

Alas dos na ng madaling araw pero hindi pa rin lumalabas ang doktor. Ano na kayang nangyayari.

Dumating si Gio at may dalang kape. Inalok nya sa'kin yung isa at kinuha 'ko ito.

"N-nasaan ang kaibigan mo? Bakit wala sya?" tanong 'ko sakanya.

"Nasa private room na at nagpapahinga. May sugat lang sya sa ulo. At may pilay sa kaliwang binti..." buti pa sya.

Bakit kailangang si Gayle pa......

Sana ako na lang para hindi na nahihirapan ang kaibigan 'ko ng ganito....

3:15am ng lumabas ang doktor.

"D-doc kamusta po ang kaibigan 'ko?" tanong 'ko sa doktor na kaharap namin ngayon. Pinipigil 'ko ang luha pero ang hirap. Sobrang bigat ng nararamdaman 'ko.

"Sobrang lakas ng pagkabunggo nilang dalawa pero kasi sya ang nasa driver seat kaya sobrang lakas din ng pagkahampas ng ulo nya sa manibela. Kailangan lang namin syang imonitor ng 24/7 kaya hindi pa pwedeng lumabas sya dito." naluha ako sa sinabi nya. Bakit Gayle anong ginawa mo.

"And rin nyang magising within 24 - 48 hours. Kung hindi maaaring mauwi sa coma, excuse me" hindi pwede Gayle lalaban ka. Alam 'kong kaya mo.

Pumasok naman ako sa loob ng room kung nasaan sya. Napakaraming nakasaksak sakanya.

Hindi 'ko kinakaya na makita ang kaibigan 'ko na nakaratay dito. Sobrang sakit. Pero sinubukan 'ko pa ring lumapit.

"G-gayle..." hinawakan 'ko agad ang kamay nya. Naiiyak nanaman ako.

Si Gio nasa labas lang nakasilip.

"Lalaban ka ha...." bulong 'ko sakanya. At ito nanaman ako umiiyak. 

"Hindi pa p-pwede..... Kailangan ka pa namin.." nakatigtig lang ako sakanya. Napaka putla ng labi nya. Alam 'ko namang lumalaban sya pero hindi pa rin ako mapalagay hangga't hindi sya nagigising.

Pumasok na si Gio para patahanin ulit ako at hinayaan 'ko lamang sya.

"Nandyan ang kaibigan mo sa labas..." sabi ni Gio sa akin kaya't napatingin ako sa labas.

Si Ellie.....

Lumabas ako ng makita 'ko sya.

"Ellie..." yumakap sya sa'kin kaagad ng makalapit ako sakanya.

Our FightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon