Chapter 12

18 1 0
                                    

Chapter 12
Room 240

Natauhan ako mula sa pagkakatunganga sa mukha ni Kelly nang mambusina ang sasakyang nasa likuran ko.

Mabilis na hinarurot ng lalaki ang kotse nang nakatabi na ako sa sidewalk.

Naalis na rin sa malaking TV ang mukha ni Kelly at ibang model na ang nakapalabas doon.

"Oh, my gosh. Kelly."

I will think this as a good news.

Finally, I have one person that I know here.

Ang problema lang ay hindi ko alam kung saan ko siya mahahagilap.

Klin Co.

'Yon ang brand na narinig ko mula sa ineendorse niyang inumin.

Tila ba kumislap ang mga mata ko nang makita ko ang pangalan ng isang building kung saan nakapaskil ang TV na kanina'y pinapanood ko.

'Yon ang brand na narinig ko sa commercial kanina. Marami na rint tao ang lumalabas mula sa malaking building dahil siguro gabi na.

Wala akong ideya kung anong oras na at kung saan ako matutulog.

Isa lang naiisip kong solusyon.

Si Kelly.

He will always help me no matter what, at alam ko na ang sikreto niya. Alam pala niya ang tungkol sa planetang earth-like na ito pero never man lang niyang nabanggit sa'kin. Nakuha pa niyang maging model.

Hays.

Sana all na lang ako.

Pero, wait.

Does that also mean meron akong chance na magkaroon ng trabaho dito as a model?

Hihingi na lang siguro ako ng tulong sa kaniya para naman magkaroon ako ng trabaho at mabuhay ang sarili ko.

"What the--" napahawak ako sa'king tiyan dahil kumulo ito. Oh, well. Hindi ko na naalala pang kainin ang mga natirang pagkain sa loob ng zipped na plastic dahil sa pagkamangha ko sa nakita kong commercial ni Kelly.

Basang-basa pa rin ako dahil sa ulan kaya't tumakbo ako palipat sa building habang hawak-hawak ang pagkain na dala ko at pumasok na rin ako sa building na ang pangalan ay Klin Co.

Nagpahangin ako sa tapat ng aircon at kinapalan ko na rin ang mukha kong ilagay ang isang upuan para matuyo na ang damit ko.

Lumingon ako sa isang hallway kung saan nagsisilabasan ang mga tao, nagbabakasakaling makita kong lumabas doon si Kelly. Tila ba parang mga model din ang mga nanggagaling doon dahil sa tangkad ng mga babae at lalaking naglalakad papalabas sa isang glass door na opisina. They all have good looks.

Ipinagpag ko ang aking damit at sinuklay ang buhok ko gamit ang aking dalawang kamay.

I slowly walked towards the hallway and when I finally reached it, I saw him walking out from the glass door, wearing a black polo with floral designs. Nakabukas ang tatlong butones ng kaniyang polo kaya't sobrang hot niyang tignan. Naka-pantalon din siya at naka-sunglasses pa rin kahit na gabi na.

Kinagat ko ang labi ko para mamula, wala naman akong binaon na lipstick, kaya't DIY na muna ang gagawin ko.

"K-Kel, Hey.." bigkas ko nang makadating siya sa harapan ko, pero hindi niya ako nakuhang pansinin. "He-llooo.."pagpaparinig ko pa at sumunod sa paglalakad niya.

"Stop." He said and continued walking.

"H-Huh?"

"There are people here, go to our place."

Sorry, I'm not her.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon