31

402 20 0
                                    

"Since you set yourself as the bait... What is your plan, young lady" ani Celestino sa akin ng naging kalmado na ang lahat.

Napatingin ang mga ito sa aking direction waiting for me to speak. Huminga ako ng malalim at hinaplos ang sinapupunan ko mula sa ilalim ng mesa sa dinning area ng Yvangelin Mansion.

"I want to face Rosette...personally. She is a criminal at larged now... And I am sure she's thinking ways how to get even to me. She thought I did every work that she got busted, revealing her dirty works... Ako ang target nya. It will be two birds in one stone for her. Revenge and she will also have what she wants from Nolve." seryosong panimula ko. Ramdam ko ang pagtutol ng mga ito roon.

"Are you crazy, Chaos?!" bulalas ni Serene sa akin dahil sa narinig. "You're pregnant for Pete's sake! You're risking you and your baby's safety!" dagdag pa nito.

"This is the only way to catch Rosette, Serene and to end this madness!" giit ko rito.

"You can't be serious about this, Chaos! Banketi will be gone mad if he'll found out about your plans!" anito sa frustrated na tono.

"I know about her plans, Serene. And I am pretty sure that she knows what she is doing. Let her have her chance to fight for her own family... Let's support her." hindi makapaniwalang napatingin ang kapatid ko sa bagong dating naming ama. Kasunod nito si uncle Zues na seryoso ang mukha. As I expected, our grandfather won't show his support for this one.

"Your grandfather is working on something, kaya wala siya rito. While Great Jacqueline can't come for she will be looking after the Power Houses." ani Banketi.

"I thought you wouldn't make it, balae." ani Celestino sa aking ama sa malamig na tinig.

"This is my eldest fight... Balae. And I won't let her do it alone." ani banketi sa ama ng asawa ko. "Let's get this over now. Since my daughter threw the golden apple to bring chaos to that crazy woman's world."

---
"Manay...okay lang po talaga ako..." saad ko kay Manay na alalang alala sa akin matapos kong magduwal sa kitchen sink. Really... Mas palala ng palala ang morning sickness natin, lil bean.

Inalalayan ako ni manay paupo sa dinning. Umalis ito saglit at pagbalik ay iniabot nito sa akin ang tsaa at crackers. Nagpasalamat ako rito. "Inalis ko na ang sinangag. Pasensya na at makakalimutin na ang matanda" anito with humor. I smiled at her as I took a sip on my tea. I felt nauseous when I smell the garlic rice. Hindi talaga gusto ni lil bean iyon.

"Okay na po ako manay..." pagaassure ko rito. Manay volunteered to prepare foods for me personally bilang parte ng pag-iingat namin. All supplies will personally delivered by Clara and Aljeandro every after 3 days. Chinecheck ako palagi nina Rebel at Serene thru facetime using pre-paid sim  and untraceable accounts.

Nolve sent a message telling me to keep safe and wait for him a lil bit more. I cried hard upon reading that message. I miss him so much. I want him beside me during my morning sickness... Check ups and I am hoping that he will be with me while giving birth with lil bean. Gusto kong maranasan nya ang lahat ng iyon ngayon dahil hindi nya naranasan iyon kay Solanja.

Nang maging maayos ang pakiramdam ko ay ginawa ko na ang morning routine ko. Nagpaalam ako kay manay na maglalakad-lakad muna sa may dalampasigan. Noong una ay ayaw nitong pumayag dahil sa hindi maganda ang gising ko and it's only 4:45 in the morning but I insisted. Dito lang naman ako sa tapat ng resort at hindi lalayo... Ginagawa ko naman ito simula ng bumalik ako ng isla dahil sobrang aga akong nakakatulog at nagigising kaya naman naging routine ko na rin ang paglalakad-lakad as exercise.

Paglabas ko palamang ng apartment ko ay pakiramdam ko'y may nakasunod ng tingin sa akin. Just like how I felt everytime na nasa labas ako. Hindi ko na lamang pinansin at nagpatuloy ako sa paglalakad.

The island is unusually quiet. Wala akong naririnig na mga bangka at wala rin ang mga kababaihan sa dalampasigan na naghihintay para sa mga mangingisda nilang kabiyak o nobyo. Nangangalit din ang hampas ng mga alon sa dalampasigan at mga batuhan sa di kalayuan. Mukhang nagbabadya atang malakas ng ulan. May bagyo ba? I continue walking along the shore while playing with my wedding ring and engagement ring. Napanguso ako dahil nakaramdam ako ng pangungulila kay Nolve at Solanja. Hinaplos ko ang aking sinapupunan at dinama ang munting buhay na naroroon.

Lil bean...kumusta na kaya ang papi at ate bunso mo? They are fine right? Konting tiis na lang anak... Makakasama rin natin si papi at ate bunso. Kapit ka lang anak.

The harsh wind touched my skin... My hair danced with it. The weather isn't calm at all... Like it is giving me a warning to something bad coming along...

Napatingin ako sa paligid ng maramdaman kong may mga matang nakamasid sa akin but I found no one.
Napagdesisyunan kong maupo na lamang sa sun lounger kung saan ako laging nagstay tuwing tutungo ako rito. Nakaramdam na ako ng pagod at konting hilo kaya kailangan kong magpahinga. Pumukit ako at pilit na kinakalma ang sarili ko. Nasobrahan ata ako ng lakad ngayon... O kulang ako ng tulog?

Natigilan ako ng maramdaman kong may tumabi sa akin sa magkabilang side ko. Nanatili lamang akong tahimik at hindi gumawa ng kahit na anong galaw... I can smell danger...

Nanatili akong walang kibo at pilit na kinakalma ang sarili ng maramdaman ko ang matigas at malamig na bagay ma tinutok sa tagiliran ko ng isa sa mga ito.

Hindi ko kailangan magfreak out. Hindi ko ilalagay sa kapahamakan ang anak ko. At handa rin ako sa pagdating ng oras na ito...

"Don't move. And come with us quietly." anang pamilyar na boses.

"Why should I?" malamig kong tanong rito. Naramdaman ko ang mas pagdiin ng bagay na iyon sa aking tagiliran. Napalunok ako pero hindi ko pinahalata ang kabang nararamdaman ko. Stay calm Chaos. Keep you head on the situation.
"Fine. No need to push or touch me." malamig kong turan sa mga ito na ginawa naman nila. They must know how to follow royals huh?

Sumakay kami sa isang black na limousine at piniringan ako. They tied my hands and I just let them. Hindi ako nanlaban o ano pa man. Ayokong mapahamak si lil bean. Kinapa ko ang wedding ring at engagement ring ko...
Silently praying that Nolve will save us on time.

Isang oras na halos ang lumipas na tumigil kami at pinababa ako. I can hear waves and smell salt. Naririnig ko rin ang mga kalampag at tunog ng tulad ng sa mga barko at yatch...

Inalalayan ako ng dalawang lalaki. They instructed me to take the stairs... Their is kind of familiarity on the place... This kind of feeling whenever I rode yatch or ferry.

Naramdaman kong ipinasok nila ako sa isang silid at pinaupo sa isang malambot na kutson... Kama...
Sinalakay ako ng kaba... Fuck...
Hindi naman siguro... Oh God!
Iniwan ako ng mga lalaki pero alam kong hindi ako nag-iisa roon... Ramdam ko ang pagsisimula ng pagandar ng kung anomang sinasakyan namin ngayon... Maybe a yatch? Damn...

Pinakikiramdaman ko ang galaw ng paligid... At naging alerto ang sistema ko ng marinig ang mga yapak na palapit sa akin... Tunog ng takong ng sapatos...

Marahas na tinanggal ng kung sino man ang piring ko sa mata at sinalubong ako ng nakangising demonyong inaasahan kong kukuha sa akin...

"Hello, My lovely and beautiful Eris... How are you now? Ready to play with me? Because I am craving for you ...my Daughter-in-law."
At halos lahat ng balahibo ko ay nagtaasan ng marinig ang nakakadiri nitong binigkas na mga kataga. Fucking disgusting bitch.

Tiningnan ko lamang siya ng malamig.

" You've gone this far  to own me just how you wanted to own Nolve... Rosette."

Stavros 7: Too Good At GoodbyesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon